"KUYA, kamusta? Masakit pa ba yung pisngi mo?" tanong ni Ratbu.
"Okay na ko, Ratbu." sabi ni Sean na hinihimas ang pisnging sinampal ng babae kanina sa palengke.
"Grabe naman yung babaeng blondé na yon! Pero tu bi hanest ang ganda ng babae.." sabi pa ni Ratbu na nakatingin sa itaas at parang nangangarap.
"Ang seksi.." sabi nito habang kinakagat ang ibabang labi.
"Hoy! Labing anim na taong gulang ka palang ang halay na ng utak mo ha." sabi ni Sean.
"Ikaw naman, Kuya Sean! Binata ako! Syempre mapusok!" proud na sabi nito.
"Parehas talaga kayo ng kuya mong si Kumag!" natatawang sambit nito.
"Tch! Iyong si Kuya naman! Ang tagal! Kanina pa nagwawala si Ate Princess Celene! Nasan na daw yung lemon nya!" inis na sabi ni Ratbu.
"Andito na kooooooo!" narinig nilang dalawa ang boses ni kumag.
"Kuya Kumag! Lagot ka kay Ate Princess! Nakatulog ng gutom!" pananakot ni Ratbu.
"Naknang! Baka ako nanaman ang kainin ng malibog kong baby. Hahays! Sarap!" napangiwi silang dalawa sa sinabi ni Kumag.
"Ina mo, Kumag! Wag mo ngang sinasabi sa harap namin yan!" inis na sigaw ni Sean.
"Ohh hooy! Tignan mo 'tong tigang na 'to hahahaha ang sabihin mo naiinggit ka lang!" natatawang sabi ni Kumag.
Biglang lumungkot ang mukha ni Sean. Natahimik naman si Kumag at si Ratbu.
"Hayst. Nasaan na kasi yung asawa ko eh." malungkot na sambit ni Sean.
Nagkatinginan si Kumag at si Ratbu. Nalulungkot rin sila para kay Sean.
"Easy ka lang muna, Sean. Sabi ng doktor diba bawal kang ma-stress? Wag mong piliting alalahanin si Rits. Kusang babalik ang ala ala mo. At sigurado akong malapit na 'yon." wika ni Kumag.
Napabuntong hininga si Sean. "Imposible na atang bumalik ang ala ala ko. Anim na taon na simula nang maaksidente ako. Nawala ang ala ala ko, nabulag pa ko." malungkot parin ang tinig nya.
"Diba sabi nyo noong gabing umalis na ko dito sa lugar nyo, nawala narin si Rits? Baka may iba na syang mahal. Baka sumama sya sa iba at ayaw nya na sakin." tumulo ang luha ni Sean.
Wala syang alam at wala syang maalala sa mga nangyari.
Anim na taon na simula nang kupkupin sya ni Kumag. Naaksidente sya. Sila ni Princess ang tumulong sakanya. Nagulat ang dalawa dahil nalaman nilang mayaman si Sean. Ngunit hindi na noong panahong naaksidente ito. Dahil wala na itong maski isang piso. Hindi nila alam kung anong nangyari. Isang taon palang na nawawala si Rits noon.
Nabalitaan nilang papunta si Sean sa lugar na 'to. Nakasakay sya sa tricycle noon at naaksidente ito. Nawalan ng buhay ang driver. Pero swerte at nakaligtas si Sean. Iyon nga lang apat na bwan itong comatose. Si Nanay Edna ang gumastos kay Sean.
Nang magising si Sean wala itong kahit anong maalala. Nang ibalik nila Kumag si Sean sa dati nitong bahay napag alaman nilang wala nang pag aari si Sean na kahit ano. Kaya naman kinuha nila si Sean at pinatira sa bahay nila ni Rits.
Kinuwento nila kay Sean ang lahat. Sinabi nilang kinupkop sya ni Rits at inalagaan. Wala rin syang ala ala noong at bulag rin sya. Wala silang lahat ideya kung anong nangyari kay Sean at Rits.
Hinintay ni Sean si Rits para humingi ng tawad. Ngunit hindi parin bumabalik ang kanyang asawa.
"Kuya Sean, may kasalanan ka kay Ate Rits, alam mo naman 'yon diba? Baka nagpapalamig muna 'yon." sabi ni Ratbu.
BINABASA MO ANG
Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)
General FictionSPG (R18) Loretta and Sean StupidiciousPink