9: Past

4.4K 122 23
                                    

A/N: As promised, eto na ang next chapter. I have a free day kaya naman natapos ko na itong chapter na ito. Maybe this chapter will confuse a lot of people at siguro may ilan na baka magets na ang takbo ng storya na ito. I hope you guys enjoy and have fun with this! Thanks! 😘
__________________

"BAKIT PARANG NAPAPADALAS ang pagsakit ng binti mo Haze?" Tanong sa kanya ni Ate Ruby, she's been with him since he was a kid. Ito ang nagpalaki sa kanya when his mother left him with his father.

"Hindi ko din alam Ate Ruby, it just happens." Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang sakit na yun, it paralyzes him at parang hirap na hirap siyang makahinga dahil sa sakit na iyon.

Kaninang umaga ay si Addy ang nakakita sa kanya. She never left kahit na ganoon ang hitsura niya. He knows it looks so scary kapag nangyayari yun at wala naman talagang nakakatulong sa sakit kahit na may kasama siya pero kanina Addy seemingly helped him. Kumpara noong mga unang pagkakataon ay hindi siya sobrang matagal nakaramdam ng sakit. Doon niya lang nalaman na mas nakakatulong pala kapag may kasama siya hindi yung katulad dati na ayaw niyang may nakakakita sa kanya.

"Dapat hindi na ako umalis kanina," halata sa mukha ni Ate Ruby ang pagsisisi na iniwan siya nito kanina at wala ito noong atakihin siya uli ng sakit.

"Ate, magalaga din ang ginawa mo." Ngumiti siya dito. Pinabili niya kasi ito ng mga bulaklak at kandila. He wanted to offer some prayers for someone.

"Hindi mo parin nakakalimutan si Bianca. Kamusta ka na?"

"Bianca will always be a part of me, hindi siya mawawala sa puso ko just because she's gone." He smiled bitterly. Kung pupwede lang sana niyang makuha uli si Bianca ay gagawin niya pero paano nga ba hilingin yun sa langit?

"Sayang at hindi kayo nagkasama ng matagal, kung hinayaan lang sana kayo ng mga magulang niya edi sana nakalagay na kayo sa tahimik." Sabi nito.

Si Bianca Amara Rigoroso ang unang nobya ni Haze, ang nag-iisang babae na nagpatibok ng puso niya. Hindi niya alam kung papaano pero isang ngiti lang nito ay nahumaling na siya then that like turned into love. Mahirap noong una na mapaibig ang dalaga kasi dahil na din sa larangan na pinasok niya. Ayaw nito ng magulong buhay kaya naman sinigurado niya na tago nag relasyon nila, na walang makakaalam tungkol kay Bianca.

Finally ay sinagot na siya nito makalipas ng halos isang taon na panliligaw and he was the happiest man alive until Bianca introduced him sa pamilya nito. They were civil pero halatang ayaw ng mga ito sa kanya. He was not enough for their darling girl pero he tried his best, he did. Akala niya ay okay na ang lahat dahil sa halos tatlong taon na relasyon nila ay hindi na umimik pa ng pagkontra ang mga magulang ni Bianca hanggang sa bigla na lang ianunsyo ng mga ito na ipapakasal nila ang anak sa isang kababata. Haze was devastated pero Bianca gave him a reason to fight, lumayas ito at pumunta sa kanya.

It was the happiest day of his life noong sabihin nito na magpakasal sila. He informed everybody in his agency that he was quitting show business para mag-asawa and they protested for a bit bago pumayag na din. He was happy until malaman niya na hindi pala lahat ng kasiyahan ay nagtatagal. On the day of their civil wedding, after they got married ay naaksidente sila. Nabangga sila ng isang truck at nagliyab ang sasakyan niya. Kahit na masakit ang buo niyang katawan ay pilit niyang inilabas ang katawan ng asawa niya, she was still breathing but unconscious. Akala niya ayos na ang lahat, then he passed out and when he woke up ay gumuho ang mundo niya. The woman he loved so much, died.

Galit na galit ang pamilya ni Bianca, sinundan pala sila ng mga ito noong nagpakasal sila at naabutan ng mga ito ang aksidente. They took her away to another hospital and then she died there. Hindi man lang siya hinayaan ng mga ito na makita ang asawa bago ipa-cremate. They left him out as if hindi siya parte ng buhay ni Bianca. Hindi na niya nalaman kung saan nakalagay ang labi nito dahil umalis na ang mga magulang ni Bianca patungong Amerika. They punished him by not letting him say goodbye.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon