Caren's POV
**Resume of classes**
Lakas maka friendzoned nung mga salitang huling binitawan sakin ni Kevin..
"Kasi bestfriend kita.."
Sa sobrang inis at pagkapahiya ko nun, hindi ko na alam kung anong iniisip ko.. Pero may ginawa ako, sobrang mali. Nawala na nga sakin si Julia mukhang mawawala pa sakin si Marti.. Kasi nung gabi bago kami umuwi ng Manila, sinabi ko kay Alex na gusto ko siya maging boyfriend..
Flashback<<
"Dapat siguro mag-sorry ka nalang kay Julia, nasaktan mo din naman siya. Medyo pinagmukha mo pa siyang malandi." sabi ni Alex habang nakupo kami dun sa may porch ng bahay nila Marti sa Tagaytay.. Tulog na silang lahat, ako hindi makatulog dahil dun sa nangyari.. Sinamahan naman ako ni Alex.
"Hindi naman yun yung intention ko. Hindi lang naman siya yung nasasaktan dito." sagot ko, wala na kong magawa kundi umiyak. Para kasing si Julia lang yung kawawa at nasasaktan tapos ako yung masamang tao na laging nananakit sakanya..
"Alam ko yun Caren, perio hahayaan mo bang mawala yung bestfriend mo dahil lang dito?" tanong ni Alex.
Napatingin ako sakanya, and at that time Parang isang bagay lang yung tamang gawin para matakasan ko si Julia at Kevin.. "Alex, gusto mo padin ba ko?"
Halatang nagulat siya sa tanong kasi hindi siya nakasagot agad. "ah.. Oo naman."
"Gusto mo ba maging boyfriend ko?"
Nanlaki yung mata ni Alex, "Seryoso ka ba!?"
Ewan ko, hindi ko alam.. "oo."
>>Present.
Hindi pa alam ng barkada yung nangyari, except for the fact that nakita kami ni Kuya kagabi na magka-kiss. Sa totoo lang, di ko alam kung bakit pumayag si Alex kahit alam niyang si Kevin talaga yung gusto ko.. At hindi ko din alam kung bakit ginawa ko to kahit alam kong may masasaktan akong kaibigan ko.. Parang dumating ako sa point ng buhay ko na wala na kong pakialam sa iba, parang gusto ko nalang ng kasama lagi..
Dumating na ko sa point na sobrang pagod na kong masaktan, kaya naghanap nalang ako ng taong pupuna sa spot ni Kevin sa buhay ko..

BINABASA MO ANG
CRAZY, STUPID, LOVE.
Teen FictionLahat nang tao nasasaktan at madalas, nagiging tanga kapag nagmamahal. Kahit ano pang relationship status mo - single, in a relationship, it's complicated, engaged, married, o kahit widowed pa - nagmamahal ka, at nasasaktan ka. Minsan, tinitiis mo n...