Chapter 27

4.5K 78 2
                                    

NAKANGITI si Sean habang papalapit ako sakanya.

Kakatawag nya lang sakin at sabi nya kakain na daw. Nalanghap ko ang masarap na amoy. Napatingin ako sa lamesa. Medyo magulo ang pagkakalagay ng mga gamit sa hapag kainan.

Tumingin ako sakanya na nakaupo na sa mesa. Tinaasan ko sya ng kilay.

"May I remind you, yayo ka lang dito. Hindi mo ba alam na boss muna ang kakain bago ang katulong?" mataray na sabi ko.

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ngunit ngumiti syang muli pero may bahid na iyon ng lungkot. Tumayo sya saka ipinaghila ako ng upuan.

"Oo nga pala. I'm sorry. S-Sige, sa sala muna ko." wika nya saka naglakad ng mabagal habang iwinawasiwas ang kamay sa paligid. Wala kasi syang baston. Tuluyang nasira iyon.

Tinikman ko ang isa nyang luto na hindi ko alam ang tawag. Parang nakarating ako sa langit nang malasahan ang lasa non. Hindi ako makapagsalita. Ang sarahahahahap!

Muling titikim na sana ko nang magtanong ni Sean. "Masarap ba?"

"Mas masarap ka."

"Ha?" takang tanong nya.

"Ha?" pagmamaang maangan ko. Naupo ako at itinaas ang aking paa.

"Hindi masyadong masarap. Nasobrahan sa alat. Sa susunod ayos ayusin mo. Nasasayang lang yung pagkain kasi pumapalpak ka." sabay subo ko muli. Grabe ang sarap!

Ninamnam ko ang bawat kagat ko. Nakita ko syang napahinto at bumagsak ang balikat. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko ngunit pinigilan ko.

"Ganon ba? Pasensya ka na." wika nya saka naglakad muli palabas ng kitchen.

Nang makaalis sya ay parang nawalan ng kulay ang paligid. Hindi ko alam pero parang antahimik. Parang ang lungkot. Napalunok ako saka tumingin sa mga niluto nya. Para kong maluluha nang maagaw ng pansin ko ang ham na may hugis puso sa ibabaw. Ketchup ang pinang drawing dito.

Umiling iling ako saka ginising ang aking sarili sa kahibangan. Ano bang pakielam ko sa lalaking yon?

Sumubo akong muli. Patuloy lang ako sa pagkain ngunit hindi ko na malasahan ang aking kinakain. Sobrang sarap ng pagkain ngunit di ko malasahan dahil sa kakaiba kong nararamdaman.

Nagulat ako nang may tumulong likido sa aking kinakain. Napabitaw ako sa kutsara ko saka kinapa ang aking pisngi. Umiiyak ako. Agad kong pinunasan iyon saka tumingala.

Ano bang nangyayari sakin? Kinagat ko ang ibabang labi saka suminghap.

Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na busog na busog na ko. Pinilit kong ubusin. Nagtira lang ako ng konti para kay Sean.

---

NAPANGISI ako nang makita si Sean na nagpupunas ng hagdan. I crossed my arms while looking at him.

Gabing gabi na ngunit hindi ko pa sya pinapahinto sa paglilinis kahit napakalinis naman na ng paligid.

Kumakapa sya sa hagdan at pinupunasan ito. Tagaktak ng pawis ang kanyang noo. At nakadagdag ito sa ka hotness-an nya.

"Bilisan mo na, Sean. 10:30 pm na oh!" pumalakpak ako.

"Oo, sandali nalang, Lorie." wika nya.

Napairap ako saka padabog na naglakad papunta sa taas. Nagtungo ako sa kwarto ko. Palagay ko ay matagal pa bago matapos si Sean kasi nasa ikatlong bahagi palang sya ng hagdan.

Nahiga ako sa kama at pumikit. Kailangan ko nang matulog. May pasok pa ko bukas.

Mabuti naman ay nakakapagtiis si Sean. Hindi sya napipikon at nagagalit saakin. Kahit na maghapon akong utos ng utos sakanya. At ilang beses ko naring pinagalitan ang aking sarili dahil naaawa ako kay Sean.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon