AGAD na napasara ang aking bibig nang lumabas ang isang bulto ng lalaki sa gate.
Agad akong nagpasalamat sa dyos. Si Drius iyon. Tumingin ako kay Sean saka itinuro si Drius.
"S-Sya.. Sya yung.. Daddy nila." nag iwas ako ng tingin dahil nakatitig sya sa mga mata ko.
Tumingin sya kay Drius. Ako naman ay nakababa lang ang tingin saakin mga paa. Tumikhim sya saka tinuro si Drius.
"Are you sure?" kunot noong tanong nya.
Napatingin ako kay Drius. Nanlaki ang mata ko nang makita syang bahagyang nakanganga at nangungulangot. Agad namang nyang itinago ang kamay sa kanyang likuran saka kumaway gamit ang isang kamay nang makita nya kami.
"Hoy! Kayo pala 'yan!" nakangiting asong sigaw nya habang kumakaway at tumatalon talon.
"A-Actually.. Pinag iisipan ko palang kung sya ba yung Daddy.." tumingin saakin si Sean na nakakunot noo at nagtataka.
"I-I mean.. Meron s'yang kaunting saltik.. K-Kaya naman naghiwalay kami.. Pero dinadalaw nya ang kambal minsan." nag aalangan na sabi ko saka tumingin kay Drius na humahalakhak mag isa.
"He's insane, seriously. Nakita ka nyang may kasama nang iba tapos tumatawa pa sya ng ganyan." tumingin sya kay Drius na parang nawi-weirduhan.
"Natural lang 'yon. Tapos naman na kami eh. Hindi na 'yan magseselos." usal ko.
Tumingin naman sya sakin. "Pero.. Baka kung anong gawin nya sainyo. Sabi mo nga, may saltik ang lalaking 'yan."
Napatawa ako ng konti. "Mabait 'yan kahit may sapi." nakangiting sagot ko.
"Alright." bumuntong hininga sya saka bumagsak ang balikat.
"Sige. Thank you sa paghatid." akmang lalabas na ko nang hilahin nya ko palapit sakanya saka hinalikan ng mabilis.
"Yun oh!" narinig ko ang sigaw ni Drius na sumisipol sipol pa.
Napangiti lang ako saka lumabas na. "Goodnight." sabi ko sakanya bago isara ang pinto. Ngumiti naman sya sakin.
Hinintay ko pa syang makaalis bago pumasok sa loob.
"Uy, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~"
Tumingin ako ng masama kay Drius saka sinabunutan sya. "Aray! Aray! Aray! Bakit ba, insan?!"
Binitawan ko sya saka itinulak. "Nakakahiya ka talaga! Bakit ka ba nangungulangot dito?!" galit na tanonh ko.
Nagkamot sya ng batok saka lumabi. "Eh sabi mo dati wag akong nangungulangot sa loob ng bahay mo. Tapos pati ba naman dito sa labas?"
"Gago ka! Nakita ka namin ni Sean!" iritang sigaw ko.
"Eh hindi ko naman alam na nandon kayo." katwiran nya. Binatukan ko lang sya.
"Sinabi ko sakanya na ikaw ang daddy ng mga anak ko." seryosong wika ko.
Nanlaki ang mata nya saka tumalon paatras saka itinaas ang kamay na parang sinasabing wag akong lalapit sakanya. Umirap ako saka sinamaan sya ng tingin.
"Insan, gwapo ako. Alam na alam ko 'yon. Pero bakit naman--"
"Eh wala akong choice! Hindi nya pwedeng malaman na anak nya yung kambal." naiinis na turan ko.
Bumuntong hininga nalang sya saka tumuwid ng tayo. "Hay. Sige na nga. Basta sya lang nakakaalam na ako ah. Alam mo namang madaming chicks ang patay na patay sakin. Hindi ko sila kayang saktan. Baka magselos sila kapag nalaman nilang may anak ako." binatukan ko ulit sya.
BINABASA MO ANG
Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)
Ficțiune generalăSPG (R18) Loretta and Sean StupidiciousPink