18: Beyond

3.9K 135 8
                                    


HE HATES HOW HE feels right now, galit na galit siya sa pangingialam ni Addy sa buhay niya. He hates how she's trying to be just like Bianca and in a way alam niyang kasalanan niya yun kasi hindi naman kilala ni Addy si Bianca and it's not her fault na parehas silang dalawa ng ugali. He hates how his mind is insisting na someone needs to replace Bianca kasi sure siya na si Bianca lang ang laman ng puso niya and Addy is just a confidante.

He's done something so horrible to her kahit na alam niyang malinis ang intensyon nito na tulungan siya with his mother pero somehow he feels like it's a lost cause. Matagal ng wala sa buhay niya ang biological mother niya and he hated her for leaving him with his father, not that his father is a bad man it just feels very different to have him instead of his mother. Hindi niya alam kung anong laro ng tadhana ang nangyayari kasi sobrang coincidental naman na sa lahat ng may profile ni Haze ay yung ginawa pa ni Addy ang mapipili ni Kenneth na padalhan niya ng message, it seems so odd for him.

The next morning ay pinuntahan niya ang bahay na tinutuluyan ni Addy pero wala na daw ito doon kasi sinundo kagabi. He hates the guilty feeling in him dahil sa paninigaw niya kay Addy. He wanted to say sorry pero mukhang malabo na iyon.

***

"SAAN KA BA talaga nagpunta bunso?" Tanong sa kanya ng Kuya Dave niya habang kumakain sila ng umagahan.

Nagulat na lang kasi ito kagabi ng dumating siya sa bahay nito at lalo pa nitong ikinagulat na kasama nito si Jake. He said he met him earlier kasi nag-courtesy call ang mga producers, director, staff at mga artista sa office niya. Collaborative movie pala ito to promote San Martin to the Philippines and hopefully the world. Mang-aaway na sana ang kuya niya ng magpaliwanag siya na may naiwan lang siya sa Brgy. Malikman na kailangan niyang makuha kaya nakisabay siya kay Jake papunta doon at noong makuha na niya ay sinundo naman siya ni Jake.

"Tsaka ano mo yung Jake na yun?" He asked. "Akala ko di mo boyfriend yun."

"Hindi nga Kuya, kaibigan ko lang yun." She said.

"Walang kaibigan na willing ka ipagmaneho ng ganun." Uminom ito ng kape. Hay nako lahat na lang may malisya.

"Ang malisyoso mo Kuya, hindi nga. Kaibigan ko lang siya, promise. Ayoko na ng love na yan," mukhang this time around ay seryoso na siya. Hindi man niya minahal si Haze ay nasaktan pa din siya. Wala na ata talagang lalaki na magmamahal sa kanya ng tama o totoo.

"Adelaide," nako may mahabang pangangaral nanaman na kasunod to. "Huwag masyado maging matigas yan puso mo, bata ka pa."

"Uy, hindi ganun kahaba yun ah." She laughed a little. Aminado siya na nasaktan siya kahapon dahil kay Haze pero kaya niya naman ngumiti regardless of how she feels. "Ikaw kuya, wala ka bang girlfriend?"

"Bakit?" Kumunot ang noo nito.

"Alam mo naman na gusto ko na ng pamangkin," she smiled. Matagal na kasi itong inuudyok ng mga magulang nila na mag-girlfriend lalo na at wala pa talaga itong nagiging nobya. May speculations na nga minsan na bading ito, not that they'd love him any less pero impossible talaga siguro wala pa lang talagang babae na dumadating para dito. "Tsaka okay na maging in a relationship naman ang image mo, masyadong madaming nagpapantasya sa pogi kong kuya."

"Ewan ko sayo, uuwi ka na ngayon?" Tumawa lang uli ito bago humigop ng kape. "I'm just 33 Addy, tsaka na yun. Dun sa mga babaero mong mga kuya ka manghingi ng pamangkin."

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon