27: Confessions

4K 123 6
                                    


"ANONG SINABI MO?" Parang gulat na gulat at hindi makapaniwala si Jake sa narinig niya. Natatawa naman si Addy sa naging reaksyon nito. She expected no less than this.

"Ayaw ko ng ulitin, hindi ka kasi nakikinig." She said.

"Red," napatigil ito ng biglang sunud-sunod na bumusina ang mga sasakyan sa likod nila. "Damn it, tumahimik kayo!"

"Oy, bakit ka dito sumisigaw. Go na kasi! Andar na!" Natatawa pa din niyang untag sa lalaki.

"Kailangan ko marinig uli yung sinabi mo." He said not minding the people shouting at him from their cars and the constant blaring of their horns.

"Igalaw mo yung sasakyan, uulitin ko. Bilis na Jake, galaw na—" pero hindi na sila nakagalaw kasi may isang traffic enforcer na tumigil sa harap ng sasakyan ni Jake. "Naku, bakit ko kasi dito sinabi sayo eh. Yan tuloy mahuhuli ka pa."

"Anong mahuhuli?" Parang wala ito sa wisyo, just looking at her waiting for her to say anything else.

"Ayan oh, may traffic enforcer. Pasaway ka kasi."

"Ha?" At may kumatok na sa bintana nito. Pinagbabaan niya ng bintana ang medyo middle aged ng lalaki.

"Sir, nakakaabala ho tayo sa daan. Pakitabi na lang po muna." Yun naman ang ginawa ni Jake at mabilis na bumaba para sundan ang traffic enforcer. Bilang hindi naman talaga mapakali si Addy ay bumaba siya para sundan si Jake.

"Excuse me sir, pasensya na po kayo sa nangyari." Sabi niya sa traffic enforcer.

"Nako, ma'am ano ho ang nangyari?" Bungad nito na nakatingin sa kanyang paika-ikang paglalakad at may kalakihang sugat sa may tuhod.

"Nadulas ho kasi ako kanina, dadalhin na ho niya sa ako sa ospital para mapatingnan. Noong naka-stop ay babalutan niya sana ng panyo kaso natamaan niya kaya sumakit ng sobra yung tuhod ko. Nag-panic po siya kaya kami di nakaandar agad. Pasensya na ho talaga." That was the most plausible excuse that she can come up with para naman hindi na mabigyan ng ticket o ng kung ano man si Jake. It was her fault after all. Magtapat ba naman siya habang nasa kalsada sila.

"Ganoon po ba?" Bumaling ito kay Jake. "Akala ko namna kung ano nangyari at huminto kayo at di gumalaw. Sa susunod ho itabi niyo muna o ideretso na ninyo agad sa ospital."

"Ah, opo. Pasensya na kayo sa abala." Paghingi ng paumanhin ni Jake.

"Sige ho, ingat kayo. Kalapit naman na ang ospital dito." Tumingin ito uli kay Addy. "Iboboto ko ho ma'am ang tatay ninyo. Malaki ho ang tiwala namin na mapapaunlad niya ang Pilipinas."

"Ay nako, salamat po. Asahan niyo pong gagawing lahat ni Papa para po mapaunlad ang buhay ng lahat." She smiled, natuwa naman siya sa sinabi nito tungkol sa Papa niya. Masaya siya na madaming sumusuporta sa adhikain ng kanyang ama. All he ever wanted was to serve the people.

Sumakay na sila uli sa sasakyan and she laughed randomly the whole way habang nagmamaneho si Jake. Hindi na nagsalita si Jake but instead he focused his attention sa pagmamaneho. When they got to the condo ay tumuloy sila sa unit ni Addy.

"Now, can you please repeat yung sinabi mo kanina?" Jake asked as he moved towards the kitchen and took out the first aid kit and went back to her.

"Bakit?" She smiled habang pinapanood si Jake na ilabas ang mga gagamitin para gamutin ang sugat niya. Hopefully this heals up fast kasi ang pangit naman na nakapantalon siya sa election day, Addy and her first world problems.

"Kasi kapag di mo inulit ay lalagyan ko ng alcohol yang sugat mo," sabi ni Jake. She instinctively pulled her leg to herself para ilayo kay Jake na may hawak na ngayong bote ng alcohol.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon