Chapter 18

405 10 4
                                        

Salamat sa patuloy na pagbabasa! :)) Sorry sa mabagal na updates, hirap mag-adjust sa college pero tuloy padin ang pagsusulat nito para sainyong lahat! <3 :)) SALAMAT ULIT! <3 :)

- jemillelyn25 :)

=================================

Marti's POV

Anak ng tinapay na matigas naman oh, nakakapagod umiyak! Malakas maka-maga ng mata, makasakit ng ulo, at makasira ng make-up.. Tatlong araw na kong wala sa sarili ko, madalas nagpipigil ng iyak, masyadong tahimik, walang focus. Alam ko lahat sila napapansin yun pero anong magagawa ko!? Tumagos sa puso ko yun, tapos bumalik pa mga 30 times.. Grabe..

Kasabay pang biglang nawala si Julia na hindi namin alam kung saan pumunta. Wala siyang sinasagot sa mga tawag namin, ayaw din sabihin ng Mommy niya kung saan siya pumunta.. Hindi rin siya active sa Twitter & Facebook these past few days.. Mas nakakabaliw kasi wala akong makausap, si Edward lang lagi kong kasama, di ko naman masabi sakanya problema ko..

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan sa ganung paraan ko malaman.. Bakit kailangan makita ko pa silang nag-P-PDA sa may field habang akala nila wala nang masyadong tao sa school.. Badtrip na project kasi yan eh, kung hindi ako nag-stay ng late para dun e di sana hindi ko nalang sila nakita.. Edi hindi sana parang waterfalls tong mga luha ko ngayon..

Flashback<<

Sa wakas! Natapos din yung pinatawag na meeting ni Kevin tungkol dun sa class project na movie sa English. Wala talaga kami sa mood para gawin yun dahil nag-aalala kami kay Julia kaya lang kailangan na talaga eh.. Atleast hindi naman ako director, assistant lang, may karapatang mang-away. HAHAHA :D De, joke.

Naglalakad na ko palabas nang school nung may napansin ako sa field.. Si Caren nakaupo mag-isa.. Well, maybe she needs my help.. Naglakad ako palapit sa kinauupuan niya kaya lang biglang lumitaw si Alex, tinabihan siya tapos inakap siya.. And then they kissed..

Hindi man siya maka-guho mundo.. Sobrang sakit padin..

Bestfriend ko si Alex pero nilihim niya sakin yun..

Alam ni Caren kung ano yung feelings ko for Alex pero ayun parin sila..

Para saan pa yung mga sinabi ni Alex na 'sakanya lang ako?'.

*cue sad music and my tears*

Ni-hindi ako nagkalakas para tumakbo palayo. Para kong paralyzed, hindi ako nakagalawa mula dun.. Hanggang dumating si Edward..

"Oy, MARTI!" sigaw niya habang palapit siya.

Napatingin sa direction ko sina Caren and Alex at napatayo silang dalawa.

"Marti, tara na! Hinahanap ka na nung driver mo." sabi ni Edward, until na-realize niyamg umiiyak ako. "Uy, anong nangyari sayo?"

I shook my head. "Tara na."

Tumalikod na ko, kahit gustong-gusto kong humarap nung narinig kong tinatawag ni Alex yung pangalan ko..

Ayoko na, nakakasawa na.. Masyado nang masakit..

Present >>

Ayoko nang pumasok pero kailangan.. Hindi pwedeng hindi ako maka-graduate dahil lang sa dalawang taong dati kong tinawag na kaibigan.. 

"Ms. Marti, nandito na po tayo.." sabi nung driver.

Bumaba ako ng sasakyan sa harap ng school and went straight to my locker para sa mga gamit ko. Pagbukas ko, may bagong apology letter from Alex, pero di ko binabasa. May bibig siya para magsalita, anong gagawin ko sa mga sulat niya?.. Pagkakuha ko ng mga gamit ko, pumunta na ko agad sa clasroom. Yung barkada pa lang yung nandun, including Julia. 

"Juls?" I called.

"MARTINAAAAA!" sigaw ni Julia sabay takbo sakin at yakap. Ang lakas makawala ng poise nung ginawa niya. HAHAHA :D

"Grabe ka, saan ka galing?" tanong ko.

"Diyan lang! sa tabi-tabi. Kamusta?" tanong niya with her knowing look.

Ngumiti ako. "Makapagtanong ka naman, one week ka lang nawala. Ayos lang ako!"

Tumawa si Edward at natawi din si Julia, i'm sure alam na niya. Binato ko si Edward nung librong hawak ko at tinamaan siya sa mukha. "Oy, kumikinang na vampire, manahimik ka diyan."

"Ang sakit nun Marti!" reklamo niy habang hawak yung libro ko. 

"Mas sasaktan pa kita pag di ka nanahimik!"

Ayos na sana, kaya lang biglang kumanta si Alex eh..

Ikaw Lamang by Silent Sanctuary

Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso

Tuwing magkahawak ang ating kamay

Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay

Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhay

Ikaw lamang sinta

Wala na kong hihingin pa

Wala na

Ayoko ng maulit pa

Ang nakaraang ayokong maalala

Bawat oras na wala ka

Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba

Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay

Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal

Ikaw lamang ang tangi kong inaasam

Makapiling ka habang buhay

Ikaw lamang sinta

Wala na kong hihingin pa

Wala na..

It was not directly adressed to me pero kinanta niya yung favorite song naming dalawa.. Si Caren naman nakangiti sakin..   "Miss na kita, kailan ka babalik sakin? Kailan tayo babalik sa dati?" walang tinginan, sinabi yan ni Alex. No name was mentioned pero sino pa bang sasabihan niya niyan? Diba?..   Kahit gusto kong bumalik sayo, ayoko nang masaktan.. Mahal kita pero sa tingin ko tama na.. </3 :(

===============================================

Sana long enough yung update para mag-make up sa time na hinintay niyo para dito. HAHAHA :D Salamat sa paghihintay at sa patuloy na pagbabasa! Continue giving us your feedbacks about the story, they're always a big help to us. :)  Yun lang, thaaaaaaaaaaaanks! xx :)

- jemillelyn25

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon