4: Children

6.1K 150 11
                                    


IT'S THEIR FIRST day in Brgy. Malikman kaya naman wala pa sila masyadong activities kundi ang pagpapakilala sa mga bata na tuturuan nila over the course of one month. Excited na excited siya ng makapunta sila sa school ng mga ito. It was a very old two-room building na may katamtaman lang na laking field kung saan siguro naglalaro ang mga bata. Nagpakilala lang sila sa mga bata at naglaro ng kaunti bago nila pinakain ang mga ito. Kahit kailan ay talagang hindi nakakasawa ang makita ang ngiti ng mga batang natutulungan nila.

"Ano yang nakabakod na lupang yan?" Tanong ni Adea kay Lana.

"Ah, farming business yan dito na mainly strawberries and vegetables ang products. Ang laking tulong niyan sa mga tao dito kasi puro taga-dito ang kinuha nung may-ari." Kwento nito. Nakakatuwa naman ang proprietor nito at naisipan pang makatulong sa kapwa.

"Mukhang malaki ang business niya ah, ang lawak ng lupa eh." She said.

"Oo, grabe ang lawak niyan at export quality talaga daw." Nakakabilib naman ang may-ari nito.

"Wow," she said. "Pwede naman siguro siyang puntahan mamaya ano? Malapit din sa bahay natin yung entrance eh. I can see the house from there."

"Nako, ija huwag na at wala ka ding makakausap." Sabi nung isang matanda na kausap nila.

"Bakit naman po?" She asked.

"Hindi masyadong lumalabas ng mansyon si Señorito." Nagtaka naman siya, ibig sabihin bata pa ang may-ari ng taniman na to?

"Ay, bakit naman po?" Ang hirap ng may sobrang curiousity talaga sa katawan.

"Siguro dahil naaasiwa sa tao," he said. "Hirap pa kasi siyang maggagalaw. Alam namin naaksidente siya bago siya napunta dito eh."

"Ganoon po ba?" She nodded pero hindi pa din siya titigil na malaman kung sino ang taong nagtatago sa mansyon.

Bata pa lamang si Adea ay sobrang curious na nito sa lahat ng mga bagay. There was no good enough surprise or riddle for her, maliban na lang siguro sa panloloko sa kanya ni Bryce kasi that was a really good secret that she found out a bit late. Adea will stop at nothing para lang malaman ang mga bagay na nakakapagpa-curious sa kanya and this landowner just piqued her fancy.

"Ate, bakit ganyan ang kulay ng buhok mo?" Tanong sa kanya nung isnag bata na inaasikaso niya.

"Wala lang, maganda kasi ang color red. Hindi ba bagay sa akin?"

"Ang ganda nga po sa inyo eh. Bagay po kayo ni Señorito." Sabi nito. Ibig sabihin ay nakita na nito ang mystery landowner.

"Ah, yung may ari nung taniman?" Baka mas madaling malaman kapag sa bata siya magtatanong.

"Opo," inabot nito ang mga libro na ibinigay niya.

"Ano ang hitsura niya?"

"Gwapo po! Kaso madami po siyang sugat tapos hindi siya masyado nakakalakad," mukhang kawawa pa ata ang landowner na yun. Is he sick kaya he refuses to go out?

"Ah, ganun ba?" Tumango-tango na lang siya.

"Pero mabait po yun! Minsan ay naligaw po ako sa taniman tapos siya po ang nakahanap sa akin at nagbalik sa akin kina nanay."

Bakit naman parang sobrang too good to be true naman ang description nng batang ito sa lalaki sa mansyon. Is he some kind of recluse who refuses to see the world? Mas lalaong tumitindi ang curiousity niya. She has to find out kung ano ang eron. Nakakainis naman kasi na sobrang nakakacurious talaga ang tao dun sa mansyon!

"Pero ayaw niya po ng bisita, nagagalit siya." Patay, so papaano na lang siya pupunta dun at mag-uusisa?

"Ah, ganoon ba?" Tumango-tango siya pero may plano na siya sa utak niya. She has to ease her curious mind.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon