Chapter 30

14.4K 702 109
                                    

Georgia Kaye Alas' POV

'Game on.'

Mariin akong pumikit nang biglang mawala sa paningin ko ang babaeng peculiar, Phoenica's new slave. That's what they're good at, retreating. Malakas ang kabog ng puso ko habang hinahanap ang peculiar sa paligid.

Nasisiguro kong narito pa rin siya dahil ang pin ang habol niya, at nang makapa kong nasa'kin pa rin 'yon, napakuyom ako sa'king kamao. Others might be in danger too because of the slave. My eyes wandered around, almost suspecting everyone who seemed mysterious as Phoenicia's slave. Nag-pa-panic na ako.

Hindi ko alam kung ano'ng uunahin. Ang hanapin ang slave, protektahan ang iba, protektahan ang pin, o hanapin ang full Phoenix upang 'di nila maunahan.

"Georgia!" Napabalikwas ako sa reyalidad nang tawagin ni Lucifuge ang pangalan ko. Hawak na niya ang dalawang balikat ko't bahagya pang niyugyog. I stared at him with empty eyes, then... somehow, I calmed down.

Napabungtong-hininga si Lucifuge, at marahang tinapik ang balikat ko. "Georgia," mahinahon niyang bigkas. "Please put yourself first," narinig kong pahayag niya sa kanyang saloobin. "You've been out of it. Mas mahihirapan ka kung hindi maayos ang lagay mo. J-Just know that I'm also here, Georgia," aniya nang malakas. "I can help you. I just want you to be fine first."

Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya. He smiled warmly, but I am unable to return it. Napaiwas ang tingin ko sa kanya at nagsimula nang makinig sa Olympian Gods. They've been speaking since earlier, hindi ko lang napakinggan nang ayos.

"For now, you'll be moving to the island where your mentor resides. Mabibigyan naman kayo ng transportation papunta roon, although hindi ko lang alam kung anong klaseng transportation. Heh, it will depend on your mentor," paliwanag ni Apollo sa'min. Is Apollo a host here or what? Pansin ko'y laging siya ang nag-aasikaso sa'min.

"Now, make a line with your fellow mentees, at intayin niyo nalang ang transportation ninyo." Iyan ang huling sinabi ni Apollo bago siya pumalakpak, a cue for us to line up.

Kinulbit ko si Lucifuge nang hindi natingin sa kanya, sabay tanong, "Sinong mentor mo?"

"Hades," maikli niyang sagot. I felt disappointed. Mahirap pala dahil malayo ako sa kaniya. Bigla naman siyang napatawa, at mabilis akong inasar. "Mahirap palang malayo sa'kin, ha?" He implied while wriggling his eyebrows. Hng, ang bilis naman magbago ng mood niya.

I shot him a deadly glare. 'Di ko na siya pinatulan. Fine, Lucifuge, think of whatever you want. Nagulat naman ako nang akbayan niya ako at ginulo ang buhok ko, "Hm, mukha namang 'di mo ako kailangan," he jokingly said.

"But seriously, I told you. Nandito lang ako, kung nasa'n man 'yang dito mo." Now, he pushed my head to rest in his shoulder. "Ako ang bahala, Georgia."

"Oo na... sige," sagot ko gamit ang telepathy. "Let go," utos ko sa kanya nang ayaw niya ako pakawalan.

Humiwalay na ako sa kaniya without bidding a goodbye. Nakilinya na ako sa mga kasamahan ko, at napansin kong huli na pala akong pumila.

They all looked at me, kaya't tinaasan ko sila ng kilay. I'm the head of the Ashes house, kaya huwag nila akong tinitingnan ng ganiyan. Iniwas na nila ang tingin sa'kin at nagbulungan. As if naman hindi ko naririnig, mga engot bumulong pa kayo.

"Sabi nila alagad siya ni Lucifuge."

"Anghel pero lumuluhod sa demonyo?" Wait, what?

Tahimik kong ginawang yelo ang kinatatayuan nila. Nadulas naman kaagad sila at napahiyaw. I looked down at them, and raised an eyebrow.

"That's it, my little angel," Lucifuge said through telepathy. Hinanap ko kung nasaan siya, I saw him staring at me with his dark devil eyes. Nevertheless, he still resembles Lucifer, he's just really darker.

Napatingin naman ako sa likod niya, and I saw that little Peculiar slave. I gritted my teeth at kaagad siyang pinaulanan siya ng yelo. But then, she just went out of sight. I closed my eyes, ano ba ang kapangyarihan nitong peculiar na ito?

This time, nagulat ako nang biglang mga yelong umulan sa'kin. I sprinted away kaya't napatingin sa'kin ang iba. Nagkaroon ng cuts ang cloak ko, at bahagyang dumugo ang kamay ko.

I hissed at muling tumingin kay Lucifuge, nakakunot ang noo niya at akma na siyang lalapit sa'kin. Umiling naman ako at tiningnan ang paligid. Nagsink-in naman sa utak ko ang kapangyarihan ng babae, kaya niyang kopyahin ang anumang kapangyarihan. I looked at my foot nang mapansing nadugo rin pala ito. I gasped then knelt to check it.

Nagulat ako nang mapalibutan ito ng dilaw na ilaw at kaagad na naghilom. Tumingala naman ako and saw Apollo healing my wounds. He held a hand for me ngunit hindi ko iyon tinanggap at tumayo mag-isa. I bowed 'thank you' to him before proceeding back to the line.

Napapikit ako at inisip ang amoy ng kaniyang dugo noon. I think that is the only way I can distinguish her correctly. Baka kasi magbago siya ng hitsura, put illusions and such. Buti nalang ay bampira rin ako.

May flying carpet naman na lumapag sa tabi ko. I looked at the others and noticed that the carpet was for two persons. Turns out I'm alone here since the numbers are odd. They got on the magic carpets and so did I. I sat comfortably with my balance, and waited for it to fly.

Nang maka-angat ito sa ere ay bigla akong kinabahan. I unconsciously held my pin, and sighed. Nanatiling nakasunod ang aking carpet sa mga kasamahan ko, ngunit napansin kong mabagal ang takbo nito at kakaibang klase.

I looked at the surroundings and noticed the unending path down. Wala akong nakikitang lupa at puro langit lang.

Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. I was left behind at mas lalong bumilis ang takbo nila. "Sandali!" sigaw ko ngunit hindi ata nila iyon narinig. Nagkunot noo ako at sinubukang palabasin ang mga pakpak ko. As soon as lumabas ito, humiwalay ako sa carpet at sariling lumipad. Hindi hamak mas mabilis pa ang mga pakpak ko kaysa sa carpet na 'yon.

I used my vampire power at binilisan ang lipad. But the problem is... they're out of sight. Imposible, hindi sila pwedeng mawala agad. I should still see even a bit of them. Pero bakit walang wala sila? Is someone messing with my mind?

Umikot ako upang hanapin kung may tao bukod sa'kin pero wala.

"Georgia," kaagad naman akong napalingon nang sa tumawag sa'kin. Lumilipad din siya but she seems to be just an illusion. Wala akong maamoy na dugo mula sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako kalaban, I'm actually here to help you," sabi niya sa'kin at lumapit.

Hindi ko siya sinagot, pero alam kong halata sa ekspresyon kong hindi ko siya pinagkakatiwalaan. My guards are up because she could be an enemy in disguise.

She smiled sweetly, I noticed her jet black hair and stormy eyes, but what stood out was her rosy cheeks along with her smile. Ngayon naman ay maamoy ko ang ichor sa kaniyang dugo, isang divine being. Doon ko napagtantong nasa loob ako ng subconscious space na ginawa niya, kaya't hindi ko rin mabasa ang isip niya. At kaya rin hindi ko makita ang ibang Phoenicians.

"Because I know your memories, Georgia. I know you're here for Apollo's prophecy and I'm bringing you there," wika niya bago ako panain bigla.

At bago pa ako makailag, nandilim na ang paningin ko.

Phoenix Academy
by lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon