Tanging buhos ng rumaragasang talon ang maririnig sa kapaligiran namin. Parehong nasa kawalan ng ulirat, at 'di mapinta ang ekspresyon. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang hitsura, at inalala kung ano'ng nakita ko kanina. . . pero sigurado akong siya rin 'yon. Base sa kung pa'no niya ako tingnan ngayon, nagtataka rin siya. Malamang ay nakita niya rin ang alaalang nakita ko.
"Sinc—" Naputol lang ang sasabihin niya nang biglang lumilom ang pagilid, na tila ba nawala ang sikat ng araw. Nawala na rin ang tunog ng alon sa'king pandinig, at maging ang paningin ko sa paniningkit ko mula sa hampas ng hanging pumaspas sa mga puno't dahon. Halos liparin ako, ngunit minaigi kong 'di madala.
"Eris!" Red! Hindi ko naman ganoong makita at marinig kung saan nagmula ang boses niya, kaya't pilit kong iginala ang paningin ko hanggang sa mapansin kong nakatingin sa taas si Leviticus. Pag-angat ng paningin ko'y halos malaglag ang panga ko sa pulang dragong siya palang tumaklob sa sikat ng araw. Ang kanya ring mga pakpak ang sanhi ng malakas na hangin.
Hindi ko masulyapan si Red dahil tanging ang higanteng nilalang lang ang nakikita ko sa taas. . . ngunit bigla rin 'yong naglaho at nakita ko si Red na tumalon mula roon. Malakas ang naging kalabog ng puso ko sa taas ng talon niya. 'Di ko napigilang sumigaw, pero kasabay din no'n ang mura ko sa kanya. Baliw ba siya? 'Pag siya nabalian!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla siyang mag-apoy at nakarating sa harap ko. Ha, I'm worrying for nothing. He used teleportation through fire again. Nagulat ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay tapos balikat, na tila ba chine-check ang kalagayan ko.
"Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya. "Bakit parang naramdaman ko kanina. . . nasaktan ka?"
Wala akong sagot na maibigay sa kanya dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng totoong nararamdaman ko ngayon. Sinulyapan ko si Levi at nakitang napasinghap siya sa kamay namin ni Red na magkahawak.
"Rain, sandali," I called, not looking at him, kaya't lumuwag ang hawak niya sa'king kamay.
Muli na namang nag-iba ang paligid. Levi's armor became white again, and mine black. Samantala ang kay Red nama'y pulang camiso-chino na may black na pants. "Sinclair, I'm sorry kung nagulo kita noon. You've taken your revenge, we're even now," malumanay na wika ni Levi. Lumipat ang tingin niya kay Red na nakahalukipkip at masamang tiningnan si Levi.
"Sin, tara na. Ihahatid na kita sa abode mo," anyaya ni Red at naglahad kamay sa'kin.
"Uh. . . Red, puwede bang ako nalang ang maghatid kay Sinclair. Gusto kong makabawi sa kaniya," wika ni Levi o Lucifer at ngumiti. I don't exactly know kung anong atraso sa'kin ni Levi. Was it that big kung kaya't kailangan niyang makabawi sa akin?
Tumawa ako at ngumisi kay Lucifer. "Kakayanin mo ba ang atmospera sa abode ko, Angel Lucifer? Can you witness my hell? Pati baka may gawin ka lang sa mga creatures ko. I don't want them to get hurt."
Tumingin sa baba si Lucifer, at iniwasan ang paningin ko. He looked up again to me and had the innocent puppy eyes before speaking. "Ah. . . hindi ko naman sila sasaktan hangga't wala silang ginagawang masama. Pero kung 'di ka komportable ay huwag nalang din. Ayaw kong maramdaman mo 'yon at ayaw ko na ring mas lalong sumama loob mo sa'kin."
Muli ay tumawa ako. "Lucifer, can't you see? I am hatred, evil, greed, revenge and the demon itself. Talagang masama ang loob ko, that is why you don't have to do anything to make me feel better. It's worthless."
The sincere eyes of Lucifer turned to sad ones. He tried to smile at me and he sighed. "I'm sorry Sinclair."
Umirap ako at humarap kay Red. "Red? Let's go."
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...