Chapter 14

444 5 0
                                    

Julia's POV


Grabe. Akala ng barkada, kami na ni Carlo. Mamaya pagdulutan pa yun ng away namin ni Caren eh! Baka akalain niyang niloko ko lang kuya niya, and worst? Baka akalain ng mga tao easy-girl ako. Ayoko naman maki-sakay kasi parang sinagot ko na si Carlo nun! Hindi naman ako makapalag, mapapahiya naman si Carlo nun.

Nandito na kami sa Tagaytay. Sinama ni Caren at Ralph si Carlo. Si Kevin rin may dalang babae, sabi nga ni Marti, hawig ko daw. Aba malay ko.

Sa totoo lang, gustong gusto ko ng i-reject si Kevin, masyado ng  maraming kaibigan ang naiinvolve samin. Sakin. Ang mahirap lang, tyumempo. Baka ma-misinterpret nanaman. Bakit ba kasi lahat nalang, konektado sa bestfriend ko?

"JULIA, MAKUNTENTO KA NAMAN SA ISA!" 

*SLAP*

Okay.

Loading...

Ano daw?! Anong problema? Eh kanina pa nga ako mag-isa dito sa kwarto namin. Actually, hindi pala, kalalabas lang ni Carlo. Papahangin lang daw siya.

"Bakit, Caren? Anong problema?"

"Wag mo 'kong bina-bakit bakit jan! Ang landi mo!"

Leche. Anong nangyayari.

"Wala akong naiintindihan, Caren!"

"Una, sinaktan mo kuya ko. Pangalawa, boyfriend mo pinsan ko. Pangatlo, mahal ka ng mahal ko. At higit sa lahat, sinasaktan mo pati bestfriend mo!"

Okay. Speechless ako. Bakit ba kasi? Tapos wo-walkout-an ako? Ayos ah.

Marti's POV

Shet. Shet lang. Bantay sarado ako ni Edward at Alex. Buti kung si Alex lang diba? Matutuwa pa ako. Pero, ayos lang naman si Edward. Ang problema, kanina pa sila bangayan ng bangayan ni Alex!

"AKIN SI MARTI KAYA DITO SIYA SA PILING KO. HANDS-OFF KA SA KANYA." Ano daw? Tabi-tabi baka matapakan niyo buhok ko oh! Excuse lang po! Sabi kasi ni Alex yan eh! Sige na! Kanyang kanya na ako! Kusang loob na akong nagbibigay ng sarili ko, este, kusang loob niya na pala akong pagma-may-ari!

"Kelan pa? Akala ko kasi PA, tutor, katulong, slave, at bestfriend mo lang siya!" Masyado naman akong ginawang friendzoned nitong si Edward!

"Excuse me lang ha. Naiirita na ako sainyong dalawa! Kung gusto niyo, kayo nalang ang magsama!"

Nag-walkout ako, bahala silang mag-bromance jan.

Lakad lakad din. May humila sakin sa likod ng puno. 

Si Caren, at tinignan ko yung direksyon ng mata niya.

</3 para sa kanya.

Dahil ang bestfriend niya at ang mahal niya ay naghahalikan lang naman. Yehey! Sabog confetti! Officialy heartbroken ka na, Caren!

"MARTI KONG MAHAL! WAG KA PAPA-ANGKIN JAN SA STUPID SPARKLING VAMPIRE NA YAN! AKIN KA LANG!" Sorry po, excuse ulit! Yung buhok ko po! Opo, si Alex yun. At opo, ako na ang dakilang tagapag-bigay ng double meaning sa sinasabi niya! Huhuhuhuhuhu. T____T /laslas. De joke lang.

"Ssssssshhhhhhhhhh!" Tinakpan ko ang bibig niya at hinila siya sa likod ng puno. Si Edward din sumunod.

Caren's POV

Tngna. Maang-maangan pa, tinatagong kalandian nga naman oh! Una si kuya, tas si Carlo. Pumayag na nga ako eh! Sht. Di na ako papayag pag si Kevin na ang involved.

Paano na yung kasama ni Kevin na babae? Di ko naman nakita yun kasi nandito na pala siya sa Tagaytay eh bagsak ako sa kama kanina pagdating.

May bonfire kami ngayon. At magkakaharap harap na ang niloko, tinaksil at nagpaloko. At yung nasaktan. </3

"Julia, bestfriend." Pa-tweetums pa ako. Tngna. Kakasuka. "Baka gusto mong mag-share ng kissing experience mo?" Yari ka ngayon!

"Ha?"

"Oo nga Julia! Nakita ka namin kanina! Kasama mo si Kevin naghahalikan kayo!!! HAHAHAHAHAHAAH!" Panira naman netong baklang Edward na 'to oh!

"ANO?!?!" Si kuya, Carlo, Kevin, babae ni Kevin, at si Julia.

"Bestfriend, hindi naman malabo mata namin eh! Yakap na yakap ka nga sa kanya eh!"

"Kasama ko si Julia kanina sa kwarto! At kung hindi ako nagkakamali, kalalabas ko lang nung pumasok kayo." Sige, Carlo. Tanga tanga mo! Sinasaktan ka na, pagtatanggol mo pa!

"Babe, what is she saying?" Gagu. Babe babe ka pa jan, pakainin kita ng buhangin jan eh.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"As far as I can remember, ang laki ng respeto ko kay Julia. At dahil siya na ang bonggang bonggang emotera, nagkulong siya sa kwarto niyo. At dahil depressed parin ako sa relationship ni Carlo at Julia, ang kasama ko kanina na NAKIKIPAGHALIKAN, ay siya!" Tinuro niya si Babe, leche. Di ko alam pangalan niyan, at napapahiya na ako.

"Kaya sana, Caren. Wag mo siyang siraan. Malaki tiwala ko sa'yo, wag mong sirain, dahil mahal kita." Sht. MAHAL NIYA AKO!??? PROMISE?!?! KINIKILIG AKO! PERO HINDI 'TO ANG TAMANG PANAHON!

"Kasi bestfriend kita eh."

</3

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon