Chapter 9

462 8 0
                                    

Marti's POV

"Birthday ni Alex ngayon diba?" tanong ni Julia nung papunta kaming mall after class.

"Oo, bakit?" sagot ko.

"Wala, nakapagtataka lang. Walang party ngayon." biglang check sa phone niya ng messages.

Ngayon ko balak makipagbati kay Alex, kaya lang hindi ko alam kung paano. Akala ko nga may party siya pero hindi lang ako invited, yun pala wala daw talaga sabi nila Ralph. ang weird, kahit naman malungkot yun mas gugustuhin nun maglasing kaysa magmukmok.

"Trip niyo lang ba ko o wala talagang party si Alex?" pagsisigurado ko kay Julia.

"Wala nga Marts, ang kulit lang. Batiin mo na kasi yung tao." pagpipilit ni Julia habang tumitingin siya ng novels sa bookstore.

"Ano namang connection ng hindi namin pagbabati sa pagkawala ng pagiging party animal niya?! Lahat kayo yan sinasabi sakin. Hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganun si Alex." reklamo ko. Okay, medyo uminit ulo ko dun. Sorry. :|

"Granted na kasalanan nga ni Caren, atleast kung hindi ka galit sa kanya kahit papaano may best friend siya, diba? Hindi naman kaya nila Ralph yung ginagawa mo para kay Alex. Kailangan ka nung tao."

Urgh! Nakakainis. Minsan feeling ko pinagtitripan ako netong si Ralph tiyaka Julia ee, lagi nila kong kinokonsensiya tungkol kay Alex. As if naman ako may kasalanan kung bakit kami nagkagalit.. Tss.. Ay, teka, sino nga ba may kasalanan??

---

That night, nakatulala ako sa window sa kwarto ko habang nakikinig sa senti na music, pang-music video lang ang peg, tapos nakita ko bigla si Alex lumabas na umupo dun sa may gate ng bahay nila. Okay, sige na, makikipagbati na po ako.

"OY, WOMANIZER." sigaw ko sakanya bago ko umupo sa tabi niya."Happy birthday."

Akala ko hindi ako papansinin, buti na lang biglang ngumiti. "Thanks."

"Wala kang party ngayon? Walang alcoholic drinks? Walang girls?" tanong ko.

"May nakikita ka ba?" Minsan talaga bad trip tong taong to ee. :|

"Sabi ko nga wala ee. Pero birthday mo tapos Friday ngayon, gusto mo ba mag-party?" offer ko.

"Sasamahan mo ko?" tanong niya with that cheeky grin. Ang cute, nakakainis. :| Okay, kalma Marti. Kalma lang.

"Hindi, papaalisin kita mag-isa. Tss, malamang sasamahan kita diba!? Tatawagan ko na rin sila Ralph."

"Saan tayo?"

"Sa bar ni Daddy para pwede natin paalisin yung mga tao tapos tayo lang dun. Tara na, bilis!"

And we got wasted that night, kami nila Alex, Ralph, Julia, Caren, Kevin, at Carlo. Sa sobrang wasted namin dun na kami nakatulog sa bar. Buti na lang talaga bar ng Daddy ko yun. In some way, naging okay din si Alex kay Caren. Don't ask me kung paano kasi hindi ko din talaga alam. Magkakaaway padin sila, kami pa lang ni Alex yung okay. And to tell you the truth hindi padin nawawala yung feelings ko kay Alex, bahala na lang. :|

=======================================================================

Alex's POV

"Badtrip ka Alex, ang sakit ng ulo ko. Worst hangover ever." reklamo ni Marti nung pauwi na kami galing sa bar ng Dad niya the day after my birthday.

"Sino bang nag-aya? Ikaw kaya!" sagot ko.

"Sinabi ko bang ikaw? Sabi ko lang naman badtrip ka. Hindi ko sinabing ikaw nag-aya." maangas niyang sagot habang minamasahe niya yung sarili niyang ulo.

"Hirap mo talaga kausap minsan." reklamo ko.

"Ikaw lagi. Hindi ko nga alam kung bakit ang damo mong nalolokong babae eh."

"Nasa looks land personality lang yan." sagot ko sabay kindat. Inirapan ako ni Marti.

"Buti na lang hindi lahat nakukuha niyang looks and personality na sinasabi mo." sabi niya.

Nakakainis kasi minsan na lang ako mababasted dun pa sa taong seryoso ako, pero okay lang. Hindi din naman gusto ni Kevin si Caren so quits lang. Okay, ang sama ng ugali ko. HAHAHA :D I am totally back! Okay ako kahit walang Caren, atleast may Marti na best friend. Madami naman akong babae diyan, pero mahirap maghanap ng best friend na hindi nag-iiwan kahit laging nang-aaway.

"Oy Martina, wala ka pang regalo sakin aa." sabi ko bago ko siya pababain ng sasakyan.

"Bukas na, patulugin mo muna ko. Sige na, itulog mo na yang kahanginan mo sa ulo Alexander." sabi niya tapos bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa bahay nila.

Siguro nga I'm better off this way.. With Marti and my girls. ;)

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon