NARAMDAMAN ni Rits na parang may matigas na bagay sa pagitan ng kanyang hita. Ang sarap sa pakiramdaman n'yon. Para syang maiihi.Minulat nya ang mata nakita nyang nakadantay ang isang hita sa bewang ni Sean. At ang pagkalalaki nito ay nakadikit sa sensitibong parte nya.
Napamulagat sya at napaupo. Tayong tayo ito at nagmamayabang. Parang gusto nyang hawakan. Pero agad na pinigilan ang sarili.
Nagpunta na sya sa kusina at nagsaing.
Isinuot nya ang mahabang palda at blouse saka nagpunta sa tindahan para bumili ng makakain nila ni Sean.
"Pabili nga po ng pancit canton." sabi nya. Bumili s'ya ng apat na pancit canton puro maanghang.
Pagbalik n'ya nadatnan nya si Sean na nakatayo lang sa pinto ng kwarto. Malamang hindi nya alam kung saan sya pupunta dahil bulag ito.
"Oy, Sean." bati nya.
"Naiihi ako." sabi nito. Inilapag nya ang binili sa lamesa saka hinila si Sean papunta sa banyo.
Pagkalabas nito sa banyo ay nagtungo na sila sa lamesa.
"Ano yung iluluto mo?" tanong nya.
"Pancit Canton." sagot ni Rits.
"What is that?" seryoso hindi nito alam yon?
"Hindi mo alam? Masarap 'to. Mamaya tikman mo." isinalang nya na ang pancit canton.
"Wala ka bang kasama dito?" tanong ni Sean. Napahinto s'ya.
"Wala. Isang taon na kasing patay si Lola. S'ya lang yung kasama ko dito hanggang sa magdalaga ko." sagot ko sakanya. Bigla nyang namiss ang loka lokang lola nya. Namatay ito dahil sa katandaan. Masaya naman itong pumanaw. Nagawa pa ngang mag biro eh.
"Yung parents mo?" tumitig muna sya sa binata bago magsalita. Sasabihin nya ba? O hindi?
"Si Mama.. Ten years old ako noong namatay s'ya. Mga 13 years na syang patay. 23 na kasi ako eh. Namatay sya dahil sa sakit nya sa baga." napabuntong hininga sya. Namimiss narin nya ang mama nya.
"How about your dad?"
"Ayoko syang pag usapan." malamig na sagot nya. Bigla syang nainis nang maisip ito.
"Oh, sorry." hingi ng paumangin nito.
"Di. Okay lang 'yon. Ayoko lang s'yang pag usapan." ngumiti sya kahit hindi sya nito nakikita.
"Hindi ka ba nalulungkot na mag isa ka dito?" nakatukod ang dalawang siko nito sa lamesa at sinasalo ng kamay ang muka.
"Noong una.. Oo. Pero noong tumagal okay na rin. Minsan nagpupunta dito yung tropa kong si Princess. Kaya lang hindi kami nagssleepover kasi wala syang tutulugan. Hindi kami kasya sa kama." umupo narin sya kaharap kay Sean.
"Saan ka kaya galing? Bat ka naaksidente? Bat di ka nila hinahanap?" ang daming tanong na nagsisimulang mabuo sa kanyang isipan.
"Bwiset naman kasi yung mga taga baranggay hall! Hindi ka manlang tulungan! Mga walang kwenta." sumimangot sya.
"Okay lang 'yon. Siguro naman hahanapin ako ng pamilya ko." nagkibit balikat lang ito.
"Paano kung may asawa ka na pala?" napalunok sya. Paano nga kung may asawa na ito? Bakit parang ang bigat sa loob?
"Wala siguro." para syang nakahingang maluwag nang lumabas mismo sa bibig nito ang katagang iyon.
"O, tikman mo na." sinubuan nya si Sean.
"Hmm.. Ang sarap." parehas silang maganang kumain. Pagkatapos ay pinaliguan na nya si Sean. Syempre kunwari pikit mata.
"For all the times that you rained on my parade.. And all the clubs you get in using my name.."
BINABASA MO ANG
Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)
Genel KurguSPG (R18) Loretta and Sean StupidiciousPink