MARTI'S POV
Halos three months na lang ang natitira sa school year na to. Lahat kami sobrang busy with all the school works and college applications. Since nagkabalikan sila Ralph and Julia, halos back to normal na lahat sa barkada. Sus, sila lang pala magpapatino samin ulit. HAHAHA :D From what everyone has told me, wala na din daw sina Caren and Alex. Ano naman sakin, diba? It took me months para masanay na wala na yung part ni Alex sa buhay ko, and hindi ko sasayangin yun dahil lang break na sila ni Caren.
"Martinaaaaaaaaaaaaaa!" salubong ni Caren pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan sa harap ng school bulding namin.
"Oh? Bakit para kang hihimatayin sa tuwa diyan?" tanong ko.
"Kevin asked me out!" sabi ni Caren sabay talon na parang batang binigyan ng bagong laruan. "We're going out tonight! YEEEEEEEEEEEEEEEEE!"
Natawa ko. "Finally! I'm happy for you!"
May sasabihin pa sana si Caren kaya lang may nag-stop na sasakyan sa harap namin. Isang tingin palang sa plate number alam ko na agad kung sino yun.
"I'll see you in our room, Caren." pagmamadali ko bago makababa ng sasakyan niya si Alex. Hindi ko na hinintay makasagot si Caren, nagmadali na agad ako papasok ng school at pumunta sa locker ko para kunin ang gamot ko. Hindi ako pwedeng abutan ni Alex dun, since magkatabi kami ng locker.
Losing your best friend was like losing your own brother/sister, pero kahit mahirap I think I needed a break from Alex. Parang ang unhealthy na kasi nung friendship namin para sakin, kaya kailangan talaga lumayo. Sabi ko naman sa sarili ko papalipas lang naman ako, then makikipag-ayos na ulit ako kay Alex, kaya lang nasasanay na ko eh. And mas tahimik yung buhay ko ng ganito.
"Good morning Marti." masayang bati ni Edward pagpasok ko sa room.
"Good morning." sagot ko. Our seats haven't change, kaya wether I like it or not, katabi ko si Alex. AWKWAAAAARD. Buti na lang wala pa si Alex, makakahinga pa ko ng konti.
"MARTI!" napatingin yung buong barkada nung sinigaw ni Alex yung pangalan ko pagpasok niya, para siyang nagmamadali and namumutla siya. Lahat ng will ko para hindi siya kausapin nawala, all I felt was worry for whatever he was about to say.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka namumutla?" tanong ko.
Nilapitan ako ni Alex and hinawakan niya yung isa kong kamay. Nanlalamig siya, as in ang lamig ng kamay niya, hinawakan ko tuloy to ng mas mahigpit. "Alexander, ano ba? Anong nangyayari sayo?"
Suddenly, tears fell from his eyes. "Samahan mo ko."
"Saan!?"
"Sa hospital.' sagot ni Alex, lalo pa siyang namutla and yung mga mata niya nagmamakaawa. "Marti, si Mommy.."
=================================
Yay! Bati na sila! HAHAHA :D Joke. :) Anong masasabi niyo sa chapter na to? :) Salamat sa feedbacks at pagbabasa! <3 :)
- jemillely25 :)

BINABASA MO ANG
CRAZY, STUPID, LOVE.
Novela JuvenilLahat nang tao nasasaktan at madalas, nagiging tanga kapag nagmamahal. Kahit ano pang relationship status mo - single, in a relationship, it's complicated, engaged, married, o kahit widowed pa - nagmamahal ka, at nasasaktan ka. Minsan, tinitiis mo n...