Chapter 13

396 5 0
                                        

Caren's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ulit ni Alex. 

Dumating nung isa araw si Edward, iyong isa pang bestfriend ni Marts. Oh my gulay! PAPABLE. Kaso mukhang my hidden pag-ibig siya kay Marti eh. Ang lagkit ng tingin kay Marts lalo na nung unang araw niya dito.

Nabalitaan ko pa na si Julia at Carlo na. Nakakainis! 

BAKIT ANG BILIS NIYANG MAPALITAN SI KUYA?

MINAHAL BA TALAGA NIYA ITO?

Okay.. Naasar lang talaga ako. Alam kong dapat hindi ako nagagalit kay Julia pero di ko lang talga mapigilan. Nagulat ako nung one time umuwi si kuya dito na tulaley. Simula nung araw na un lagi na siyang spaced out. Eh Finals na namin next week and paano sya papasa niyan?

AND SPEAKING OF FINALS, ibig sabihin niyan MALAPIT NA ANG SEMBREAK. YESSSSS!!

Saan kaya kami pupunta? Ayy yayayain ko na lang ang barkada! Para na rin makasama ko si Kevin.. :""""""""""""""""""""""> Lunch namin ngayon at kami ang magkakasama. Medyo awkward lang dahil nandito si kuya at Julia. 

"GUYS, sembreak na next next week?", sabik kong sabi sa kanila. "Bakasyon tayo, PLEASE! PLEASE!"

"Oh, sige tara sali! Dun tayo sa resthouse namin sa Tagaytay!", tuwang-tuwang sagot ni Marti.

"Ano game?", tanong ko sa kanila.

"Ako basta kasama si Marti, sasama ako", sagot ni Edward habang nakatingin kay Marti.

"Hoy Edward ha. May napapansin ako. Ikaw ha!", biglang sabat ni Julia.

"HAHA, wala ah. Kayo talaga. Syempre namimiss ko tong si Marti eh. Kailangan di ko na palampasin ang pagkakataon para makapagbonding kaming ulit dalawa.", palusot ni Edward.

"Ang ingay niyo naman.", pasigaw na sabi ni Alex.

"Lul, Selos ka lang eh", sabay-sabay naming sinabi.

"Mga gago, hindi no! Bakit ako magseselos?"

"Oo na. Oo na. So sama ka ba?", tanong ni Marti.

"Sige na. Sige na. Ako na sasagot sa transpo."

Napansin kong hindi nagsasalita si kuya.

"Kuya, sasama ka ba?", tanong ko kay kuya.

"Ah, pag-iisipan ko pa. Baka may iba akong puntahan nun eh."

"Ano ba naman to si Ralp, parang hindi kasama sabarkada oh.", patampong sabi ni Kevin.

"Sya sige. Sasama na ako. Para na rin mabantayan ko kayo."

"Tse! Kami ba talaga ang babantayan mo o si Julia lang?", panunukso ni Alex pagkatapos ay uminom ng dala niyang juice.

*PLAKKKKK*. Biglang nabuga ni Alex ang iniinom nyang tubig dahil binatukan siya ni kuya.

"ARAYY!", sabi ni Alex habang hawak ang ulo niya. 

"Kung ano-ano kasi pinagsasabi mo. Sige, mauuna na ako. Bumalik na rin kayo sa mga classrooms niyo. Malalate na tayo", huling sinabi ni kuya sabay alis na.

"Tara na! Sa sembreak ha. Walang mawawala!", after nun ay kanya-kanya na kaming punta sa mga classrooms namin. 

BTW, pare-pareho kaming 4th year students and pati si kuya din. Hindi kasi siya pwedeng magcollege pa dahil sa di ko alam na dahilan kaya ayun magkabatch kaming dalawa. How nice diba? Kaya close na close kami niyan eh.

FAST FORWARD NA.

Kakatapos lang ng Finals namin ngayon and napagpasyahan naming magkita-kita sa isang coffee shop para pag-usapan ang mga dapat naming dalhin bukas. Bukas na ang start ng sembreak namin which means bukas na kami pupunta ng Tagaytay.

"Ui, grabe ang hirap ng test sa Physics no?", reklamo agad ni Alex.

"HAHAHA, lahat naman ng test mahirap sa'yo eh. Puro kasi babae inaatupag mo", panunukso naman ni Marti kay Alex.

"Eh sa ganito ako eh. Anong magagawa mo?"

"Oops! Oops! Nandito tayo para pag-usapan ang trip bukas at hindi ang mag-away.", pigil ko sa kanila dahil alam kong magsisigawan na naman silang dalawa.

"Di ka pa nasanay diyan sa dalawang iyan. Eh simula pa lang pagkabata sila na ang madalas mag-away". Di ko napansin, andito pala si Edward. Naging close na din siya sa barkada kasi palagi namin siyang kasama.

"So bukas ha, 4am magkikita-kita tayo kina Alex since sasakyan naman ni Alex ang gagamitin. Dalhin niyo na din ang mga kailangan niyong dalhin like mga personal things niyo syempre wag kakalimutan ang swimwear! One week din tayo dun so dapat sapat ang dala niyong damit. Babalik tayo before Nov. 1.", bilin ko sa kanila.

"YES BOSS!", sabay-sabay nilang sabi.

"Mga loko-loko.", adik talaga tong mga kaibigan ko kaya mahal na mahal ko eh.

I KNOW THAT THIS TRIP WILL GOING TO BE FUN................

"Ahm, pwede bang magsama ng iba?", biglang nagsalita si Kevin. First time niya iyon ngayong araw. Busy kasi siya sa kakatext. 

"Sure, kasya pa naman tayo dun eh.", pagpayag ni Alex.

"Sige, salamat pre!", tuwang tuwang sagot ni Kevin.

OR MAYBE NOT :(((

Bakit may isasama siyang iba? Tae naman oh! :((( Kala ko magkakaroon na kami ng quality time. 

-----

Kevin and Caren on the side. :-)

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon