Chapter 23

230 9 8
                                    

Marti's POV 

As soon as after ko sabihin kila Mom and Dad yung news, napaiyak nalang din ako. Parang kung kailan ko lang siya sinabi in my own words tiyaka nagsink in sakin kung gaano siya katotoo and kung gaano siya kalungkot - Alex's Mom was gone. Para siyang second mother ko since sobrang dalas ko sa bahay nila Alex. Siya nga mismo sinasabi niya na para niya na kong second child. It actually took me hours to calm down pero wala pa din akong tulog. Pumunta na ko dun sa chapel as soon as tinext ako ni Tito - Alex's Dad - na naka-set na lahat for the wake. Nagsabay-sabay na kami ng barkada na pumunta dun. 

"Nakausap mo na ba ulit si Alex, Marti?" Ralph - who was driving - asked. 

"Hindi pa. Mom said it would not help him kung umiiyak ako while I am trying to comfort him so hindi ko muna siya tinawagan. Pinuntahan niyo ba siya nung tinext ko kayo?" tanong ko.

"Oo. Pero alam mo naman si Alex, kahit kailan naman hindi nagpakita ng emotions samin yun." sagot ni Caren. 

Pagdating namin sa Chapel, bumaba na kaming lahat puwera kay Julia kasi sinamaan niya mag-park ng car si Ralph. May kausap si Tito sa phone sa labas pero hinold niya muna nung nakita niya kami and he approached us, hugging each one of us. Ako yung last niyang hinug, and paghiwalay namin may tears na sa mata niya but still he smiled at me. "Pumasok na kayo, si Alexander lang nandun." 

We nodded and papasok na kami when Tito called my name. Bumalik ako sakanya. "Yes po?" 

"Can you just talk to Alexander, please? More than 24 hours nang hindi kumakain yun. Hindi din nakikipagusap. Kausapin mo lang, please Marti?" pakiusap ni Tito. 

"Sige po." Nako. I have dealt with this Alex a lot of times already - yung Alex na sobrang nalulungkot and sobrang galit sa mundo na ayaw makipagusap kahiit kanino.

---

I told the barkada what Alex's Dad asked me to do, I was trying to get any help out of them pero ang sagot nila is ang magagawa lang nila ay yung ihanda yung food na dinala namin para kay Alex since hindi nga to nakikipagisap kahit kanina. Hayy, sariling sikap na naman ako.. But then, I understand.. Dati kasi, nung nagkaganito si Alex, muntik na sila mag-away ng sobra ni Kevin kaya dumidistansya na lang yung buong barkada.. Puwera sakin.. 

"Good luck, Marts." sabi ni Caren and Julia nung umupo sila sa likod kasama yung mga boyfriend nila habang ako nilapitan ko sa harap si Alex na nakaupo at nakatulala lang sa casket na Mommy niya. 

Hay nako Martina, kaya mo yan. Hingang malalim. Bawal umiyak. 

"Oy. Alexander James." sabi ko while poking his cheeks. Nagulat naman ako nung tumingin siya agad sakin and ngumiti. Well, that was easier than I thought. 

"Umiiyak ka?" tanong niya, lightly touching my cheeks with his thumb. 

I mentally groaned. Kilalang-kilala niya ko, nakakainis. "Ikaw? Di ka ba umiiyak?" 

Ngumiti siya then inakbayan niya ko, dumantay naman ako sakanya, and I know na medyo wala sa timing to pero i really missed this Alex and Marti. Yung Alex and Marti na sobrang comfortable sa isa't isa. "Ang daya, Marti.. Sobrang daya.." And before I knew it, umiiyak na si Alex. Here comes all the tears. "Before all of these happened, Mom and I had a lot of time to bond na kaming dalawa lang kasi nasa Singapore si Dad for almost a month.. She made me realize a lot of things.. Hindi ko lang inexpect na yun na pala yung last things na maririnig ko mula sakanya.." 

Inalis ko yung akbay niya sakin tapos inakap ko siya, "This may sound as the most cliche advice ever pero everything happens for a reason, Alex.." 

Tumawa naman si Alex ng konti kahit umiiyak pa din siya. "You really are no good at this, Marti.." 

I chuckled. "Sorry, kahit ako kasi I can't believe and accept na nangyari to sa Mommy mo kaya hindi ko alam kung anong tamang sabihin.."

"How about, you tell me that you love me.." suggestion ni Alex. Napangiti naman ako, seeing na kahit ang tagal namin hindi nag-usap, kahit konti hindi nagbago yung friendship namin ni Alex. Dati pa kasi gustong-gusto na niyang naririnig yun from me. 

"I love you, Alex.." sabi ko, then I unwrapped my arms around him and stood. "Ngayon, kumain ka na. Okay? May dalang pagkain sila Ralph para sayo. Pakainin mo na yang mosters sa tiyan mo." 

Alex nodded and approched the barkada habang ako naman, I decided na tignan si Tita sa loob ng casket niya. I just stood there, looking at how peaceful she was.. Ngayon ko lang narealize na kamukha pala niya si Alex, something that made me cry. Urgh, i'm so weird. Nagpunas agad ako ng luha nung tinabihan ako ni Tito and inakbayan niya ko tapos he patted my head. "Thank you Marti ah." 

"Wala po yun Tito." sagot ko. 

He gave me one last fond smile. "May food and coffee na sa likod. Tinawagan ko na rin yung school niyo, okay?" after nun, lumabas ulit si Tito kasi dumating na yata yung mga relatives nila Alex. I was still staring at Tita nung naramdaman ko na may umakap sakin from the back. In some way, alam ko si Alex yun. 

"Alam mo ba, I promised my Mom na yung next girlfriend ko, siya na yung forever ko.." sabi ni Alex. Hindi ako kumibo kasi hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. "Marti?" Pag-harap ko kay Alex, in one fluid movement, his lips were on mine. I was so shocked, hindi ako nakapag-react. "Mom made me realize na it was you, Marti. it has been you all along.." 

Kung ineexpect niyong magtatatalon ako sa tuwa, mali kayo. Oo, totoo na matagal ko nang gusto na mangyari to pero hindi sa ganitong panahon. I looked away and removed his arms around me. "If you're saying that dahil natatakot kang mawala ulit ako, wag kang magalala, hindi na ko mawawala. Just don't play with words like that, Alexander." 

"Marti, seryoso ko." Protesta ni Alex. "I promised my Mom I would do this and I would never lose you again.." 

"Kapag tapos na lahat to.. Kapag alam mong hindi mo lang to ginagawa dahil sa Mommy mo at ganyan pa din yung feelings mo for me, tiyaka mo sabihin sakin lahat yan.. Maybe then, maniwala na ko.." Sabi ko.

Kahit sobrang tagal ko nang hinihntay to, alam kong pwedeng epekto lang lahat yun ng grief na nararamdaman ni Alex sa pagkawala ng Mommy niya. I won't take that chance na masaktan na naman ulit. I'll be willing to wait.. And maybe to hope na sana nga hindi lang to lahat dahil kay Tita. 

-----------------------------------------

Oha! Oha! HAHAHA :D Ang drama lang ni Marti tiyaka Alex. HAHAHA :D Last chapter na yung next nito tapos hindi ko alam kung gagawa pa ko ng epilogue or something.. Gusto niyo ba? :)) Comments! Try kong sagutin comments niyo dito sa chapter na to, promise! Vote na din ah. :)) Thanks guys! :)) <3

Mille of Jemillelyn. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon