Chapter 8

446 5 0
                                    

JULIA'S POV

Pagkatapos siguro ng paguusap namin ni Ralph, hindi ko na kayang harapin siyang muli. Hindi ko na maatim na makita siyang nasasaktan habang eto, nilunod ko siya sa kasinungalingan na pati mismo ako ay nahihirapan.

Ewan ko ba, kahit gustong gusto ko na ulit makatikim na matatamis niyang halik, makarinig ng iba't ibang ka-sweet-an sa kanya, at mayakap niya ng hindi na pakakawalan, 'pag kaharap ko na siya, bumabalik lahat ng 'What Ifs' ko.

Sabi nga nila, 'If you can't trust them, you don't love them.' Pero ano nga bang aasahan mo? Lumaki siya sa Amerika, mulat siya sa mga bagay na hindi masyadong nangyayari sa bansa natin. Hindi mo nababasa ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi ganoon kadali yon.

-Flashback-

"Wala, ang sakit lang marinig na okay ka kahit break na tayo habang ako nag-iisip kung anong mali para iwanan mo ko."

Awang-awa na ako. Hindi na kay Ralph pero sa sarili ko.

"Ralph.."

".."

"Do you really loved me?" Lakas ng loob kong tinanong, in this way, makakapagdesisyon na ako. Ganito lang yan eh. 'Take it, or leave it.'

"LOVED!?! Correction, I really LOVE you. Hindi mawawala yun, hinding hindi magiging nakaraan ang tayo hangga't hindi mo sinasabi sakin kung bakit mo ako iniwan." Bingo! Sinabi niyang mahal niya ako, pero paano kung lumalabas sa bibig pero hindi galing sa puso?

"You really wanna know why?" Eto na.. Eto na ang kalahating katotohanan, at kalahating kasinungalingan.

"Yan ang hinihintay ko sa'yo buhat ng mag-break tayo."

"Why do you have to flirt with other girls while you're in a relationship? In a relationship with a girl who's deadly inlove with you? And why do you have to complain about Carlo's attention on me? Eh ikaw nga mismo, wala yung atensyon mo sa akin eh. Why do you have to be so jealous when you are the one who's betraying our relationship?"

"A-ah.."

"At alam mo ba?"

"..."

"Yung hindi mo nabibigay sa'kin, nabibigay ni Carlo sa'kin. Particularly his time, his attention, his care and.."

"Ano?"

"His love."

"I love you!" At nakikita ko ang galit sa mga mata ni Ralph.

"Not the way I wanted."

"But I still love you! I gave you everything that I haven't gave to somebody else!"

"Sa dami ng naging girlfriends, flings, at infatuations mo? I bet, nandun na ako sa listahan ng mga tanga na yun. Tanga na nagpa-uto sa matatamis mong salita."

"Mahal kita! Pagmamahal na totoo! Hindi fling, hindi infatuation. It's love!"

"Sorry ha, pero.."

"Pero ano!?!?"

"Somebody replaced your position in my life now. You're now just a part of my history."

Naaawa ako. Awang-awa ako kasi nabibiktma siya ng maling impormasyon. At kahit pilitin ko mang itago at pagtakpan. Mahal ko siya, mahal na mahal ko si Ralph. Masakit lang isipin na hindi na ako makapagtanim ng tiwala sa kanya, kahit anong pilit ko pa. Siguro nga, kailangan ko na siyang alisin sa buhay ko.

"S-sino?"

"Si Carlo."

-End-

RALPH'S POV

Somebody replaced your position in my life now. You're now just a part of my history.

Si Carlo.

Somebody replaced your position in my life now. You're now just a part of my history.

Si Carlo.

Somebody replaced your position in my life now. You're now just a part of my history.

Si Carlo.

Paulit-ulit na yan ang binubugang sarili ng utak ko. Ewan ko ba, pero sobrang apektado ako nang malaman ko kung sino.

Parang kapatid ko na yan eh, laki ng tiwala ko jan, parang yung tiwala ko kay Julia, at yung paniniwala kong hanggang sa huli kami parin.

Mahal na mahal ko siya, ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko dati. Hindi ko siya kayang i-betray, dala lang siguro ng stress yun dahil sa pag-aaway namin at kasabay pa nun eh nakita kong ang saya-saya niya sa piling ni Carlo habang nag-iisip ako kung paano ba makikipagbati sa kanya. Gaya ng ngayon, iniisip ko parin how to win her back habang nahuhulog na siya sa pinsan ko.

"Ahhhhh!" Napasabunot nalang ako sa sarili. Susunugin ko na dapat lahat ng ala-ala namin eh. Hindi ko kaya, binuhusan ko ng tubig yung apoy at isa-isang binabalik sa 'Ex Box' lahat ng mga bagay na nabuo ng pagmamahalan namin.

"Kuya.." Narinig ko ang boses ni Caren, pareho kami ng sitwasyon ngayon. Nagmamahal, pero ayaw mahalin pabalik.

"What?!?!" Kahit naaawa rin ako sa kapatid ko, naiinis ako dahil sa nangyari kagabi.

"Pwede naman kitang tulungan eh. Bestfriend ko yun diba?"

Unti-unting namuo ang mga ngiti sabay sa pagtulo ng nag-uunahan ko mga luha dahil kahit papaano, may pag-asa ako.

I love Julia, I want her back, I need to win her back.

I know, she's mine.

Only mine.

CRAZY, STUPID, LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon