Postlude: Sinclair

21.3K 773 118
                                    

"Sa walang hanggang kalawakan, ano pang mayroon? Nasaan ang iba?

Kahit papaano, nasagot 'yon... ngunit may parte pa rin sa'king patuloy na tinanong 'yon. Walang katupasang tanong para sa walang hanggang kalawakan.

Humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa'king balat, at maging ang bestida ko'y nakisayaw na sa hangin. Maliit akong napangiti nang makita ang pares ng maliit na damit ko.

Nabawi lang ang ngiti ko nang marinig ko na namang pinag-uusapan nila ako ulit.

"Wala na raw 'yang guardian hindi ba?"
"Ah, balita ko namatay kasi sobrang hina raw n'yan!"
"We are supposed to protect guardians, ano ba siya? Halimaw?"
"That's a great sin. Unable to protect your guardian."

Gan'yan ang laging nagiging daloy ng usapan, at hindi naman ako makatanggi sa kanilang mga sinabi.

Indeed, it was a great sin. I was unable to protect Leonidas and everyone in the mortal realm. How many years has it been since then?

Ah, walang taon na nga pala noong mapalipat ako sa realm na ito. Ang mundo ng Aerilon.

I was immediately sent here before my realm, Earth, came to its end. Hindi ko alam kung naging mabait ba sa'kin ang mga tala para hindi ipakita sa'kin ang pagguho ng lahat at ipinadala pa ako rito, o sadyang malupit lang sila sa'kin upang hindi tapusin ang buhay ko't magpatuloy ang paghihirap.

At tila ba, inaasahan na ng isa sa kanila na mangyayari 'to. An old woman named Anika welcomed me here. Hindi ko agad siya pinagkatiwalaan, ngunit kalaunan ay wala na rin akong nagawa kun'di gawin 'yon, dahil wala naman akong alam sa mundong ito.

Kilala na siya rito, pero nasira ko ang pangalan niya dahil sa pagkatao ko. Hindi man nila alam na nanggaling ako sa ibang mundo, alam nilang wala akong guardian. At 'di ko 'yon katanggap-tanggap sa mundong ang kairalan ay protektahan ang mga guardians.

Ibig sabihin noon sa kanila, mahina ako. Ibang-iba sa trato sa'kin sa mortal realm.

Bahagyang kumirot ang puso ko nang makakita ng mga masasayang magkakaibigang nagsasama-sama upang i-ensayo ang kanilang mga guardians at ang kanilang mga mahika. Ilan sa kanilang mga guardian ay ang leon, tigre, ibon, serpent, at iba pa.

Nang makita nila akong nakatingin sa kanila, kaagad akong umiwas ng tingin at ibinaba nalang sa mga labahin ang aking mata. Well, I don't want to anger them, or I just don't want any interactions with them.

I have someone to protect to.

Napansin kong bumulong-bulong ulit siya. Pero nagparinig naman ang isa. "I would have made her my slave only if she wasn't under Mistress Anika's care. She's just privileged because of her."

Gustong-gusto ko silang hindi pansinin, ngunit halata na ang panggigigil ko nang kusutin ko nang mariin at malakas ang mga damit. Argh, hindi ko puwedeng ilabas ang kapangyarihan ko. Delikado na. Bwisit na mga 'to. Kung hindi lang ako nag-iingat, matagal na kayong patay.

My jaw dropped when someone splashed me water. Basang-basa na ako at narinig ko pa ang mga sipol ng lalaking nanonood sa'min. I scoffed in disbelief, so I stood up, still with my head down. Natatakot ako kung ano'ng magawa ko sa kanila, kung sakaling makita ko ang pagmumukha nila...

But if I just let them be, they might also do this to the one I'm protecting.

Umihip nang malakas ang hangin, at nakita kong napapatianod sila, nadadala ng hangin na ito. Humampas din ang tubig ng lawa sa kanila, pagbabalik ko lang sa ginawa nila sa'kin.

Isang ngisi ang pumlasta sa labi ko bago ko iangat ang tingin ko sa kanila. "You don't want to anger my guardian, right? He is a phoenix, and in his death, he will be reborn from his ashes. You never know when the ashes emerge again," I warned them. They shouldn't mess with me, or her.

Phoenix AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon