10: Smile

4.2K 142 5
                                    


IT HAS BEEN A WEEK since makita niya si Haze, kahit naman kasi worried siya ay ayaw niyang kulitin ito since he may not be feeling well. Naging busy din siya sa volunteer work nila since madami nga ang naging participants noon. Iilan lang sila kaya kailangan devoted talaga ang time and effort. Hindi naman siya masyadong napapagod kasi sobrang saya ng mga tao lalo na nga mga bata na kasama kaya parang wala lang yung buong araw na pagod.

"Mang Kardo, kamusta po kayo?" Pumasok siya sa farming compound ni Haze kasi nakita niya yung tatay nung isang bata nila sa program.

"Ay, ma'am ayus naman po. Kayo po?" Ngumiti ito.

"Okay lang din po, hindi ho ba kayo aattend nung seminar mamaya?" Isang oras na lang kasi ay magsisimula na iyon.

"Ay, pupunta ho. Sayang naman yung matututunan ko doon. Ipinangunguha ko lamang ng gulay si Señorito kasi ubos na daw ang gulay nila doon sa bahay sabi ni Ruby."

"Ganoon po ba? Nako, may isang oras pa naman po kayo para pumunta doon. Malapit lang naman, ingat ho kayo sa pagpunta doon ah." Bilang hindi naman kasi ganoon kalaki ang barangay na iyon at medyo malayo sa iba ay hindi ganoon kaganda ang mga daan, kahit pathwalks medyo rough at mabato.

"Hindi ho ba kayo pupunta?"

"Hindi po, off ko po ngayon at babalik ho ako ng Maynila bukas kaya kailangan ko mag-ayos ng mga gamit." She smiled. "Sige po-"

"Addy," bigla siyang napalingon sa tumawag ng pangalan niya. Her heart went into overdrive bigla, seeing Haze in broad daylight is just so surreal.

"Señorito," bati naman ni Mang Kardo. Ngumiti naman si Haze at naglakad papalapit sa kanya. Hindi siya halos makagalaw kasi parang hindi totoo itong nakikita niya. "Dalhin ko muna po itong mga gulay sa bahay ninyo tapos pupunta na din po ako dun sa seminar nina Ma'am Addy."

"Salamat Mang Kardo,"

Noong makalayo si Mang Kardo ay tinitigan niya lang si Haze, he does not look the same. Gwapo pa din ito pero halata ang mga pilat nito sa leeg at pisngi. He's a wounded man with a very mysterious past.

"Baka matunaw ako niyan," sabi bigla ni Haze. Natawa naman siya at napailing, may semse of humor naman pala itong supladong mama na ito.

"Baliw ka, inaappreciate ko lang ang ka-gwapuhan mo." She smiled. Napansin niyang napatigil ito. Hindi pa ba ito sanay sa kaprangkahan ng mga tao when it comes to his looks lalo na ang gray eyes nito? "Oh, natameme ka na diyan?"

"Bakit ka andito?" Sumeryoso ang mukha nito. Ooops baka na-offend nanaman sa kanya.

"Nakita ko si Mang Kardo, nakipagkwentuhan ako. Trespassing na ba yun?" Tanong niya sa lalaki. Nakakapanliit na tumabi dito tapos ganoon pa kaseryoso ang mukha nito.

"Hindi naman," umiling ito, his long hair moving with the wind. Shet, makalaglag panty talaga.

"Tsaka diyan lang ako nakatira oh, ang lapit ko lang." Itinuro niya ang bahay sa may di kalayuan. It was a very simple house pero komportable naman sila doon tapos ang lamig pa ng panahon kaya naman hindi na nila kailangan yung aircon.

"Bakit di ka na bumalik sa bahay?"

"Uy, namiss mo ako ano?" Napangiti naman siya doon. Napansin niya na ito naman ang napailing na parang maling-mali yung idea na mamiss siya nito.

"Hindi ah,"

"Eto naman! Joke lang eh. Parang diring-diri ka naman sa idea na namiss mo ako." Ngumiti siya. "Ang dami niyo palang tanim na gulay dito."

"Yeah, small business lang ng stepmother ko." Paliwanag nito.

"Sana pwede din ako magtanim ng ganyan sa Manila. I love veggies so much lalo na yung galing dito sa Benguet kasi matamis pa talaga." Unlike most kids ay gustong-gusto niya noon ang lasa ng gulay, walang sayang sa kanya kapag yun ang ulam kasi feeling niya mas masarap pa yun sa meat of any kind. She's somewhat a pescatarian, she usually just eats fish and veggies. "Ano palang ginagawa mo dito sa labas?"

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon