23: Stay

4.1K 133 8
                                    


"SO OKAY NA TAYO sa mga pegs ah. Follow through lang tayo. Bianca okay ka naman na din diba? You command the shoot." Sabi nung head ng PR ng company niya. Hindi siya masyadong nagsasalita kasi pinababayaan na niya ang mga tao ang mag-ayos ng shoot na ito. Besides, medyo awkward siyang kausapin si Bianca since she's somehow an impossible person for her. How could she be alive? Did she plan this purposely?

Hindi niya pa din nakukuha yung pinatingnan niya kay Aidan at yung resulta na din ng sarili niyang paghahanap. Bianca Arcanta is basically an underground yet an up and coming photographer. She uses her mother's last name which is Cerzio. Kating-kati na siyang tanungin ang kwento nito. What the hell happened to her? At wala ba itong balak man lang na ipakilala si Gail sa ama nito? Addy is dead sure that Gail is Haze's daughter, those gray eyes says so much.

"Good morning," bati sa kanya ni Jake bago naglapag ng isang baso ng kape sa la mesa sa harapan niya.

"Oh, hi. Good morning." Hindi siya halos makatingin sa mata ng lalaki. Nahihiya siya kapag naaalala niya ang halik na pinagsaluhan nila. Mabilis lang yun pero grabe yung tibok ng puso niya.

"Stop thinking about it kung magiging awkward ka lang sa akin." Sabi ni Jake nang umupo ito sa tabi niya. He was wearing a white poloshirt and blue jeans, mukha pa itong bagong ligo kasi medyo basa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang fresh na pabango nito.

"Hala, sinong awkward?" She tried to smile kahit na alam niyang para lang siyang nakangiwi. "It's just a kiss, diba?"

Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa sinabi niyang yun. Hindi lang yun halik para sa kanya. It made her heart race and it made her realize some things. It's more than just a kiss. She sighed as she looked at Jake with a hurt expression across his face. Bago pa siya makapagsalita uli ay tinawag na nung PA si Jake para makapagbihis.

"Miss Addy, may problem pa tayo." Humahangos na lumapit sa kanya yung head ng PR team.

"Ano yun?"

"Wala po kasi yung model para sa women's line natin. Hindi po dumating. Kanina pa po tinatawagan pero walang sagot. Tinawagan na din po namin yung agency pero ilang araw na din daw po hindi nagrereport sa opisina nila. Wala din daw po sila mahanap na replacement niya." Kabadong-kabado ito.

"What if si Ms. Addy na lang ang mag-model?" Singgit bigla ni Bianca.

"Ha? Wag. Ayoko." Todo iling pa talaga si Addy. She will not have her face placed nationwide! Sa billboards! Sa posters! Sa lahat ng posibleng ad placement na pupwedeng lagyan nun lalo na ngayon na iniintriga sila ni Jake ng lahat. Grabe talaga!

"Bakit naman? Ang ganda mo kaya at sure ako na papatok yang ad kung kayo ni Jake Francisco ang magkasama doon. Promise!" Pagpupumilit ni Bianca.

"Bianca, grabe ka naman." She did not want to be a face that will be recognized by all. Jusko po!

"Ms. Addy sige na! Sige na miss! Ikaw na yung magmodel. We have to finish this shoot by today." Hinayupak talaga tong si Paolo, ang magaling na PR Manager niya. Bakit ba pati ito ay nakikisinggit pa sa pamimilit sa kanya. "Hindi naman super hirap ng spread natin. Mabilis lang naman talaga yung shoot for you."

"What? OMG. Makikita ng buong Pilipinas ang mukha ko kung saan-saan. Ayokoooo!" Hindi niya alam kung bakit siya ang boss pero siya yung pinagtutulungan ng lahat para mag-model. Ayaw niya!

Nagkukumpulan na ang mga tao sa paligid nila ng biglang lumapit sa kanya si Jake.

"What's wrong?" He asked.

"Ay nako yung partner mo dapat na model ay MIA! Hindi matagpuan kaya pinipilit namin si Ms. Addy na siya na lang para matapos natin ang shoot ngayon." Paliwanag naman ni Paolo.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon