8: Trauma

4.5K 137 3
                                    


HINDI NIYA ALAM KUNG ano ang gagawin. Haze is quietly shivering in something she can't even explain. Hawak niya ang dalawang kamay nito trying to compose him or somehow ease the pain pero hindi man lang siya sigurado kung effective yun. Hindi nagbabago ang hitsura ni Haze at sobrang basang-basa na ito ng pawis. She knows he needs her help pero papaano naman niya gagawin yun?

"Haze, anong masakit? Tell me please?" Pero he remained quivering in pain, namumutla at hindi man lang makapag-focus sa pagtingin sa kanya.

Pilit niyang pinipigilan pero napaiyak na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya at humihigpit lang ang hawak ni Haze sa kanya, his legs limp yet his hands so strong. Ang hirap manghula kaya naman nafufrustrate siya.

"Haze, look at me," hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at ihinarap sa kanya. "Alam kong may masakit pero you have to endure and try to win over it."

Napigil niya ang pag-iyak at mas nakapag-focus siya sa pagkausap kay Haze. He's fighting the pain, sigurado siya dun kaya naman mas kinausap pa niya ito. She told him stories and even made up people just to tell funny stories. Hindi tama na siya ang iiyak eh wala naman siyang nararamdamang masama.

"Haze, kaya mo to. You are strong, I am sure." She smiled, hawak pa din niya ang mga pisngi ni Haze. "Alam mo ba dati akala ko hindi ko rin malalagpasan yung sakit but I did. Kinaya ko kaya dapat ikaw din. Hindi na kita kukulitin promise! Hindi na kita guguluhin o pipilitin na maging kaibigan ko. I'll stop."

"Addy," narinig niyang sabi ni Haze bago siya nito niyakap.

In his arms she can feel his pain. This man has been through something so traumatic that it haunts him. Hindi niya alam kung ano yun pero she knows it, she feels it. Haze is not one to suffer this much just because of a car accident, something bigger happened at hindi niya na alam kung tama bang gustuhin pa niyang alamin yun.

"Ayos ka na ba Haze?" She said, naiiyak nanaman siya. At least ay okay na si Haze, yun lang naman ang silent prayer sa utak niya kanina pa.

"Addy," yun lang uli ang sinabi nito.

"Kaya mo na bang tumayo? Halika doon sa couch. Doon ka muna, basang-basa ka na ng pawis." Pilit niyang inalalayan ang nanlalambot na Haze na makatayo. He is so fragile now. Ano kaya talaga ang nangyari sa kanya noon?

"Addy, thank you-" pinigilan na niya itong magsalita.

"Oo na pero doon muna tayo sa couch ah. Ayos ka na ba?" Tanong niya dito. Tumango lang ito at pilit ding humakbang. "Kinabahan ako sayo."

"Sorry," sabi nito.

Sobrang basang-basa ng pawis ang lalaki na kahit panyo niya ata ay kayang pigain. She feels better na ganitong okay na ang lalaki. Pigil na pigil siyang magtanong kung ano ang nangyari dito. Hindi niya kasi alam kung tama bang magtanong siya kasi baka mapagalitan nanaman siya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na ang binata sa couch. He looks so peaceful lalo na at mukhang wala ng masakit dito. She smiled, masaya siya na okay na ito. Binantayan niya lang ang binata habang natutulog ito. Hindi niya namalayan na alas nuebe na pala ng umaga at matagal na siyang nakatitig sa mukha ni Haze. Kung hindi niya lang narinig na may nagbukas na pintuan sa labas ay hindi rin siya matapos na tumitig kay Haze.

"Sir Haze?" Narinig niyang tawag ni Ate Ruby sa labas.

"Ate Ruby!" Lumabas siya ng kwarto at kinawayan ito para magmadaling lumapit.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon