Chapter 4

457 7 0
                                        

CAREN’S POV

Birthday ko ngayon at magsisimula na ang party.

Ayoko naman talagang maghanda ng bongga pero napilit nila ako dahil minsan lang naman daw ito.

Nagsisimula nang magsalita ang emcee.

“Let us now welcome our debutant, Ms. Caren Fuentabella.”

Pagkasabi noon ay bumukas ang malaking pintuan na nasa harapan ko at nagsimula na akong lumakad pababa ng hagdan.

Nahihiya ako dahil lahat ng tao ay nakatingin sa akin.

Hindi ako sanay na binibigyan ng atensiyon dahil ayoko ng magulong buhay. 

Tiningnan ko ang mga bisita ko at hinanap ko siya.

Hinahanap ko si Kevin pero bigo ako, hindi ko siya makita.

Pero naisip ko na baka late lang siya or nasa comfort room lang.

Ayokong sirain ang gabi na to.

Pagbaba ko ng hagdan ay nandoon si kuya. Oo, siya ang escort ko. Ang loner diba? Nahiya kasi akong ayain si Kevin dahil baka tanggihan niya ako.

Official nang nagsimula ang party at kabi-kabila ang mga taong bumabati saakin.

Pumunta kami ni kuya sa table kung saan nandun din sina Julia, Marti at Alex.

“Nakita niyo ba si Kevin?”, tanong ko sa kanila.

“Hindi ba niya sinabi na hindi siya makakapunta?”, biglang sabi ni kuya.

“Hindi eh, bakit daw?”

“Ewan ko, may gagawin ata siya ngayon eh.”

“Ah, sige”

Akala ko pupunta siya, nag-expect ako.

Masakit pala talaga.

Pero sana sinabi man lang niya sa akin para di ako nagmukhang tanga.

Sabagay, di naman niya ako girlfriend at ang mahal pa niya ay ang BESTFRIEND ko.

Siguro tuwang-tuwa iyon dahil nagbreak na si Julia at kuya.

Sobra nga ang iyak ni Julia nung araw after ng party.

Di na daw kasi niya kayang magpakatanga.

Anyway, ang awkward ng atmosphere ngayon sa table namin. Ang pwesto namin is

Caren-Ralph-Alex-Julia-Carlo-Marti.

a/n: Round table po yan.

Una dahil break na nga si kuya at Julia tapos katabi pa ngayon ni Julia si Carlo na pinsan namin.

Tapos napansin ko pa na si Marti at Alex ay hindi nagkikibuan eh dati-dati silang dalawa pa iyong nagbabangayan pagganitong okasyon.

Di ako sanay na di silang dalawa nag-iimikan tapos napansin ko pa na mugto iyong mata ni Marti.

“Marti, bakit ka ba nagagalit sa akin?”, biglang nagsalita si Alex.

“Malay ko, tanong mo sa lolo mo.”, galit na sagot niMarti.

“Paano natin to maayos kung ayaw mo makipag-usap?”.

Nagulat ako nung sumigaw si Alex, 

“Party to ni Caren, wag kang gumawa ng eksena mo. Please excuse me!” – Marti

At dun, tumayo si Marti at tumakbo paalis.

Tumayo si Alex at akala ko hahabulin niya si Marti pero sa ibang daan ang pinuntahan niya.

Nagpatuloy lang ang party kahit na feel ko nang tapusin to.

Masaya pero may kulang.

Wala kasi si Kevin. Oo, alam kong mahal niya si Julia pero ano bang magagawa ko?

Ayaw magpaawat nitong puso ko. Kung ganun lang kadali ang maghanap ng iba, eh di matagal ko na sana siyang nakalimutan.

Biglang namatay ang ilaw at nagkaroon ng commotion sa loob ng hall.

Di ko alam kung anong nangyayari pero nagulat ako dahil may spotlight na biglang tumapat sa akin at nakita ko si Alex na papalapit sa akin habang may hawak na bouquet.

“Caren, alam ko kilala ako bilang isang womanizer pero ewan ko ba, bigla na lang akong nahumaling sayo nang di sinasadya. Basta isang araw, bigla na lang di ko maalis ang paningin ko sa’yo. Di naman ako ganito sa mga naging babae ko. Promise, hindi na talaga ako mambabae. Alam ko mahirap paniwalan pero sana maniwala ka. Caren, please allow me to court you.”

Di ako makapagsalita.

Tiningnan ko kaagad si Marti at nakita ko siyang naiiyak.

Di ko alam ang gagawin. Hindi ko siya mahal at alam kong masasaktan si Marti.

Nakita kong tumakbo palabas ng hall si Marti.

“I’m sorry Alex but I’m inlove with someone else.”

And there, tumakbo ako palabas para habulin si Marti and wala na akong paki sa party kahit na alam kong nagkakagulo ngayon sa loob. Ayoko nang makihalubilo sa kanila lalo pa ngayon na pati ako ay naguguluhan na din.

Di ko alam na mahal pala ako ni Alex or baka gusto niya lang akong pagtripan.

Mahal na mahal pa naman siya ni Marti.

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon