Chapter 5

473 7 0
                                    

Julia's POV

SOBRANG GULO, yan lang ang masasabi ko sa barkada namin ngayon. We're all going through a lot kaya pagkatapos kong umiyak nung araw after nung party, hindi ko na ulit nakausap sila Caren tungkol sa break-up namin ni Ralph..

Totoo, nasasaktan na ako at hindi ko na kaya, kaya ako bumitaw. Pero pagkatapos nun, daming tumakbong tanong sa isip ko. Ang daming "what ifs".

What if wala na talagang meaning yung kiss na yun?

What if mahal na niya talaga ko?

What if hindi naman talaga ko rebound?

What if ako pala yung naguguluhan sa feelings ko?

I've been spending a great deal of time with Carlo at madalas na din pag-usapan sa school na kaya daw kami nag-break ni Ralph ay dahil sakanya.

Masaya kasama si Carlo, napguusapan namin lahat ng problema ko sa pinsan niya at madalas, nakakalimutan ko lahat yun kapag kasama ko siya. He can make me happy, and he can make me feel like I was the only person in the world that matters. Something na matagal nang hindi napaparamdam sakin ni Ralph..

"Gusto mo na ba talaga umuwi?" tanong ni Carlo sakin pagkalabas namin sa hall na pinagganapan nung party ni Caren.

"Oo, hinihintay na din ako ng Mommy ko." sagot ko.

Natapos agad yung party ni Caren, I don't know what happened after habulin niya si Marti palabas ng hall pero pagbalik niya, sobrang lungkot na niya. I asked a favor to Ralph na pakisabi sakin agad kung anong nangyari after na makausap niya si Caren.

Pasakay na sana ko sa sasakyan ni Carlo nung tinawag ako ni Ralph.

"JULIA!" syempre alam ko parin kapag siya yung tumatawag sakin."Ayaw makipag-usap ni Caren. Di ko alam gagawin ko. Could you stay for a while? Kahit ako na maghatid sayo. Please."

Sa tingin mo makakatanggi ako sayo? :| "Sure."

We said goodbye to Carlo tapos pumunta na kami sa room ni Caren sa hotel. Naka-lock yung pinto and we tried to pursue Caren to open up and talk to us pero ayaw niya talaga. Nauwi tuloy kaming dalawa sa hotel room ni Ralph at sa pag-inom ng coffee.

"Kamusta ka?" bigla niyang natanong.

"I'm good." sagot ko.

"Buti ka pa."

Nagulat ako sa sagot niya. "Bakit? May problema ka ba?"

"Wala, ang sakit lang marinig na okay ka kahit break na tayo habang ako nag-iisip kung anong mali ko para iwanan mo ko."

Dafuq, hindi ko alam kung naaawa ako o nasasaktan ako para sakanya. Pero I can feel the urge para mag-sorry at makipagbalikan sa kanya. Grabe, sobrang nakakabaliw natong feelings ko. Sa heart ko, SINO BA KASI TALAGANG GUSTO MO!? :((

As much as ayokong nasasaktan, mas ayokong nananakit, lalo na kapag mahal ko yung tao.

At alam ko sa sarili ko na I love Ralph. I love him so much.

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon