Chapter 8

6.9K 97 2
                                    

PAGOD NA PAGOD ako galing sa trabaho. Ikaw ba namang maglako ng mga panindang isda maghapon. Lagpas isang linggo na kong nagtatrabaho don. Tapos ang dami pang costumer sa lugawan. Hindi ako magkandaugaga.

Iniwan ko si Sean sa bahay. Ayaw nya pa ngang pumayag noong una pero pinilit ko sya. Kaya ayon maghapon sya sa bahay. Ewan ko lang kung anong ginagawa. Wala naman kasi akong TV. At chaka para namang tanga, bulag kaya yon. Hindi nya rin mapapanuod yung palabas.

"Andito na ko.." hinagilap ng mata ko si Sean ngunit wala sya. Asan na 'yon?

"Sean?" pumasok ako sa kwarto ngunit wala parin sya.

"Sean?" wala rin sa banyo. Lumabas ako ng bahay para hagilapin s'ya.

"Sean?!" lakad ako ng lakad. Namumuo ang kaba saaking dibdib.

Nasan ba 'yong lalaking 'yon? Pinapakaba naman nya ko eh.

"Sean!" tawag ko sa pangalan n'ya.

Paulit ulit ang pagtawag ko. Hanggang sa makarating ako sa kanto ngunit wala parin sya.

"Sean.." napaiyak ako. Ano na bang nangyari don? Bakit wala sya sa bahay?

Tinakbo ko ang buong bayan. Umaasang makikita ko sya ngunit hindi ko natagpuan.

Nakarating ako ng Manila Bay. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo. Asan na ba kasi sya? Napano na ba yon? Ano bang nangyari?

Tumakbo parin ako para hanapin si Sean. Nasaan ba kasi sya?! Luminga linga ko sa paligid. Hindi ko parin sya nakita. Kinakabahan ako na baka kung ano nang nangyari sakanya. Baka binalikan na sya ng mga lalaking pinatumba nya.

Lord, wag nyo pong pabayaan si Sean..

Dasal ako ng dasal hanggang sa mapagod ako kakatakbo. Hindi ko alam kung saan na ko napadpad. Patuloy lang ang paghahanap ko. Paulit ulit kong tinatawag ang kanyang pangalan.

"Sean.." napaluhod ako nang maramdaman ko ang kapaguran.

Iniwan na ba nya ko? Umuwi na ba sya sakanila? Bakit hindi manlang sya nagpaalam sakin? Bakit hindi manlang sya nagpakita sa huling sandali? Ayaw nya na ba kong makasama? Kinuha na ba sya ng totoo nyang pamilya? Sabi nya di nya ko iiwan. Bakit sya umalis--

Bakit may mainit na katawang yumakap mula sa likuran ko?

Tumingin ako kung sino ang may gawa non. Napangiti ako.

"Sean.." humarap ako sakanya para yakapin sya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakapikit lang ako habang dinadama ang init na nagmumula sa katawan nya.

"D-Don't do that again.." mas gumigpit ang yakap nya.

"Yung ano?" tanong ko. Kumalas na ko sa pagkakahawak. Nakasalampak parin ako sa daan habang sya ay nakaluhod.

"Wag mo nang papagurin yung sarili mo kakahanap sakin.." sabi nito.

"Para sayo naman eh.." umiiyak parin ako.

"You see? Pagod na pagod ka sa trabaho mo. Pero mas pinagod mo pa yung sarili mo nang dahil sakin. Don't do that again." hinaplos nya yung pisngi ko. Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako.

"Basta.. Basta para sayo gagawin ko ang lahat, Sean.." hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi saka ko sya hinalikan.

Pinagsiklop nya ang kamay namin nang makatayo kaming dalawa. Napahinto sya saka hinaplos ang kamay ko.

"What is it?" tanong nya habang hinahaplos yung palad ko.

"A-ah.. Nagasgas lang yan." pagsisinungaling ko. Hinawakan nya muli iyon at dinama. Agad kong binawi ang kamay ko.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon