"Once upon a time, two phoenixes fought each other, and millions survived."
Eight months have passed since the great war. The blood fest didn't happen the moment they died. The realm is now living at peace again.
I looked outside by the windows, and smiled when I saw the townsmen living well. Phoenix Academy had locked itself from everyone to restore its magic, its phoenixes, and its glory. Nagkalat sa iba't ibang lugar ang mga Phoenicians, trying their best to fit in the mortal world.
There hasn't been anything going on around yet, and I hoped it would stay like that... pero sino ba namang niloloko ko?
Natigilan lang ako sa pag-iisip nang may tumawag sa'kin. "Your Highness."
Napatingin naman ako sa alagad, at kaagad ko siyang ningitian. "Ano iyon?" I asked her as she kept her head down. "Dumating na po si Prinsipe Leviticus," sabi niya kaya't mas lalo akong natuwa.
Tumingin akong muli sa bintana at nakita siya kasama ang ilan niyang mga knights. Him coming back at the palace was a big revelation to all, so the royal family made the people think like he was only missing. Tiningnan niya rin ako, ngunit kaagad din itong iniwas. Maiintindihan ko naman kung... galit pa rin siya sa'kin.
Sinara ko na ang aking bintana at bumaba ako sa unang palapag para batiin siya, bagaman mukhang ayaw niya akong makausap. Nagbukas ang pinto ng aming palasyo, at kaagad ko siyang sinalubong ng ngiti ngunit sininghalan niya lang ako't mabilis akong dinaanan.
"Ba't 'di mo ako pinapansin, kuya?" Tanong ko sa kanya't nagteleport sa harap niya.
Mabilis siyang tumigil sa paglalakad nang harapin ako, pero malakas akong napatawa nang irapan niya ako. "Hala! Arte mo kuya!" asar ko sa kanya habang tawang-tawa pa rin.
"Ikaw ang maarte. Bakit ba ayaw mong sumama sa'kin? Nagpapasarap ka lang dito, ah," aniya at tinanggal ang kaniyang armor.
Nagkibit-balikat ako at sumandal sa pader. Hindi ko siya sinamahan sa Phoenix Academy, o tulungan ang iba pang mga Phoenicians. 'Yan ang pinagkakaabalahan niya ngayon, ang tumulong lang nang tumulong. "It brings bad memories," gusto ko sanang sagutin, pero duwag pa ako para ipaalam pa.
I killed countless people there, but I may have also saved them... or not.
"Kamusta ang ibang Phoenicians?" I asked to avoid the topic.
Nagpamulsa siya habang sinasagot ako, at tiningnan ako na para bang hindi ko pa alam ang sagot. I know they're well. "Maayos sila. Mukha namang mapayapa ang buhay nila, and they're actually having the time of their lives. Pero marami na rin ang may gustong bumalik sa Phoenix Academy."
Tumango naman ako. Yeah, they would want to. They belong there.
"Si Master Gaiael?" Sunod kong tanoong.
Tumawa naman siya, "Naroon pa rin. Siya pa rin ang punong-abala sa pagsasaayos ng academy. He's really dedicated."
Napangiti naman ako na unti-unti nang nanunumbalik ang dating estado ng academy. Sana nga magtuloy-tuloy na ang kanilang kasiyahan at kapayapaan. Wala na sanang gagambala pa sa kanila, at wala na ring makakaranas mawalan.
I feel so empty, and at the same time guilty. Hmm... maybe it's time.
"Pupunta lang ako sa Phoenix Falls," paalam ko at maliit na ngumiti.
Nagbato naman siya sa'kin ng espada, at kaagad kong sinalo iyon, "Sige. Mag-iingat ka, ah." Tinanguan ko siya at hinawakan nang mahigpit ang esapada. Sumakay ako sa kabayo, at tinakbo ito patungo sa Phoenix Falls.
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...