Chapter 21

5.2K 87 3
                                    

"K-KUKUNIN ko lang. Sandali.." usal n'ya saka kinapa ang pader.

Dahan dahan s'yang lumalakad. Ibang iba ang galaw n'ya ngayon. Mas mukang totoo.

If I know, nag-training sya sa pag arte. Napairap ako.

Ang kapal naman ng muka nya. Ang bintana ng salamin ko papalitan nya? Well, baka may pera sya. Ano bang ieexpect ko? Eh alam ko namang nagsisinungaling lang 'yan.

Sinundan ko s'ya natanaw ko s'ya sa kama na nakaupo. May hawak s'yang mga box at iilang alkansya.

Ikinalat nya yon sa higaan. At inilabas ang pera sa bag.

Nanlaki ang mata ko. What the hell? Bakit ang daming pera?

"Iyan ang ipambabayad mo?"

Hinawakan nya iyon isa isa. "Hindi ko alam kung magkano itong ipon ko." wika nya.

Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang kinakapa ang pera. Mukang natataranta sya.

Dinakot nya ang mga barya saka mga pera, dahan dahan syang lumapit sa pinto kung nasaan ako.

"Ito." sabi nya saka inilahad ang kamay na puno ng pera at mga barya. "Kung kulang pa, sabihin mo. Ibibigay ko."

"Saan mo nakuha 'yan?" inis na tanong ko.

"Inipon ko, mula sa mga napag trabahuhan ko." sagot nya.

"Bakit ka naman nag iipon? Akala ko ba mayaman ka?" sarkastikong tanong ko.

"Naghirap ako. Nawalan daw ako ng ari-arian at kayamanan." sagot nito.

Humalakhak ako. "Buti nga sayo! 'Yan ang bagay sa mga taong tulad mo! Ang mag hirap!"

Siguro kaya nya ko inaakit ngayon para yumaman syang muli? Aha! Huli ka na ngayon! Anong akala mo sakin? Bobo? Inuuto nanaman nya ko. Umaarte nanaman sya na parang mabait. Pero demonyo naman pala.


Yumuko sya. "Nag iipon ako dahil gusto kong makakita."

Napahinto ako sa pagtawa. Muling namuo ang luha saaking mata. Ganon ang gusto ko.. noon.

"Ambisyoso ka pala eh!" singhal ko.

Nanatili syang nakayuko. "Kasi.. sabi ni Kumag, matutuwa daw si Rits, ang asawa ko, kapag nakakita na ko.."

Tuluyan na kong napaluha. "Ginawa ni Rits ang lahat noon para daw makakita lang ako." nagtakip ako ng bibig.

"Gusto kong tuparin ang gusto nya. Gusto kong makita. Alam ko ang mukha nya. Naaalala ko. Pero hindi ako sigurado kung sya 'yon. Nakikita ko s'ya sa panaginip ko ngunit malabo."

Lumapit syang muli saakin. Ako naman ay napaatras.

Hindi! Hindi! Sinungaling ang lalaking 'to! Hindi nya na ko mabibilog!

"Tanggapin mo. Sorry kung nabasag yung bintana ng kotse mo." sabi nya.

Tinignan ko ang kanyang mata. Wala ang kislap nito noon.

Inilapit sya sakin ang kamay na inilalahad ang mga pera. Bigla kong tinapik ng malakas ang kanyang kamay dahilan para tumilapon lahat ng pera.

"Hindi ko kailangan! Mayaman ako! May pera ako! Wala kong pakielam sa ipon mo! Wala kong pakielam kahit mamatay ka sa pagtatrabaho para lang makaipon!" sigaw ko saka tumalikod.

Bago pa man ako makalayo tinanaw ko sya. Nakita kong kinakapa nya ang sahig. Hinahanap nya ang mga tumilapon na pera.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa awa sakanya pero alam kong pinaglololoko nya lang ako. Hindi dapat ako magtiwala sa gagong yan. Hindi na dapat ulit.

Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon