Leviticus Malcolm's Point of View
LUCIFERMalalim ang bawat paghinga ko habang hinihintay na makaalis ang lahat sa field, maliban kay Highness Althea. Mukhang alam niyang kakausapin ko siya kaya't nilingon niya ako't ngumiti. Lumapit ako sakaniya, hawak pa rin ang espada.
"Leviticus!" Bati niya at pumalakpak. "My best student." There was a hint of sarcasm there, though it may be true. Umiling-iling nalang ako at tinabi ang esapada ko't saka nagsalita, "Ano nang plano mo?"
"Huwag mong ipapaalam kay Eris ang tunay na kalaban. Hayaan mong pagdudahan niya ako. I'm sure the enemy plotted the attack on the day of the battles," wika niya at bigla nalang winasiwas ang espada sa'kin, na kaagad ko namang iniwasan. "We need to train while talking, baka pagsuspetyahan tayo ng iba."
Tumango ako at tinapat sa kanya ang nagliliwanag kong espada. "If that's the case, we have to get rid of the enemy before the battles," sabi ko't umiwas sa kaniyang atake. I tumbled and aimed for her knee then.
"Mabibigo lang tayo. Pwede tayong maging biktima." Tumalon siya bago ito sabihin.
"Eris is a victim! Kung hindi natin papata— ah!" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong nadaplisan sa tuhod. Napaluhod ako at kaagad hinilom ang sugat gamit ang healing magic ko. I glared at her. Ba't kailangan daplisan? Tsk.
Althea looked down at me with crossed arms, "Eris is not the victim. She is the subject. Georgia is the victim here, siya ang na-possess. Even so, I think we don't need a plan. Just leave it to me."
"Ano?" Iritado kong sagot. "Leave it to you? Kung gan'on, balewala nalang pala lahat."
"I am wise, Lucifer. I am the wisdom's child. I am Athena in Earth. I am not this for nothing," she paused for a while. Tinaasan niya ako ng kilay bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "But then, you're also not Lucifer's reincarnation for nothing."
"Ano?" Iyon lang ang tanging nasabi ko. Ano'ng kinalaman ni Lucifer doon?
"If Eris is too weak to kill her own enemy, then ikaw ang pumatay."
At bigla nalang siyang umalis. Leaving me in utmost confusion. Natulala na lang ako hanggang sa naramdaman kong nag-iba na naman ang paligid. Nagpapakita na naman ba ang nakaraan?
Nag-iba ang suot kong damit. Wala akong saplot sa itaas at ang pambaba ko nama'y puting pantalon. Bigla namang may dumaan na paru-paro sa harap ko. Naisip kong gumawa rin ng paru-paro. Sa pagkakataong sinara ko ang kamay ko at pagkabukas ko'y tatlong paru-paro nga ang lumabas, kagaya ng aking naisip. Umikot sila sa kamay ko hanggang sa hinipan ko ito at lumipad sila palayo. Kasabay noon ay ang pagdami pa ng paru-paro.
Nagtaka naman ako nang magkumpulan ang mga paru-paro, para bang may tinatakpan sila. Muli kong hinipan ang kamay ko, to reveal the thing they're hiding. Nagliwanag bigla ang mga paru-paro, hanggang sa unti-unti na silang lumipad kung saan-saan. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng isang nilalang. Isang... babae?
Napatayo ako dahil hindi ako lubos na makapaniwala. Paanong may babae? Sa mga istorya ko lang naririnig at nakikita ang babae, na katuwang daw ng lalaki. Ngunit kailanman wala kaming nakikitang babae. Kung totoo nga, siya ang una.
Iilan lang kaming namumuhay, at lahat kami'y may sariling abode. Si Red para sa araw, ang tawag sakaniya'y Sorcerer. Ako, Lucifer, para sa heavens at ako'y isang Anghel. Si Seraphin, isang male Siren, na may hawak ng tubig. Si Alpha, isang Wolf, na may hawak ng buwan. Lahat kami'y lalaki, kaya't kung siya ang unang babae, maaaring may sarili rin siyang abode. Ano iyon?
Pinagmasdan kong mabuti ang babae, natatakluban ang kaniyang katawan ng mga itim na paru-paro. Ang buhok niya'y kulay itim din. Nakapikit pa siya, at nakalutang. So I'm witnessing her creation. Napangiti ako at nag-intay sa pagmulat niya.
A year went so fast, ngunit hindi pa rin siya nagigising. Nanatili akong narito buong taon upang hintayin ang pagmulat ng unang babae. Bakit kaya ang tagal?
Naisipan kong bigyan siya ng maliit na parte ng kaluluwa ko, para mas mabilis siyang magising. I took a butterfly of soul out of my body at inilagay ko iyon sa katawan niya. And in an instance, mas nagliwanag ang katawan niya. She is waking up.
Isang malaking pagsabog ang nangyari, and that time, I felt something dark. Don't tell me she's the demon? The first demon that will hold hell. Sinubukan kong tingnan ang babae, ngunit natakluban ang paningin ko ng hamog. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kinatatayuan ng babae. I can feel her presence, she's awake.
Unti-unting nawala ang hamog, and I finally saw her mesmerizing eyes. Gold.
She smiled at me. "Thank you for waking me up."
My mouth dropped open, and my heart raced as if I'm facing death. I can't seem to find the right words, masyadong nakakahumaling ang ganda niya. Ang maalon niyang buhok ay nadala ng hangin, at mas lalo kong nakita ang detalye ng mukha niya.
"Ano'ng pangalan mo?" Finally, natanong ko rin.
Inilahad niya ang kamay niya. "Sinclair, the demon. And you?"
Should I take her hand? Demonyo siya, ang kalaban ko. I should stop myself. But I can't. Tinanggap ko ang kamay niya. And at our touch, bumigat ang paghinga ko. The feeling was drowning me, hindi ko alam kung ano'ng gagawin but hold her. Maybe if I hold onto her, she'll be my survival.
"Lucifer," wika ko and she smiled a little. Bahagyang humigpit ang hawak ko sa kaniya. "The angel." At that moment, she lost her smile. Her mouth gaped open, at gusto niyang makawala sa hawak ko. Of course, hindi kami pwedeng magsama. Her sweet eyes turned to a cold one.
It was strange how a creation has knowledge about these things, of the things we know. There, I believed there was someone else above us in charge of imparting wisdom to us. How they allowed us to have knowledge to use our powers, our limitations, and everything else. It's just annoying how they let us meet like this, how she had to be my opposite. How opposite attracts.
"Let me go, unless you want to die," sabi niya. So I let her go. And realized, she's the sea that drowns me. She's not survival. She'll be the death of me.
Mariin niya akong tiningnan. "I'll remember your face, enemy." I know every little detail of your face, Sinclair. "Until next time, Lucifer," aniya't ngumisi at sabay naglaho nang tila bula. Even until our reincarnation, Sinclair.
Nag-iba na naman ang paligid, ibig sabihi'y bumalik na ako bilang Leviticus. Ah, so doon pala nagsimula ang lahat. I closed my eyes, hanggang sa may naramdman nalang akong may nakatingin sa'kin.
I opened my eyes, turned to my right. At doon ko nakita si Eris, looking straight at me. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. I wonder if I can hold her. Sinubukan kong abutin ang kamay niya, ngunit mabilis niya itong iniwas.
"Don't, unless you want to die," mariin niyang sabi.
Bahagya akong natawa, pero napatigil ako. Nakakamatay ang hawak niya, pero bakit hindi ako namatay sa hawak niya noong una kaming nagkakilala? Sa alaala namin no'ng nakaraan? Paano nangyaring biglang nakakamatay ang hawak niya?
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...