31: Date

3.9K 108 5
                                    


"SORRY THAT WE HAD TO go here pa, I just have to pick up some things." Addy said apologetically habang magkahawak kamay silang naglalakad sa isang high end mall sa BGC.

"No worries, may kailangan din akong bilhin before that beach trip we were planning." Nginitian lang siya ni Jake na parang hindi nito napapansin ang mga tao na tumitingin sa kanila. "Plus I get to show my lovely lady off to the world."

It has been four wonderful months since they became girlfriend and boyfriend. Wala na siyang ibang mahihiling pa kasi sobrang spoiled and alagang-alaga siya ni Jake. She even met his sister two months ago at masaya lang silang tatlo na naghang-out. She even hosted Sam for the night kasi sobrang inumaga na sila sa pagkukwentuhan. Ang hindi na lang niya nakikilala ay ang nanay nito kasi next month pa daw ang balik galing sa States. Jake admits naman na hindi siya close sa ina kasi masyado itong controlling. Ang tatay naman ni Jake passed away when he was a teenager.

Their relationship is never confirmed sa media. They like to keep them guessing besides this is their story kaya sila ang bahala kung ise-share ba nila sa mundo or not.

"Bolero ka talaga kahit na kailan." She laughed.

This is probably the happiest she has ever felt in years and contrary to the fact na inoobserbahan sila ng Pilipinas through the media ay masaya sila and content. It may be true na may mga nang-iintriga sa kanila pero alam namna nila ang totoo. Addy knows na mahal siya ni Jake and Jake loves her very much too.

"Hindi pambobola ang pagsasabi ng totoo, remember that." Jake smiled.

"Ay, nakita ko nga pala si Haze kahapon. I saw him noong may pinuntahan akong isang meeting." Balita ni Addy sa boyfriend.

"How is he? Kamusta sila ni Bianca?"

"Ayun, problemado pa din siya tungkol sa parents ni Bianca. They just can't seem to like him. Naiirita na nga din ako. Bakit hindi na lang nila hayaan yung anak nila na sumaya? Gusto ba nila na ganun na lang si Bianca? What if she remembers?" Nalulungkot sila na hindi pa din naaalala ni Bianca ang asawa niya pero she is trying and she has decided na bigyan ng chance ang pamilya nila ni Haze kahit na wala siyang matandaan.

"I wish she remembers already, ang hirap din kasi ng sitwasyon nila." He sighed.

"Excuse me, pwede po ba ma magpapicture?" Nagulat sila bigla ng may maglakas loob na lumapit sa kanila at magtanong. Hindi naman ganun kadami ang tao sa paligid kaya naman pinaunlakan ito ni Jake.

"Yeah, sure. No problem." He smiled and quickly fixed his hair.

"Ako na ang kukuha ng picture ninyo." She siled ang gladly took the phone from the girl. "1, 2, 3, smile!"

"Thank you so much," pasalamat ng babae. "You two look so good together!"

"Thanks," she smiled bago sila magpaalam at maglakad palayo.

"I'm still not used to this. Nakakaloka pa din na sa tuwing kasama kita ay may mga nagpapapicture sayo. I cannot fathom how famous you are, lalo na sa girls." She said.

"Uy, nagseselos ang baby ko." He joked. Alam naman ni Jake how much Addy trusted him kaya naman wala itong ginagawa to make her think or believe otherwise. One of his best traits is yung constant na pagtetext nito sa kanya about his location, what he's doing, and so on. Addy feels na palagi siyang in the loop sa nangyayari sa buhay ng nobyo. Hindi naman kailangan na palagi sila magkausap, ang mahalaga is that they keep their connection with each other.

"Wala akong rason para magselos," she smiled. "Ang good boy mo kaya."

"Of course, bakit pa ako maghahanap when I have the best right here?" Sabay kindat pa.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon