PROLOGUE

18.7K 216 3
                                    




NANLALAKI ang mga mata ni Rits nang makita ang lalaking ubod ng gwapo at matipuno ang katawan sa kanyang harapan. Totoo ba ang nangyayari? Bakit may lalaking ganito sa harap ng kanyang pinto?


“SINO KA? SAAN KA NANGGALING?! ANONG PANGALAN MO?!?” hindi kumikibo ang lalaking nasa harapan n‘ya. Hindi manlang siya nito tignan nang makita nito ang kanyang kagandahan.

“KINAKAUSAP KITA! BAKIT KA NANDITO SA BAHAY KO?! SIGE KA TATAWAG AKONG PULIS!” napatigil s'ya nang maalala.


Wala nga pala akong cellphone...

“I-I can't remember anything..” natuptop s‘ya sa sinabi ng lalaki.

Napatitig s‘ya rito. Inosente at kulay berde ang mapupungay na mata. Matangos ang ilong, mapula ang labi at matangkad ng dalawang dangkal sakanya. 5.6 na ang height nya tapos mas matangkad pa ‘yung pogi. At matipuno ang katawan ng nito. At mukang yummy ang anes.


Napakagwapo.

“Oh? So, You‘re englishing me now, hah?! Okey! I’m saying to yours that get out to my..my home! Get outing!” proud na pag iingles n‘ya.

“Ay teka nga, bakit ba umiiwas ka ng tingin?! Ba‘t di mo ko tinitignan hah?!” namewang s‘ya habang nakatingin sa maamo nitong mukha. Ay shet!

“I‘m blind..” ang mga mata nito ay parang kumikinang ngunit mukang malayo ang tingin.

“Ay?” sinuri n‘ya ang buong katawan nito. “Weh?” itinaas n‘ya ang limang daliri.

“Ilan ‘to?” sabi n‘ya. Umiling ang lalaki.

“I can‘t see it.” napabuntong hininga na lamang s‘ya.

“Ay, eh.. Wala akong maitutulong saiyo, Ser. Kita mo naman mahirap lang ako—” napahinto s‘ya.

Bulag nga pala.

“Este.. Ay basta. Wala akong pera para matulungan ka. Punta ka nalang sa baranggay hall para magreport. Kung wala kang maalala, ahmm.. Pano ba ‘to? Basta sabihin mo nalang sa kapitan na nanamawagan ka sa iyong pamilya.” tinitigan n‘ya ang maamong mukha ng lalaki.

“I‘m blind. I can‘t go there by myself. Can you please lead me to their office?” kaysarap pakinggan ng boses nitong sexy at baritono.

“Eh. Pano yan? Gabi na, Wala kang tutuluyan. Sige ha? Punta ka nalang bukas sa baranggay hall. Alas nuwebe na ng gabi. Ba-bye.” akmang isasarado n‘ya na ang kahoy at sira sirang pinto nang pigilan s'ya nito.

“Can I stay here just for tonight?” nagsalubong ang kanyang kilay.

“H-hah?” napakurap kurap s'ya.

“I mean.. I‘m really tired. Can I please stay here for a while?” napalunok s'ya.

“S-Sorry, pero hindi puwede eh.”may pag aalangan sa kanyang sinabi.

Naalala n‘ya ang sinabi ng kanyang lola bago ito sumakabilang buhay. Bawal magpapasok ng lalaki.

“Baka kasi may mangyari satin. A-alam mo na. Lalaki ka, babae ako. Tsaka isa kang stranger ano. Bakit kita papapasukin?” nag iwas s‘ya ng tingin.

“I promise, wala akong gagawing masama. It‘s just.. I need a place to rest.” Hindi. Huwag kang bibigay, Loretta! Kung ayaw mong makurot ka sa singit ng lola mo! wika nya sa sarili.

"Hindi talaga pwede. Basta. D'yan ka na ha? Teking ker ka nalang. Bye." mabilis n'yang isinarado ang pinto.

Nasobrahan yata s'ya ah. Kawawa naman ang binata. Pero hindi iyon magandang dahilan para patuluyin n'ya ito.


Napasandal s'ya sa pinto. Isang estranghero ang lalaking 'yon. Kahit pa ubod ng gwapo ito. Hindi n'ya dapat na patuluyin.


Ang arte mo! Ngayong gabi lang naman daw eh! sigaw ng kanyang utak. Bakit? Natatakot ka sigurong maakit sa lalaking 'yon ano? At hindi mo na mapakawalan bukas.

"Hindi 'yon." sabi n'ya kahit walang kausap.

Matitiis mo ba ang inosenteng lalaking bulag na 'yon na nasa labas ng bahay mong kahoy at tagpi tagpi?

Napaisip s'ya at kapag kuwan ay suminghap muna bago magsalita.

"Lola..Sorry." binuksan n'ya ang pinto nakita n'yang nandon parin ang lalaki.

Napangiti s'ya. Ang lalaking 'to.. Parang may kakaiba sakanya. Hindi lang gwapo. Parang may kakaiba s'yang nararamdaman.


"Papatuluyin kita." nag angat ng tingin ang lalaki ngunit hindi parin nakatingin sakanya.

"Thank you." ngumiti ito.

Napahawak s'ya sa garter ng panty. Nakakahiya. Nakamahabang palda pa naman s'ya at tanging panty lamang ang nasa loob niyon.

"Pero sa isang kondisyon.." huminga s'ya ng malalim.

"What condition?"

"Bukas na bukas aalis ka na rin."

Kung ayaw mong hindi na kita pakawalan!

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon