RALPH'S POV
If only I could win her back.. happy.
Nagdadalawang isip parin ako kung itutuloy ko pa ba.. O hahayaan ko nalang siya.
Hahayaan siyang masaya sa piling ng iba. Martyr ba? Kailangan eh. Ayoko ipilit.
PERO KAILANGAN.
Siguro hinipan nalang ako ng hangin papunta dito sa harap ng bahay nila Julia.
Tanaw ko na nga siya eh, kasama si Kevin. Yung gagong yon! Manhid yan eh! Hindi na nga niya maramdaman na hindi siya mahal ni Julia, hindi parin niya maramdaman na mahal siya ng kapatid kong si Caren! Bwisit. Kung wala lang masasaktan, sasaktan ko na 'to eh! Parang may-ari ng factory ng anaesthesia.
Hindi na tumuloy si Kevin, siguro nakita niyang nandito ako. At alam niya kailangan namin ng privacy at respeto. Salamat narin sa kanya, kasi naaalagaan niya parin si Julia kahit wala ako. At alam kong hindi niya naman sasaktan 'to, kahit ipagsiksikan pa niya ang sarili niya kay Juls.
"Hi miss. Ang ganda mo ngayon ah. Pwede bang makipagkilala?" Chill chill lang, swagger ako eh. Yabang ko noh? Hahahahaha. Eh bakit ba? Kung seseryosohin ko 'to, mauuwi nanaman kami sa 'masasaktan ako.' Kaya eto ako, nagsisimulang muli. And to ease the tension, eto na ako. Kakausapin siya ng parang walang nangyari.
"Pagod ako eh. And I don't talk to strangers." Ganun? Stranger. Aray. Nagsimula nga ulit. Nagsimula sa una na hindi ako kilala. Yung Julia na sobrang sungit at sobrang hirap pa-amuhin. Na kahit anong gwapo mo, hindi siya tatablan, kasi classy siya eh. Educated. And I guess, I've been fool enough para hindi na ulit pumasa sa standards niya.
Niyakap ko siya. Kahit bawal. Kahit ayaw niya. "A hug, to take your stress out. Nandito lang ako."
"Pwede ba Ralph, stop this! Malinaw na nga ang lahat diba? I already agree to the fact that you want to be friends with me. Hanggang dun nalang, sorry."
"Pasensya ka narin. Kung hanggang ngayon nagwawala ang puso ko at sinisigaw ang pangalan mo. Baduy ba? Ganun talaga, nagmamahal lang. Hinahanap hanap parin kita. Hinahanap hanap ka ng puso ko. Sawing-sawi na ako, dinaig pa ako ng na-Ondoy sa laki ng nawala sakin. Nawala ka, nawala narin ako."
"Eto nanaman ba tayo? Magsisimula ka nanaman. Mahal ko si Carlo, okay? Mahal na mahal."
Yun, yun ang hinihintay kong marinig. Na mahal niya si Carlo. Pero meron pa akong gustong marinig..
"Sabihin mong hindi mo na ako mahal."
"Ano ba, Ralph? Pwed-- Excuse me, I have to take this call." Pero ikinagulat ko ng i-loud speaker niya yung cellphone niya.
"Carlo?"
[Juls, are you home already? Papasok na ako ng subdivision niyo ah.]
"Yes, Carlo. Sige, I'll wait for you. Can't wait to hug you." Sht. Nananadya siya. Sakit na!
[Awwww. Eto na, full speed na. I have a surprise for you! I love youuuuu!]
"Excited na ako! Hahaha. I love you too!"
"I guess what I just heard says it all.. Hindi mo na ako mahal. Tanggap ko na, but I'm not letting go, still."
Dumating na yung Carlo niya.
"Dude." Nag-manly hug lang kami at nagpaalam na ako, pero sumulyap pa ako sa ginagawa niya.
Pumasok na sila sa kotse ni Carlo at umalis na. Sana ako yun. Sana ako yung ina-I love you niya. Sana ako yung nagda-drive para sa kanya. Sana ako yung may surprise para sa kanya. Sana.. Sana ako parin yung mahal niya.
JULIA'S POV
Sabi ng iba, mas mahalaga raw ang sinisigaw ng puso, kaysa sa sinasabi ng isip.
Pero paano sa sitwasyon ko? Na sa isip ko, halos ipagtabuyan na papalayo si Ralph. Oo nga, mahal ko pa siya. Pero unti-unti ng nawawala. Nagiging cold na ako sa kanya. Pag nanjan siya, hindi na ako kinakabahan. Sabi ng isip ko, ayoko na siya, pero ang puso ko, minsan, hinahanap-hanap parin siya.
Pero, mas naniniwala ako sa "My heart has a mind of it's own." Eh kasi, kalahati ng puso ko, sinasabing mahalin ko na si Carlo. Kaya eto, unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. At unti-unti ko ng nabubura sa buhay ko si Ralph Miguel Fuentabella.
Nandito muna kami sa building ng company nila Carlo. Sabi niya, hintay ko raw siya dito sa guest hub ng office niya.
*krrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"May sunog?!" Bulong ko sa sarili ko, pero pumasok si Carlo.
Ng nakangiti, at parang walang nangyayari.
"Carlo? Mababasa tayo! Tara na!"
"Dear, don't panic. Pasensya ka na ha. Hindi ako scientist para gumawa ng artificial rain, at mas lalong hindi ako ulap para umiyak ng ulan. Pero ako 'to, si Carlo Marasigan, ginagawa ang lahat, para tuparin ang tanging hiling mong 'To be with the man of my dreams and to dance in the rain' Hindi pa ako sigurado sa Man Of My Dreams, pero I can assure you sa masasayaw kita.. Sa ulan, sa pinilit kong ulan para piliting lunurin ka sa pagmamahal ko at piliting mabura ang pinsan ko sa isip mo.." Hinawakan niya ako sa beywang ko, dinikit niya ang noo niya sa noo ko. "At sa puso mo."
Sinuutan niya ako ng earphones sa left ear ko, at tumugtog ang "Hinahanap-hanap kita." Hindi siya pang-sayaw na kanta, pero ramdam mong sincere si Carlo sa lahat ng sinabi niya.
"Mahal na nga talaga kita."
Tumigil ang sprinklers at lumuhod siya sa harap ko.
"Talaga?"
"Oo naman, ayaw mo ba?"
"Gusto! Gustong gusto! Soooo."
"So?"
"Tayo na ba?" Tinaas-baba niya yung kilay niya. He's too adorable. At alam kong sigurado na ako sa nararamdaman ko. Tingin niyo siguro, masyadong mabilis, pero anong magagawa ko kung hindi ako magmmove one, at magle-let go? Oo, nagawa ko na yun. It's been a month since nag-break kami ni Ralph. At ang laki ng naitulong ni Carlo at ng mga kaibigan ko para sa pagbabago kong ito.
Hindi na ako si Julia-ng tahimik. Na tanga-tanga sa pag-ibig. Salamat kay Ralph, tinuruan niya ako.
"Hmmm."
"Kinakabahan ako eh. Oo ba o hindi?"
"Oo.." Ngumiti siya. "In the future!" At tumawa ako!
"So, hindi ang sagot? Ouch, anong sabi ng isdang nasasaktan?" Aba, loko, bumanat pa!
"Ano?"
"I'm daing! I'm daing!" Ang corny niyaaaa. Pigil na pigil yung tawa ko.
"Kailangan ko pang ayusin ang mga bagay-bagay, so, hintaying mo muna ako!"
"Pwede naman kita samahan sa pag-ayos mo nun eh!"
"Malaki na ako, kaya ko na 'to!"
Buti nalang at matured mag-isip si Carlo at naiintindihan niya ako. Laking pasasalamat ko dahil dati, akala ko wala ng pag-asa. Siguro, kami ni Ralph, wala ng pag-asa. Pero sa pagbabago, meron.
Yung plano kong gamitin si Carlo? Wala na, planong mahalin si Carlo nalang.
BINABASA MO ANG
CRAZY, STUPID, LOVE.
Teen FictionLahat nang tao nasasaktan at madalas, nagiging tanga kapag nagmamahal. Kahit ano pang relationship status mo - single, in a relationship, it's complicated, engaged, married, o kahit widowed pa - nagmamahal ka, at nasasaktan ka. Minsan, tinitiis mo n...