32: Happy

3.7K 106 6
                                    

"ATE ADDY," SABI SA KANYA ni Sam, ang nakababatang kapatid ni Jake. She has been insisting na tawagin na lang siya nitong Addy kasi isang taon lang ang tanda niya dito pero ayaw pumayag ng magkapatid lalo na si Jake. "Super fun ng mga friends mo! Tapos ang cute pa ng babies ni Celest."

"Sinabi mo pa. Gusto ko nga minsan iuwi si Aicelle kasi super cute, yung kambal naman niya na si Ace super serious pero gwapo din yung bata." Tukoy niya sa mga anak ng kaibigan. Kumpleto kasi sila lahat dito kahit na si Mati na nagbabakasyon saglit from the States at si Roni na pahinga din from fashion week. She missed her friends kaya naman game na game talaga siya sa vacation na ito.

Ang medyo nahirapan lang talaga siya sa bakasyon na ito ay yung pagsama ni Jake. Siyempre super prtective nga ng parents niya sa kanya pati na mga kuya niya kaya naman kung anu-ano pang pagpupumilit ang ginawa niya para lang payagan siya. She's almost 26 years old pero grabe pa din ang protectiveness ng parents niya sa kanya. Hindi naman sa pinipigilan siya ng mga magulang na ma-enjoy ang buhay niya pero hindi katulad noon ay mas sentro na sila ng attensyon bilang Presidente ng Pilipinas ang tatay niya at Governor naman ang kuya niya.

Malamang naman kasi ay ang intimacy ang iniiwasan ng mga magulang niya na mangyari sa kanila ni Jake. Ang masaya lang dun ay kung alam lang sana ng mga ito na si Jake mismo ang gustong mag-abstain kasi he respects her and believes that it's better for them to wait. They just kiss and make out occassionally pero never beyond that. Jake respects her and she respects him too.

"Oo nga pala ate, alam mo naman na uuwi na si Mama next month diba?" Tanong nito sa kanya.

"Yup, sinabi ng kuya mo sa akin. Kinakabahan na nga ako eh. Parang hindi sila close ni Jake at all." Shw wondered about that so much kasi ibang-iba ang relationship ng nobyo sa ina kumpara sa relasyon ni Addy sa nanay niya. It's not that Jake's mad at his mother pero parang ang laki-laki ng gap nila. He rarely talks about her.

"Well, parehas kaming hindi close sa kanya ate kasi medyo controlling nga si Mama. Basta don't let her get to you. Huhulaan ko nang sasabihin niyang she doesn't like you pero please stand by Kuya." Paliwanag nito. Kita mo sa mata ni Sam ang genuine na concern sa kanya.

Kinakabahan siyang makilala ang nanay ni Jake noon pero ngayon parang natatakot na siya. There's something deep in her na nagsasabi na parang mahihirapan siyang kuhain ang amor ng nanay ng nobyo. Hindi pa naman siya sanay kasi ang magulang ni Bryce noon ay sobra yung pagtanggap sa kanya maybe because the had an ulterior motive pero foreign pa din sa kanya yung mahirap na i-please na parent ng nobyo.

"I love your kuya kaya kakayanin ko yung meeting namin ng Mama ninyo. I will stand my ground na hindi ko bibitawan si Kuya mo." She smiled and assured Sam. "Tsaka wala na ata akong makukuha na kasing bait ni Jake. Tanga na lang ako kapag binitawan ko pa siya."

"Swerte kayo sa isa't isa ate. Masaya ako na nahanap ka ni Kuya. He's had girlfriends pero iba ka." She smiled. "And pupunta din ako kapag mineet ninyo si Mama. Dagdag moral support."

"Tama yan Sam, kailangan ko yan!" At sabay na silang tumawa. Titibayan niya ang loob niya for Jake. Di siya papasindak sa nanay lang nito. If he can handle her older brothers and parents then she can handle his mother. She will handle it and prevail.

"Oh, anong pinagtatawanan niyo diyan?" Tanong ni Jake sa kanila bago umupo sa tabi niya.

"Wala lang, girl talk. Pagod ka na ba magluto? Ako muna dun. You rest here muna." Tumayo siya para siya naman ang mag-ihaw pero nagulat na lang siya ng biglang hatakin siya ni Jake kaya napaupo siya sa kandungan nito. "Ay! Kalabaw to! Andyan si Sam oh."

"Ang gwapo ko naman atang kalabaw." He hugged her tight. "Dito ka muna. Wala pa tayong quality time together. Sina Aidan daw muna ang mag-iihaw. Hayaan mo yang si Sam na mainggit."

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon