Chapter 10

447 5 0
                                    

CAREN’S POV

Papasok na ako ngayon ng school. Hindi ko kasabay si kuya ngayon kasi ang tagal magising. Speaking of kuya. PAKSHET! Ang hirap naman oh.

Last time, nagpromise ako kay Kevin na tutulungan ko siyang mapalapit kay Julia tapos kagabi sinabi ko kay kuya na gagawa ako ng paraan para magkabalikan sila.

Hayst. Buti pa si Julia madaming nagmamahal. Ewan ko ba dun, mahal naman niya si kuya. Pinapahirapan lang niya si kuya tsaka sarili niya.

Anyways, nandito na ako sa harap ng classroom.

Nakita ko kaagad si Kevin.

Shet! Pwede bang sa akin ka na lang?

Tapos nagulat ako papalapit siya sa akin. Yeee, kilig naman ako.

“Caren, pwede mo ba akong samahan mamaya?”, tanong ni Kevin habang papalapit.

“Saan?”

“Sa SM, may bibilhin lang ako.”

“Ah sige. May kasama pa bang iba?”, tanong ni Caren. Sana wala! Sana!! *fingers-crossed

“Oo, salamat nga pala.”

YES! Kaming dalawa lang.

“Sus, un lang eh. BTW, ihi ka ba?”

“Alam ko na yan. Kasi di mo ko matiis?”

“Ah, oo. HAHAHA”

“Sige. Salamat ulit. Upo na ako ha.”

Un ang sinagot ko pero sa loob-loob ko gusto ko sabihin na; “Kasi URINE my heart eh.” Kaso di naman pwede. Baka magtaka pa siya kung bakit ako bumanat bigla.

Nagstart na ang klase.

Wala naman masyadong ginawa

“Sana mag-uwian na.”, sabi ko bigla kay Marti.

“At bakit naman?”, sagot niya habang nag-aayos. Nasa CR pala kami.

“Wala lang. Ikaw ba ayaw mo?”, pakunwaring sagot ko.

“Che! Syempre gusto. Tara na nga.”, aya sakin ni Marti.

Pagpasok ko ng room nakita ko si Kevin at Julia na nag-uusap, Selos ako pero wala naman akong magagawa  eh. Yaan mo na, usap lang naman eh. Umupo na kami ni Marti and nagstart na ulit ang klase.

Sobrang excited na ako and maski ang makinig sa lessons ay di ko na nagawa.

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

“BELL NAAAAAAAAAAAAAAAAA.”

Di naman ako excited diba??

Sa wakas.

Nakita kong lumapit si Kevin and nakita ko si Julia sa likod niya.

“Ahm, Caren.”, sabi ni Kevin habang nagkakamot ng ulo.

“Bakit?”, sagot ko habang nag-aayos ng gamit.

“Di na kasi ako magpapasama sa’yo. May pupuntahan pala akong iba ngayon.”

“Saan naman?”,

“Nagpapasama kasi si Julia sa akin eh.”

OUCH!

Ang sakit.

Nakakaasar.

Naexcite lang ako para sa wala?

“Ah, sige. Ingat”. Sabay walk-out.

Umuwi na lang kaagad ako sa bahay nun. Nakakainis kasi talaga eh. Bakit kasi biglang nagyaya si Julia? Bakit di na lang kami ang niyaya niya? Tss, kaasar!

OPPS! SORRY! Bestfriend ko nga pala iyon. HIHI!

Eh kasi naman eh, chance ko na iyon para makapagsolo kami.

*Okay, solo tapos dalawa kayo?

Huwag ka ngang epal author. Nag-eemote ako dito eh.

Nakatulog na ako after ko gumawa ng mga assignments.

KEVIN’S POV

Nagpasama ako kay Caren papunta ng SM para bumili ng stuff toy para kay Julia. Sisimulan ko na ang panliligaw sa kanya. Alam kong bestfriend ni Caren si Julia kaya siguradong alam niya ang mga gusto ni Julia.

Recess time noon nung lumapit sa akin si Julia.

“Kevs, pwede mo ba ako samahan mamaya?”, tanong sa akin ni Julia.

“Oo naman, saan ba?’, sagot ko kaagad.

“Sa may bookstore lang malapit dito. May bibilhin kasi ako.”

“Kala ko pa naman sa puso mo. Sayang”,

“Baliw ka talaga. Mamaya ha.”, paalam ni Julia.

Yun oh! Yun oh!

AYY SHET! Niyaya ko nga pala si Caren, pero yaan mo na. Maiintindihan naman siguro niya ako. :”””>

Uwian na nun and pumunta na kami ni Julia sa bookstore. Di ko alam may bookstore pala malapit dito, ang adik nga ng name ko: “KAHIT WALANG LIBRO BOOKSTORE”. HAHAHA. Wala siguro magawa ung owner nito.

Hinatid ko na si Julia sa kanila and nakita ko na nag-aabang sa gate nila si Ralph.

“Ralph”, bulong ni Julia.

“Sige, di na kita hahatid hanggang sa gate niyo. Mukhang kanina pa sya nandyan eh.”

“Bye. Salamat ha!”

Lumiko na ako nun pero hindi muna ako umuwi. Nagstay ako saglit at tiningnan kung ano ang ginagawa nila. Hindi ko marinig ang panag-uusapan nila pero nakita kong niyakap ni Ralph si Julia.

Oh! Makaalis na nga. Malay ko bang ganyan ang makikita ko. Hayst. L

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon