33: Mother

3.5K 111 7
                                    


"KULANG ATA YUNG KAPE NA NAINOM KO," sabi ni Addy kay Jake habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay nina Jake sa Bulacan.

"Huh? Baby, you drank two cups of coffee before we left the condo." Nagtatakang sabi sa kanya ni Jake.

Hindi niya kasi talaga maipaliwanag yung kabang nararamdaman niya ngayon. Today is the day na finally ay makikilala na ni Addy ang nanay ni jake. She has been waiting for this day actually kasi gusto niyang makilala ang babaeng nagbigay buhay sa lalaking mahal niya. As corny as it may seem, Addy owes her Jake's existence kaya naman kahit hindi ganun ka -positive ang mga naririnig niya tungkol dito ay gusto pa din niyang makilala ito.

"Ate, okay ka lang ba?" tanong Sam mula sa backseat ng sasakyan. Tinupad nito ang pangako na sasama para sa additional moral support.

"Kulang sa tapang yung kape, kinakabahan pa din ako." She shook her hands and stretched a bit para medyo mawala yung kaba niya.

"Baby, you can do this. Nothing she says can change what you mean to me okay? Gusto ko lang na makilala mo siya para alam niyang masaya ako sayo." He smiled and took her hand with his free hand.

Sa totoo lang isa sa mga bagay na gusto niyang ma-achieve mula sa meeting na ito ay yung medyo maging mas open si Jake sa nanay niya. He's been estranged with his mother lalo na at sa States naman na ito naninirahan, operating a small business. Addy wants the lingering resentment in Jake's heart to fade away it's never good to hate one's parent.

"Thanks baby," she smiled and tried to calm her self down. Binibigyan na nga niya ng peptalk ang sarili pero hindi pa din kumakalma ang puso niya. Never naman niyang naramdaman to sa meet-the-parents nila ni Bryce.

After a couple of hours ay nakarating na sila sa ancestral house nina Jake. Pigil na pigil niya ang paghinga dahil sa kaba lalo na noong papasok na sila sa bahay. It looked like a lonely house, siguro dahil isa lang talaga ang nakatira doon maliban sa mga kasambahay na nakikita niya. How does it feel to live in such a big house with only yourself to accompany you. Hindi kaya nalulungkot ang nanay nina Jake?

"Oh hello Jake and Samantha, ang tagal din natin na hindi nagkita." Sabi ng isang may katandaang ginang na pumasok sa receiving area ng bahay.

"Hi Ma," lumapit si Samantha sa ina nito at humalik sa pisngi habang si Jake naman ay nakatayo lang sa tabi niya. Medyo tinulak pa nga niya ito para lang lumapit sa ina at humalik din. There is surely a deeper problem between them kung ganito ang animosity nila sa isa't isa.

"I see na may kasama ka Jake, hindi mo ba siya ipapakilala sa akin?"

"This is Adelaide Dueñas Ma, my girlfriend. Addy this is my mothr Leona Montealbo" Siya naman ang lumapit sa ginang upang bumeso o makipag-kamay sana pero tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa. She felt a slight tingle in her spine dahil sa tingin nito.

"Good afternoon po ma'am, nice meeting you po." Noong makapagsalita siya ay inisip niya pa muna ang isinuot niyang damit, kung hindi ba yun masyadong maigsi, respectable ba naman siyang tingnan, o kung hindi ba naman OA ang make up sa mukha niya. She had a lot of questions lalo na at titig na titig ang nanay ni Jake at Sam sa kanya.

"Halina kayo sa dining area, nakahain na doon ang pagkain." Tumalikod lang ito at nagtungo sa direksyon ng dining room kaya naman sinundan lang nila ito ng tahimik. She was bracing herself for a whole lot of questions kaya naman fino-focus na niya ang sarili para hindi siya mataranta.

Noong makaupo sila sa malaking lamesa ay naglagay na ng naglagay ng pagkain sa plato niya si Jake. He was like feeding her for a day dahil sa dami ng mga inilalagay nito na ulam. Maybe this is his way of calming himself down, mabuti na lang at medyo gutom na din siya kaya naman mukhang kaya naman niyang ubusin ang ulam sa plato niya.

"So, ikaw yung kasama ni Jake na nagmodel nung isang shoe brand?" tanong ng nanay ni Jake sa kanya.

"Yes po, ako nga po yun." She smiled, trying to be as charming as she possibly can.

"How much does a model make? Is it enough to get you by?" tanong nanaman nito. If she wasn't prepared enough ay mao-offend talaga siya sa tinanong ng nanay ni Jake pero hinanda niya na talaga ang sarili niya sa ganitong level ng sungit.

"Ma, she owns that brand." Singgit naman ni Sam bago siya nakasagot. "They make really good shoes at sikat yun sa bansa."

"Oh, so ginamit mo pala yun para mapalapit sa anak ko." Wala ata talagang lusot sa isang to kasi sobrang matapobre or something. May off sa ugali nito pero hindi ito yung kasamaan ng ugali niya. There's something else in her.

"Hindi naman po ma'am, we were neighbors po talaga initially and then we became friends. I modelled lang po that time because one of our models did not attend the shoot." She smiled again, kahit na feeling niya mas gusto pa makita ng ginang na nangingisay siya sa takot dito.

"So what about your family? Anong ginagawa nila?" Oh so this lady has really been away for so long kasi hindi ito in keeping sa balita sa Pilipinas, not that she wants the whole world to know every single detail of her life.

"My mother po is in the advertising business at ang father ko po ay isang politician."

"Politician? So you mean you're related to that Duenas family?" Tumaas ang kilay ng nanay ni Jake uli.

"Yes po, my father is the current president po." All smiles lang talaga siya para naman mabawi hindi siya magmukhang super threatened.

"Ah, okay." Then she proceeded to eat. Ang awkward lang nung sudden cut ng conversation. "How is school Samantha?"

"Okay naman po Mama, nagsimula na po ang clerkship ko." Sam smiled, proud na proud talaga ito sa napiling kurso.

"Ikaw naman Jake, why are you picking these shows?"

"What do you mean?" Jake asked. Oo nga naman, the shows he has been picking are always a hit lalo na ang current action teleserye nito na palaging mataas ang rating kahit na walang romantic notes.

"Masyado kang nag-stick sa isang genre. You could easily venture to romance or family dramas." Suhestiyon ng ginang sa anak. "Is your girlfriend preventing you from taking those roles? Makakaganda kasi yun sa career mo. "

"Ako po ang pumipili ng roles ko. I consult Addy once in a while pero hindi niya kahit isang beses ako pinigilan na kumuha ng roles." Jake seems agitated. "Let's just eat. Kailangan ko na din bumalik sa Maynila kasi may shooting pa po ako mamaya."

"Okay if you say so," the old lady just nodded. "I will be staying in Manila for the duration of my stay."

"I'll go visit na lang po Mama whenever I have off days." Sabi ni Sam dito.

"Okay."

That was by far the most awkward family dinner that she's ever been in. Hindi maidedeny ni Addy na may matindi talagang animosity between Sam, Jake, and their mother. Tahimik lang sila sa byahe pabalik and she did not ever dare to ask kasi baka hindi pa okay ang dalawa. Their mother, Leona Montealbo, is so cold. With her eyes and crazy questions and speculations, Addy can already guess na may matindi pang issue beyond her controlling attitude.

"Sorry baby ah, dahil tuloy dito naging uneasy ka sa dinner." Jake said.

"Ano ka ba! I'm fine, okay lang ako. Hindi naman sobrang bad ng first time ko na makilala siya eh." She smiled para naman hindi na ma-feel bad si Jake.

"But still..."

"Ay, no. Wag mo na isipin. Okay? I'm good." She smiled and hugged him before going inside her new condo unit's building. "Love you. Behave ka sa provincial shoot mo bukas."

"I love you too. I'm always behaved naman. These eyes see only you." Jake kissed her before seeing her off.

_________________________________________________

Totally failed you. I forgot to upload this last night! But nonetheless, here you go! Last 7 chapters!

💁🏻:psychedelic26

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon