Chapter 25

17K 884 185
                                    

I needed to seclude myself from others... just for the meantime. Right now, I just feel like it's all too much for me. I also keep seeing bits and pieces of my past. Sinclair, Eris, whichever past was it. The two men earlier were big parts of my past, that's why I can't help but feel so lost.

Sumilip ako sa'king durungawan at nakita ang tirik ng araw. Naningkit ang mga mata ko nang biglang makarinig ng boses ng lalaki sa isipan ko. "Fylgja," aniya. Nang bumaba naman ang tingin ko sa ibabaw ng walls ng pumo-protekta sa palasyong ito, napasinghap ako 'pagkat nakita ang lalaking may puting buhok kanina. Ang tumawag sa'kin ng fyglja.

"Hindi ka pa kumakain, Sinclair," he stated. "What's keeping you there?" Tanong niya't tumalon o halos lumipad patungo sa bintana. Umupo siya roon, at ningitian ako nang nakakaloko. Napagtanto kong nakatingin lang ako sa kanya nang matagal dahil hindi ko alam kung pa'no siya pakikitunguhan, ano'ng sasabihin o gagawin.

I shook my head and broke my eye contact from him. Napabuntonghininga naman siya't nagsalita muli. "You must be confused, right? We apologize for that, and we didn't know you lost memories. If we had known, we'd be more careful."

Binuksan ko ang bibig ko para sumagot sa kanya ngunit hindi ko rin alam. If I put myself in their shoes, they must have been looking for me a long time. If I had not lost my memories, I would be doing the same too. Look for them. Reach out for this familiarity. Napahawak ako sa dibdib ko nang malakas na tumibok ang puso ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang hawakan ng lalaki ang mga balikat ko at pagtingin ko sa kanya, bumungad sa'kin ang nag-aalala niyang mga mata. "Are you okay, Sinclair? Are you hurt anywhere?"

"Ah, he must have thought I was hurt," isip ko. Humakbang ako palayo sa kanya't binitawan niya naman ang mga balikat ko. Mabilis din siyang humingi ng paumanhin. "Sorry, that was an initial response. Hindi ko agad naisip na di ka magiging komportable," aniya't napakamot pa sa kanyang ulo.

Maliit akong ngumiti. If that was an initial response, he must have took care of me in the past well.

"Totoo bang may kapangyarihan ka ng apoy?" Tanong ko, sinusubukang pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin, o baka ako lang naman ang nakakaramdam no'n. He looks comfortable, but I didn't know about him. Hindi ako nakatingin sa kaniya, ngunit nakita ko sa'king peripheral vision na tumango siya.

"Paano? Paano ba tayo nagkakaroon ng mga ganiyang kapangyarihan?" Tanong ko at bigla naman niyang tinakpan ang mga labi ko.

"Masyado kang maingay, fylgja. Baka mapagkamalan kang baliw ng mga kasambahay ninyo. Sa mundong ito, hindi normal ang mga kapangyarihan. Kaya't huwag na huwag kang magtatanong kay Leonidas ng ganyang bagay. Siguro ay kami nalang ni Leviticus ang iyong tanungin," mahabang paliwanag niya at saka tinanggal ang kaniyang kamay.

"Also, you haven't even asked for my name," he said, pouting like a kid and his feet swung back and forth while sitting on my window.

"Ah, oo nga pala," maliit kong sambit. "Sino ka ba?"

Then, he suddenly burst out laughing. Nanlaki ang mga mata ko nang akala ko'y mahuhulog siya mula sa bintana kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya paloob. Mukha namang nagulat siya kaya't halos nagkatamaan kaming dalawa sa lakas ng pwersa ng pagkakahila ko.

I stumbled down the floor, so he was pulled close to me. Napaupo ako ngunit nasalo ako ng sarili kong mga siko. Narinig ko namang napaluhod ang lalaki at pagmulat ko ng aking mga mata, namula ako nang mapansing magkalapit ang mukha naming dalawa at magkadikit na ang mga noo. 

I can feel his breath against mine, and his right hand supported my back, almost hugging me close. His left hand was close to where my other elbow was.

"R-Red...," sambit ko at tinaas ang isa kong kamay para tulakin siya palayo, ngunit nanlaki ang mga mata niya kasabay ang pag-awang ng kanyang mga labi. 

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon