HUMINGA ako ng malalim saka tumingin muli kay Sean na lumuluha.
Nagpunas sya ng pisngi. "A-Ayos lang naman sakin na pinapahirapan mo ako eh."
"Naiintindihan ko, dahil alam kong may kasalanan siguro ako sayo dati na hindi ko matandaan. Na hindi ko maalala." wika nya saka kinusot ang mata.
"Pero kasama ba don ang saktan ang damdamin ko?" naiiyak na sabi nya.
I'm speechless. Damn.
Yumuko sya saka naglakad patungo saaking pintuan. Binuksan nya 'yon saka lumabas sya.
Hindi ako makaalis saaking kinatatayuan. Para kong naestatwa. Nasaktan ang damdamin nya.. Ibig sabihin ba non may nararamdaman sya sakin? Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal ang isang tao. M-Mahal nya ba ko?
"Sean Denzel Reinhart." usal ni Arkin. Tumingin ako sakanya na blangko ang ekspresyon.
"Lorie, you don't know kung ano ang ginawa nya para sa kompanya ng Dad mo." seryosong wika nito.
"Kung alam ko lang na sya pala ang balak mong saktan hindi na sana ko nagtuloy dito." wika nya. Umirap lang ako saka iniyukom ang aking kamao.
"Alam ko ang mga ginawa nya! Tintraydor nya si Papa! Kasi gusto nyang makuha ang yaman nito! Masama sya! Masama!" sigaw ko habang humihingal.
"What?!" kunot noong tanong nito. "At alam mo rin bang kalahati ng kayamanan mo ngayon ay galing sakanya?"
Namutla ako saka napahinto. Parang nanghina ang aking tuhod. Naguguluhan akong tumingin sakanya.
"You're kidding." naluluhang sambit ko. Umiling sya.
"Six years ago, Ininvest nya lahat ng pera nya sainyo. Walang natira sakanya kahit na ano. Kaya naman mas lalong umangat ang kompanya ng tatay mo." nang gagalaiting sabi nya.
"B-Bakit mo sinasabi sakin 'yan?" tuluy tuloy ang luha na nahuhulog mula sa aking mata.
"Because He's my friend." nanlulumong wika nito.
"Isinuko n'ya lahat ng kayamanan at ari-arian nya sa Papa mo. Hindi ba sinasabi sayo ng ama mo 'yon?"
Umiling ako. Never kong binanggit na si Sean ang ama ng kambal ko. Never nya ring binanggit saakin si Sean. Hindi namin sya pinag usapan kahit kailan.
"Wala kang alam sa mga ginawa nya. Alam mo ba ang buong storya bago mo sya parusahan ng ganyan?" galit na sigaw nya.
Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa magkabila kong mata. Umiling iling ako.
"Hindi mo manlang inalam. I know Sean. He's a good man. That's why naging kaibigan ko sya." sabi nya.
"May dahilan kung bakit nya ginawa ang kinagalit mo. Alamin mo kung ano 'yon." matigas na sabi nya saka naglakad palabas ng condo.
Nakaupo lang ako sa sofa habang humahagulgol.
Galit ako kay Sean. Galit ako aa mga ginawa nya. Galit na galit ako dahil sa sinabi nya. Pero inalam ko ba ang dahilan kung bakit nya ginawa yon? No, puro galit sakanya ang pinairal ko. Napaka-selfish ko.
"Mas pinili kong dito nalang tumira sa bahay namin. Gusto kong maalala ang mga nangyari dati. Gusto kong humingi ng tawad sakanya kung ano man ang nagawa kong kasalanan."
"Gusto kong malaman ang nakaraan para maipaliwanag ko sakanya kung bakit ko nagawa ang kasalanan na 'yon."
Bakit ang tanga ko? Bakit hindi ko manlang isipin ang kalagayan nya? Galit ako sakanya, pero bakit hindi ko hiningi ang explanation nya?
Ngayon ko pinag sisisihan ang mga ginawa ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Ako ang masama dito at hindi sya. Nakagawa lang sya ng kasalanan sakin. Pero ako? Sobra yung ginawa ko.
---
ISANG LINGGO. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Sean.
Napabuntong hininga ko saka itinuloy ang pagkain.
Biglang may naglapag ng pagkain sa tabi ko. Napatingin ako kung sino iyon.. Si Sean!
"Sean!" nakangiti sya ngunit unti unting nawala.
Napapikit ako. Hindi pa ba ko sanay? Sa loob ng isang linggo, lagi ko syang nakikita pero guni guni o kaya ay imahinasyon ko lang iyon.
Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa aking kwarto. Nahiga ako at pumikit. Naiinis ako dahil hindi pa sya bumabalik! Dapat isang linggo sya dito eh! Ngunit dalawang araw lang.
Nasaan kaya sya ngayon? Nakauwi kaya sya sa bahay?
Hindi ko sya magawang sundan dahil magulo pa ang aking isipan at ayoko parin syang makausap hanggat hindi bumabalik ang kanyang ala ala.
Gusto ko alam nya na lahat. Lahat ng ginawa nya. Ipaliwanag nya sakin kung bakit nya nagawa 'yon. Hihingin ko ang dahilan nya.
Napakagat ako ng labi saka lumuha. Ganito naman palagi eh. Iiyak nalang ako.
Agad akong bumangon saka tinawagan si Drius.
"Thank god! Tumawag ka rin! Bakit ba hindi ka sumasagot? Galit ka ba? Okay, I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam na nagpunta pala jan si Sett--"
"No, that's not it." wika ko.
"Then what? What happened? Why are you not answering my calls? At bakit hindi mo ko pinapapasok sa condo mo? Pinalitan mo pa yung passcode."
"Sean.. Sean just left me." sabi ko. Ilang segundo syang hindi sumagot.
"Mayroon akong hindi alam." naiiyak na sabi ko.
"Ano?"
"Kaya pala umangat yung kompanya, It's because of Sean. Lahat ng ari-arian at--"
"I know."
Nanlaki ang aking mga mata. "Then bakit hindi mo sinabi sakin?! Bakit hinayaan mo kong saktan sya?!" galit na sigaw ko.
"Because Tito said na hindi mo dapat malaman!" giit nito. "Ilang beses kitang sinabihan tungkol sa paghihiganti mo kay Sean."
"But you didn't listen to me! Hindi ko lang masabi na sya ang dahilan kung bakit ka yumaman ng ganyan because that's what Tito's last wish. I promised him. Ngayon nabigo ko sya. Alam ko namang darating ang oras na 'to. Na malalaman mo." giit nyang muli.
Naibaba ko ang aking cellphone dahil sa panlulumo. Maling magalit kay Drius. Tama sya. Ilang beses nya kong sinabihan but hell, I didn't listen to him. Nagalit pa nga ko kasi mas kinakampihan nya si Sean. I'm so stupid! Urgh!
---
AGAD na napabangon si Sean nang marinig ang katok mula sa pinto ng bahay.
Kinapa nya ang bagong tungkod saka idinampi nya ito sa sahig para mag-guide sakanya.
"Sandali lang!" sigaw nya.
Nang makalapit sa pinto ay agad nya itong binuksan.
"S-Sean.." nangunot ang kanyang noo.
"Sean, I missed you." yumakap ito sakanya at pagkatapos hinalikan sya sa labi. Napaatras naman sya.
"Mommy.." may kasama itong batang lalaki.
"Come here." utos ng babae saka hinawakan ang ulo ng batang lalaki.
"Mawalang galang na, pero who are you?" naguguluhang tanong ni Sean.
"It's me, your wife.." wika nito. Namilog ang mata ni Sean.
"R-Rits?!" bulalas nya.
"No, Sean.. It's Driana.. Your wife.." sabi nito saka hinawakan sya sa kanyang matigas na dibdib.
"And here's our son, Caspier." iniharap nito ang batang kamukang kamuka ni Sean.
Naguguluhang napanganga si Sean. "W-What?"
"Daddy.." sabi nito sabay yakap sakanya.
Hindi maipaliwanag ni Sean ang nararamdaman nang yumakap ito sakanya. Naramdaman nya ang paglukob ng saya sakanyang puso. Kaya naman niyakap nya ito pabalik.
BINABASA MO ANG
Helplessly Falling Deeply With A Stranger (R18)
BeletrieSPG (R18) Loretta and Sean StupidiciousPink