Chapter 22

380 7 5
                                    

Hey guys! Sorry kung hindi namin nasasagot comments niyo ah. Wag kayo mag-alala, binabasa namin sila lahat. Thaaaaaanks. <3 :)) Please continue reading. :)) 

- jemillelyn25 :)

================================================

CAREN'S POV

"Hindi ko talaga inexpect na mangyayari to, especially after everything." sabi ko kay Kevin habang kumakain kami ng dinner sa park. 

Ang sweet, sobra! Nag-set up siya sa park ng tent tapos may table and two chairs, puno ng petals ng blue roses. Sobrang nakakakilig and unexpected para sa first date. 

Ngumiti si Kevin. "Tagal nang sinasampal sakin ni Alex tiyaka Marti kung sino talaga yung dapat kong mahalin, sobrang bulag ko lang para hindi makita na ikaw dapat talaga yun." 

Okay, pwede himatayin sa kilig? Like, now na. HAHAHA :D Grabe naman, after so many months, eto na talaga! Ngumiti ako kay Kevin. "Hindi ko inakalang cheesy ka din pala, ang cute." 

Lumaki lalo yung ngiti niya. "Cute? Cute ako?"

Napatingin ako sa malayo. "May sinabi ba kong ganun? Parang wala naman." 

Napa-pout si Kevin. "Ganyan ka naman Caren eh, kahit tagal mo na kong pinagpapantasyahan." 

Natawa ko at binato ko si Kevin nung isang piece ng carrot na part nung side dish ng kinakain namin. "Oy ah! Ang kapal ng mukha mo Kevin, maka-pinagpapantasyahan ka diyan!" 

Natawa siya. "Ang defensive mo. So cute!" 

"Oh guys, masyadong cheesy. Hinay hinay lang." parinig ni Kuya habang dumadaan sa gilid namin kasama si Julia. 

"ANG EPAL NIYO TALAGA!" sigaw ko. 

Natawa si Kuya tiyaka Julia. "Ginagawa lang namin yung trabaho ni Alex and Marti, since naka-leave sila." 

"Wala na pre, sira na mood. Sira na din diskarte." reklamo ni Kevin kay Kuya.

"Next time ka na dumiskarte, kapag napakilala ka nang boyfriend ni Caren kila Mommy." panunukso ni Kuya. 

"Hindi ko naman siya boyfriend!" sagot ko.

"Hindi PA." sabi ni Julia with a knowing smile. 

 "Hay naku, kayong dalawa. For all I know, gusto niyo lang ng libreng dinner kaya kayo nanggugulo. Tinitipid ka na naman ni Kuya, Juls. Tsk." pang-aasar ko kay Kuya. 

"FYI, little sis, kakakain lang namin ni Julia sa favorite namin restaurant. Wag kang ano." retort ni Kuya. 

"Wait guys, joking aside, sa tingin niyo okay lang si Alex?" Biglang tanong ni Julia. 

"Hindi pa nga sila nagrereply ni Marti. Tinext ko sila kanina kasi namiss nila yung exams sa Physics pero sabi naman ni Ma'am inexcuse daw sila nung parents ni Marti kanina." sabi ni Kevin. 

"Sana buong barkada nalang inexcuse nila, ang hirap nung exams kanina eh." sagot ni Kuya. 

"Uso kasi mag-aral, Ralph." sabi ni Julia. 

Nagpa-cute naman si Kuya kay Julia, "Nag-aaral naman ako ah." 

"Aww." sabi ni Julia, sabay kiss kay Kuya. 

"Ew! PDA!" sigaw naming dalawa ni Kevin. Buti nalangtumunog yung phone ni Julia kaya nagtigil sila ni Kuya., 

"Panira ng moment." reklamo ni Julia habang kinukuha yung phone niya. 

"Oh, Juls. Sino yan?" tanong ni Kuya nung napatigil si Julia pagkabasa niya nung text sa phone niya. 

"Guys.. Si Marti.." mahinang sabi ni Julia. 

"Oh, ano daw?" tanong ni Kevin. 

"Puntahan daw natin sa hospital si Alex.." 

"Bakit? Diba nandun siya?" tanong ko. 

Humindi si Julia. "Umuwi daw siya sandali para sabihan yung parents niya.. Guys, Alex's Mom is dead.." 

ohmygosh. 

=================================================

Giveaway! sinisipag ako magsulat ngayon eh. :) - jemillelyn 25

=================================================

JULIA'S POV 

Pumunta kami agad sa hospital kung nasaan sila Alex. Hindi pa din namin akalaing mawawala yung Mom ni Alex ng ganun lang, buong barkada close sa parents ng isa't isa and we definitely did not expect something like this to happen very soon. Nakakagulat pa din. 

As soon as dumating kami sa ospital, dumeretso kami agad dun sa room na sinabi ni Marti sa text niya. And there, we found Alex alone, tulala. Emotionless. 

"Alex.. Pare.. Kamusta ka?" tanong ni Ralph pagpasok namin dun sa room. 

Ilang seconds din bago sumagot si Alex, still emotionless. "Ayos lang. Pinapunta ba kayo ni Marti dito?" 

"Oo. Babalik din daw siya agad, may kailangan ka ba Alex? Nandito lang kami." sabi ni Caren, rubbing Alex's back. 

"Wala. Okay lang ako, wag kayo mag-alala." sagot ni Alex kahit alam  namin he was far from okay.. Hindi lang talaga siya yung ipapakita samin na umiiyak siya kahit sa totoo halos mamatay na siya sa sakit na nararamdaman niya. 

"Alex, baka gusto mong pag-usapan-"

Hindi ako pinatapos ni Alex sa sasabihin ko, tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palabas. Bubuksan na niya yung pinto nung binalikan niya kami ng tingin. "Okay lang ako, guys. Tawagan niyo na rin si Marti, sabihin niyo bukas ng umaga sa chapel na siya pumunta kapag nandun na yung body ni Mommy. Sasamahan ko lang Daddy ko sa pag-aayos ng funeral ni Mommy." 

Pagkaalis ni Alex, nagkatinginan na lang kami. Lahat kami magkahalong lungkot at pag-aalala ang nararamdaman. 

"Wag na tayong umasa guys, kay Marti lang talaga magsasalita si Alex." sabi ni Caren. 

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon