Chapter 3

535 9 0
                                    

Martina's POV

Sweet nga kami, ako nga yung last dance niya nung closing ball ng school pero times like this make me realize na hanggang dun lang talaga ko sakanya. What do I mean by "times like this"? Well, andito kasi kami ngayon sa mall, naghahanap ng 'perfect' gift para kay Caren sa birthday niya mamaya. Sa totoo lang, nakabili na kami ni Alex ng gifts last week pa kaya lang hindi daw siya 'satisfied'. Mukhang may binabalak tong sira-ulong to ee.

"Alex, ano ba!? Two hours na tayong nag-iikot dito sa mall! Wala ka pa bang nappili?" reklamo ko kay Alex.

"Ee kung tinutulungan mo kaya ako? Kaya mo nga ako sinamahan diba?" sagot niya.

Siya pa may karapatang maging sarcastic, bugbugin ko kaya to? >:( Kung hindi lang kita mahal..

"Ee bakit ba kasi hindi ka mkuntento dun sa binili mong bag para kay Caren? Maganda naman yun, Prada pa. Trust me, she'll like it." sabi ko.

"That was from my Mom, siya may regalo nun hindi ako. Tiyaka kahit kaya ikaw meron nung bag na yun, paano magiging special yun?"

Insulto ba yun? Porket meron din ako nung bag, hindi na pwedeng maging special pag binigay kay Caren? Tss. Mukhang pagsisimulan na naman ng away to aa.

"Kapag nagtagal pa tayo dito, malalate na tayo dun sa party. Magkikita pa kami ni Julia kasi pinapapunta kami ni Caren dun sa hotel bago mag-start yung party."

"Pwede ba Marti, kung nagmamadali ka, umuwi ka na nga. Bahala ka sa buhay mo."

"Ee bakit ba ang init ng ulo mo!?"

"Wala. Sige na, umuwi ka na."

"Bahala ka nga." Sabay walk out. Badtrip, siya na nga sinasamahan siya pa mang-gaganun. Nakakainis! Wala pa naman akong dalang sasakyan kasi sinundo lang ako ni Alex sa bahay, kailangan ko pa tuloy mag-taxi pauwi.

Dafuq, nakakaiyak talaga yung mga ganitong times. Di ko mapigilan. Minsan lang kasi kami mag-away ni Alex dahil sa mga nilalandi niya pero eto talaga yung mga away namin na tumatagal. Yung tipong kung hindi pa kami kakausapin nila Ralph, di talaga kami magbabati.

***

"Oy Marti, hindi ka ba maglalagay ng make-up? Tulala ka na naman." tanong ni Julia.

Andito na kami sa Shangri-La Makati para sa party ni Caren. Kasama ko sa room si Julia, halos super ready na siya para sa party samantalang ako wala pang make up, di pa nakaayos buhok, wala pang accessories.

"Ano bang nangyayari sayo? Siguro sinabi na ni Alex sayo nu?"

"Sinabi na ano?" napatingin ako bigla, wala namang sinasabi si Alex sakin e.

"Na officially tonight, sisimulan na niyang ligawan si Caren. Sinabi sakin ni Ralph yun kahapon. Seryoso daw si AlexHindi mo ba alam?"

"Hindi."

Biglang may kumatok.

"Sino yan?" tanong ni Julia.

"Julia, si Alex to. Andiyan ba si Marti?"

Tumingin sakin si Julia at sinabihan ko siya na sabihin kay Alex na wala ako. Good thing alam ni Julia kapag ayoko talagang makita si Alex, sinabi niya na lang na hindi pa ko dumadating.Narealize ko na lang bigla, umiiyak na ko.Urgh, nakakapagod na to. :((

Napapagod na kong umiyak para sa taong mahal ako pero hindi tulad ng pagmamahal ko sakanya. Napapagod na kong umasa na lahat ng ginagawa niya sakin may ibang ibig sabihin bukod sa pagiging best friend ko sakanya. Napapagod na kong papaniwalain yung sarili ko na dadating yung isang araw na marerealize niyang andito lang yung taong totoong mahal niya sa tabi niya lagi. Pagod na ko. Seryoso na siya kay Caren, at siguro eto na yung oras na mawawala na siya sa buhay ko, kung hindi man, eto na yung oras para mawala ako sa buhay niya..

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon