Chapter 10

37.3K 1.4K 83
                                    

Eris Alderhaide's POV
SINCLAIR

Nanatili akong nakasunod kay Red, ngunit parang ang dami niyang alam sa mga nangyayari. As if naalala niya na ang mga nakaraang memorya niya. I tried reaching out for his mind, or any feeling na maaring makapagsabi sa'king may mga naalala na siya. Then I felt it, something is bothering him. It's like he is fixing something or putting things together like a puzzle. "Rain, what are you thinking of?"

Mabilis siyang lumingon sa'kin. "Huh?" He paused for a while, mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagtanong. "Nothing, I'm just worried," maikli niyang sagot. Perhaps we're being overwhelmed with what we both feel now. Gusto ko siyang pagkatiwalaan. . . Mali, pinagkakatiwalaan ko si Red. Alam ko lang na may tinatago siya sa'kin, kaya't iniisip kong para sa kapakanan ko 'yon.

Nagsimulang dumilim ang paligid kaya nagsimula akong mapahinto sa pag-iisip. The sky turned deep orange but with a hint of red. . . parang dugo? Nanliit naman ang mata ko nang nagsimula ring dumilim ang aura ko. It was visible, as if something around me is provoking my energy. I felt death around.

Suddenly, a black smoke appeared in front of me. Pumalibot ito sa'kin, at nawala na si Rain sa paningin ko. "Red?" Tawag ko ngunit walang sumasagot. I started to panic. Tumakbo ako't sinubukang lumayo sa maiitim na usok, takot na mabitag. Napalingon lang ako't napatigil nang makaranig na impit na tawa. The black smoke was turning to fire, it ignited. And sudden memories passed my mind.

The clouds, wings, swords, castles, light, dark, and fire. It all flashed in a glimpse. Kaagad nawala ang mga alaala kasabay ng pagkawala ng apoy at usok. Now, it's only the dark and the fog in this forest.

"Eris!" Tawag sa'kin ni Red. Tumingin ako kaagad sa direksyon niya, at tila ba'y walang nangyari. Patuloy lang siyang naglakad palayo ng forest kaya't medyo nakalayo s'ya sa'kin. Tinawag niya lang ako nang malakas dahil doon. Saglit. . . Sa'kin lang ba nangyari iyon?

Umiling nalang ako at mabilis na tumakbo papunta sakaniya. Sa isang kamay niya'y mayroong apoy, like of a torch to light the way. Hindi mawala sa isipan ko ang pangyayari kanina, at maaaring hindi naramdaman ni Red ang panandalian kong takot sa nangyari dahil nga sa samot-saring emosyon na mayroon kami ngayon. Gusto ko sana sabihin sa kanya. . . pero hinayaan ko nalang malibang ang sarili ko sa pagtatanong ng ibang bagay sa kanya.

"Red, ano ka— I mean are you a wizard, demon or whatever?" I asked quietly, afraid that the fear would be evident in my shaking voice. I still don't know what he is. I didn't have the chance to ask, or maybe I missed the opportunity. Iniisip ko lang. . . kung anghel si Leviticus, demonyo ako noon, ano'ng klaseng nilalang siya para makasama ko noon?

Nagkibit-balikat naman siya bilang sagot. "Hindi ko alam. The Academy either classifies me to alchemists, deities or demons. But I don't really know what I am." Nakinig lang ako habang nakasunod sa likod niya. "Marami pa akong kakahayan na hindi ko palang ganoong nahahasa. Ang pagkontrol ko sa apoy at mga dragon pa lang ang kaya ko. Ngunit, kung minsan, may iba pa akong nagagawa," pagpapatuloy niya.

He looked at me suddenly. His eyes were calm, and I felt that he reached out to my soul. I can tell, he's going to share something that everyone else do not know. "Bihira lang itong mangyari, nagiging. . ." He paused for a while. Naglinga-linga siya na tila ba may hinahanap. "Ano'ng problema?" Tanong ko at tumingin din sa paligid.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinakpan niya ang bibig ko at nagpatuloy lang siya sa paglilibot ng tingin sa paligid. Then I heard it— mga kaluskos sa paligid. Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga dahon. Mabilis at hindi ko na ito nasundan.

Binitawan ako ni Rain, at nagpalabas ng espadang apoy. He pointed his sword at the ground, the fire immediately engulfed the leaves around. They levitated and encircled around us like a barrier. It was like a barrier, walang makakalapit sa'min nang hindi nasusunog.

"Stay here," bulong ni Rain sa'kin. He walked through the fire, at nagmasid. He waved his sword, tila gumawa ng isang simbolo. It was one vertical line crossing two long horizontal lines, nagliwanag ang mga ito. Blinding like the sun.

Nakatalikod si Rain sa'kin, ngunit naramdaman ko ang pagngisi niya. Kasabay ng pag-iiba ng kulay ng kaniyang buhok, from white to red. Wala pang limang segundo'y nakarinig na kami ng mga impit na sigaw. At mula sa mga dahon, lumabas ang mga kalaban. They all had long sharp nails, pale skin and red eyes. Vampires. Tumalon sila at sinugod si Rain, samantala ay napaatras ako dahil sa takot.

Ngunit, hindi pa nila ganoong nalalapitan si Rain, ay tumalipon na sila. They were burning inside. Tiningnan ko si Rain, ngunit nakuha ng atensyon ko ang simbolong kanina niyang ginuhit. It wasn't just any line. Para itong mga sulat, or perhaps ito'y isang spell that causes the vampires to burn inside.

Pinanood ko ang mga bampira na unti-unting nasusunog. Sinubukan ng mga itong gumapang papunta kay Rain, but the closer they get to the symbol, the faster they burn. Nagtaka naman ako nang bigla rin akong ikonsumo ng apoy. Fire filled my sight, and before I could even react, I hissed when a sharp pain surged in my right hand.

Umubo-ubo ako at tinakpan ang aking ilong. Tinawag ko lang nang tinawag si Rain, ngunit hindi niya ako dinadalo. Hanggang sa naramdaman ko na naman ang enerhiya sa kamay ko. Tinapat ko ito sa apoy, at napaltan ang pulang apoy ng itim na usok. The fire went out.

Pumikit ako at naghabol ng hininga, I waited for Rain to run to me and help me. . . pero walang Rain na dumating. I turned and took a look around, and he was, again, nowhere to be found. It was only me.

And a voice from behind.

Lumingon ako, ngunit tanging kadiliman ang nilingon ko. Walang kahit sino, o kahit anumang nilalang. I heard words, "Awaken me." Ano 'yon? Isa rin ba 'yong memorya? Naningkit ang mata ko upang mahanap ang nagsasalita. Then, I felt someone pass by me. Umabante ako, saan siya nagpunta?

Luminga-linga ako, ano namang ibig sabihin ng 'awaken me'? A deep female voice said it.

Natigilan ako sa pag-iikot ng paningin nang may bigla namang may humablot sa'king cloak. I turned for a defense stance fastly. My eyes widened as power surged through my right hand easily. Paanong nako-kontrol ko 'to nang ayos? Luminaw din ang paningin ko't tila may liwanag na lumalabas mula sa'king mata.

Isang anino lang ang nakita ko. It was in front of me, at nakapameywang ito sa'kin. Kumunot ang noo ko, at muli, may boses na namang nagsalita. Ang malalim na boses ng babae kanina. "You are weak, Eris."

Tinapat ko ang aking kamay sa anino, umaasang mawawala ang anino, ngunit may itim na usok na umangat mula roon. It lingered around my whole right arm, at bigla akong napahiyaw sa sakit. Tila sinusunog ang buong kamay ko. "Argh!" 'Di ko mapigilang daing.

Mabigat ang aking paghinga, napaluhod na ako at niyakap ang buong kanang kamay ko. Wala akong naririnig na mga boses, pero para bang nabibingi ako sa lakas at iba't ibang tinig. Nagugulo ako! I let out a scream for the excruciating pain. Nag-apoy pa ang mga kamay ko. Asul, tulad ng apoy ng mga pakpak ng dragon.

Tila umikot nang mabilis ang buong mundo. The fire started to fade away, at nawawala na ang mga tinig. Ngunit napansin ko ang mga namumulang marka sa'king balat na sumakit. Para itong balat na puro letra o sulat, na hindi ko naman maintindihan. At nang igalaw ko ang kamay ko, para bang ang lakas ng enerhiya at kapangyarihan ko.

It's like something entered me, and overpowered my right hand.

It felt demonic.

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon