13: Give

4.4K 123 5
                                    


["ARE YOU SURE your wrist is fine? I'll fetch you para makapunta tayo sa isang doctor sa Baguio."] Sabi ng Kuya Dave niya. Mula noong ihatid siya dito sa Brgy. Malikman ay hindi na ito tumigil sa pangungulit sa kanya. He's worried that she's exerting just a bit too much. Hindi naman na daw niya kailangan pang gawin iyon. She can help with her father's campaign when it starts para daw hindi na sila nag-aalala.

"Yes Kuya, thank you for worrying pero I'm okay now. Promise." Masaya siya na ganitong kaalaga ang mga kapatid niya pero minsan OA na din naman sila.

["Yang Bryce Ragadio na yan talaga, he will pay."] Galit na galit ito dahil sa nangyari sa kanila ni Bryce. Hindi na sana niya gustong sabihin sa mga ito pero wala naman siyang nagawa kasi nasabi na pala ni Celest sa Kuya Leo niya na siya namang nagbalita sa pamilya. Matinding pagalit nanaman ang nakuha niya dahil sa ayaw niya ng bodyguard na sana daw ay nakapag-avoid ng ganung situation. ["Oo nga pala, ano tong picture mo with Jake Francisco?"]

"Picture? Huh?" Parang sa sobrang careful naman ni Jake ay hindi pa siya ever nakukuhaan ng picture ng mga paparazzis.

["I sent it to you, check it now."] Ang kuya talaga niyang ito, grabe kung makabantay sa kanya, minsan mas strict pa ito kaysa sa Papa niya.

Sinilip niya ang cellphone niya kung saan sinend nga ng kuya niya yung picture. Nagulat siya kasi it was her! Hindi kita ang mukha niya pero she was sure kasi she was wearing the same thing noong bumalik siya sa Benguet with Jake sending her off. Nako. Buti na lang hindi kita ang mukha niya kung hindi her cover will be blown. Ayaw na niya uli ng magulong buhay, not now, not ever.

"Kapitbahay ko siya sa condo Kuya, he helps me sometimes and this was when he helped me get my things down. Nothing more." She explained.

["Alright, hindi to nanliligaw sayo?"]

"No kuya, chill ka lang." She laughed a little. "Magpahinga ka na din diyan, see you on Saturday."

["Okay bunso, take care. Call me anytime you need anything."] sabi nito.

"Yes kuya, love you."

["Love you too bunso,"] then the call ended.

Napalingon siya sa paligid. Tinanggal na din niya yung splint sa kamay niya kasi medyo okay na din naman yung wrist niya. Kailangan niya lang umiwas sa heavy work na nagrerequire ng wrist work. Her wrist still feels a little off. Matagal na talaga niya iyong problema since her childhood accident.

Addy: Have you seen the
Photo online? My Kuya showed
it to me.

She did not wait long at nagreply na din agad sa kanya si Jake. He really replies so fast na parang wala ata itong ginagawang iba sa buhay.

Jacinto: What photo? Tungkol
saan?

Addy: A photo of me with you!
Nakakaloka ang celebrity status mo.

Jacinto: Why were you there?

Addy: Yes, at least hindi nakita yung mukha
ko kundi my cover will be blown! 😣

Jacinto: I'll take care of it. Akong bahala
basta pasalubong ko ah. See you!

Addy: Dadalhan kita ng kamote. 🙄

Jacinto: Favorite ko yun, part siya ng
usual diet ko. Alam mo naman na mahirap
mag-maintain ng abs. 😂

Addy: Ang labo mo kausap. Ewan ko sayo.
Aalis na ako.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon