Leonidas Malcolm's POV
"Prinsipe, handa na po ang hapagkainan," wika sa'kin ng isang kasambahay. Tumango naman ako, at mabilis na bumaba sa hapagkainan. Kaagad kong nakita ang dami ng handa. Napangiti naman ako, at talagang pinaghandaan ni ama't ina ang kaarawan naming dalawa ni Sinclair.
Buong-pusong tinanggap ni ama't ina si Sinclair sa'ming kaharian. Lubusan pa nga silang natuwa sapagkat ngayon lamang nagkaroon ng babae sa pamilya, at para sa kanila'y biyaya si Sinclair. Sa totoo lang, ginawa nang totoong anak ni ama't ina si Sinclair, which makes her a princess.
"Leo!" Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Sinclair. She had her hair in a bun, na mas lalong nakapagpakinang sa kaniyang mga gintong mata. Suot-suot niya rin ang isang laced gold gown na niyakap ang kaniyang katawan. At kahit na napakataas ng sapatos na kaniyang suot, dali-dali siyang bumaba sa hagdan kaya't napatawa ako. Gutom na talaga siya, iyan ang masasabi ko.
"Hintayin lang natin si ama't ina, Sinclair. Matapos ay diretso tayo sa parada," wika ko sa kaniya at inalalayan siyang umupo. Ipinaghila ko siya ng upuan.
"Ngayon ka na ipapakilala sa buong bayan, Prinsesa," natatawa kong sambit.
She frowned. "Hng, hindi na naman ako kailangan ipakilala pa, Leo. Inampon ninyo lang ako, at hindi ako totoong royalty! Magugulo lang ang mga mamamayan," aniya na may panggigigil.
"Talagang magkakagulo sila! Who would have thought that there's a beauty here," biro ko sa kaniya. "Alam mo namang kailangan mo rin magpakilala sa kanila. Ikaw man ay hindi namin kadugo, isa ka nang prinsesa."
Napalingon naman kami nang narinig namin si ama't ina. Nakahanda na rin sila para sa parada mamaya. They smiled at us as they greeted, "Maligayang kaarawan, mga anak!"
Tumayo kami ni Sinclair at sabay na nagbigay-galang at nagpasalamat, "Maraming salamat po."
Nagsimula naman kaming kumain habang nag-ku-kwentuhan. Masaya ang aming kwentuhan hanggang sa banggitin ni Ina si Kuya. "Kung narito lamang sana si Leviticus, mas masaya sana tayo ngayon," she smiled sadly. Na-mi-miss na namin si Kuya, pero wala na siya at hindi na namin siya kapiling. He was supposed to be the heir for the throne. He was trained for it. Ngunit dahil wala na siya, ako na ang naging tagapagmana.
Tiningnan ko si Sinclair. Tahimik siya bagaman 'di siya mukhang malungkot. Syempre ay hindi naman niya kilala si kuya Levi. Pero napapansin kong lagi siyang napapaisip tuwing mababanggit ang pangalang Leviticus. Maaaring may kapangalan siya sa dating buhay ni Sinclair, na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nadidiskubre.
It's been a year since I found her, but there are only few clues regarding her identity. Phoenix Academy, Eris, Ashes, Leviticus, Phoenicia, Fylgja, and Red. Mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling o kung ano ang ibig sabihin. Pero malimit kong naririnig ang mga iyan kung siya'y binabangungot, at wala sa kanyang kaalaman na nababanggit niya ang mga 'yan.
"Pinapasok na po namin ang mga tao, mga kamahalan. Nakahanda na rin po ang karwahe," wika ng isang gwardia. He bowed his head and saluted before heading out.
"Are you ready, Sinclair?" Tanong ni ama sa kaniya. Tiningnan ko si Sinclair sa aking tabi, ngumiti siya at tumango. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko. Malamig kaya't halatang kinakabahan siya. Hinagod ko naman ang likod niya. "It's going to be fine, Sinclair. They're going to love you," I assured.
Umiling siya. Hm, is she feeling something else? Masama ba ang pakiramdam niya? Malalim lalo ang tingin niya sa kawalan na tila ba may pumasok sa utak niya na 'di magandang ideya. "Ano'ng problema?" Tanong ko't pinisil ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...