I've known my capability ever since. The capability to kill with just a touch.
It seemed like Headmaster Gaiael knew it already too. Mas lalo akong nabahala, ngunit ibig sabihin lang no'n ay hindi niya ako papaalisin dito sa akademya gayunpamang ganito ang kapangyarihan ko.
"Alam kong ayaw mong pumatay, hangga't hindi mo pa nakokontrol nang lubusan ang kapangyarihan mo. Don't let anyone touch you," paalala niya sa'kin.
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman, pero. . . nadidismaya ako. Kung mas maaga akong nakasama rito sa Phoenix Academy, mas nakontrol ko nang maaga ang kapangyarihan ko. Why did it have to be just now, when they have long known of my existence?
I shook my head mentally. Wala nang magagawa ang mga naiisip kong 'yan. Ang mahalaga ay narito na ako.
Headmaster Gaiael extended his hand to me, giving me an envelope and keys. Napatingin ako sa kanya nang nag-aalala. Ayokong aksidenteng mahawakan ang kanyang kamay.
Mukha namang napansin niya ang pag-aalinlangan ko kaya't pinalutang niya sa ere ang mga gamit na 'yon. I carefully grabbed those, and the moment I did, the surroundings suddenly spun around me, like a timelapse.
Napapisil naman ako sa sarili ko nang mag-iba na ang paligid. Nasa gitna na uli ako pangalawang palapag, at wala na sa headmaster's office.
Kunot-noo kong tiningnan ang kamay ko't napansin na naroon naman ang envelope at susi, hindi ako nag-i-ilusyon. May mahika sigurong ginawa si Headmaster upang palabasin ako roon.
A sigh escaped my lips, and figured out how I'd find my way down. Muli kong inikot ang paningin ko. Nanatiling umiikot ang mga planeta at tanging ang araw ang nanatili sa kaniyang pwesto rito sa pangalawang palapag. Kaya naman may iilang estudyante ang nagpa-ikot-ikot, tila nahilo sa paghahanap ng planeta. Ang iba naman ay diretso lang ang lakad at liko. Maybe they are those whose magic or imagination is powerful.
Nahuli naman ng mga mata ko ang ilang estudyanteng tumayo sa isang bilog na plataporma at biglang nawala.
A teleportation platform? Hm, this may be the way down. . . or up? Who knows? Kung saan man 'yan, ay makikigaya nalang din muna ako. Hindi ko pa rin naman alam kung saan ako pupunta.
Lumapit naman ako sa mga plataporma at napansing may liwanag na pumalibot dito. Sinubukan kong tumayo doon, ngunit sa ilang segundong paghihintay ay walang nangyari.
Nagkunot-noo naman ako't inisip ang unang palapag, at pagtingin ko ulit sa paligid ay naroon na nga ako. Sa unang palapag.
Maliit akong napangiti habang lumalabas sa plataporma. It's a different feeling when your imaginations manifest.
Muli kong iginaya ang paningin ko sa envelope. May naka-dikit pala roong note. "Follow the street sign for Castles." Since it said street sign, I went out of the castle and passed the bridge again. Naghanap ako ng mga street signs, ngunit wala akong nakita. Hanggang sa napansin ko ang kakaibang anino sa daanan.
Floating letters in the form of shadows. 'Castles,' it said. Footsteps, also in shadows, appeared after it. It seems like it's leading to where the castles are. Sinundan ko nalamang ang mga footstep, at hindi na napansin ang mga dinadaanan kong lugar. Marami kasing tao. At sa wakas, nawala ang mga yapak.
Umangat ang aking paningin sa isang subdivision na may apat na buildings. Lava stone walls stood tall with wooden rooftops. Napansin ko lang na bawat building ay iba-iba ang kulay ng rooftops at lava na makikita sa gitna ng mga lava stones.
Red, silver, violet, and gold. Sa halip na gate at mga fences ang gumwardiya rito ay naglalakihang puno ang pumalibot dito. There were benches around too, and a fountain. It seemed cozy.
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...