Georgia Kaye Alas' Point of View
Nagising ako sa kakaibang lugar. Madilim, at may malamig na bakal na nakaposas sa'kin kamay. Nasaan ako?
Pinikit ko ang aking mga mata upang i-activate ang night vision ko. Heh, perks of being a vampire. Nang muli akong nagmulat, napagtanto kong nasa isa akong selda. The walls were made of plain sement, and it was covered of scratches, stains of blood, at mga sulat na hindi ko maintindihan. These are ancient words. Ibig sabihi'y matagal na itong seldang ito.
Tiningnan ko ang sarili ko. Wala akong natamong sugat, at wala rin namang masakit sa'kin. Perhaps, it has already healed over time. . . But what the hell happened?
Pinikit ko nang mariin ang aking mgat mata upang maka-alala sa mga nangyari. Then suddenly, I remembered tattered memories of yesterday. Woods. Runes. Demons. Vampires. Cloak. Scars. Leviticus and... Althea. Sumakit ang ulo ko sa pag-alala ng mga pangyayari. I tried connecting my memories, but the only thing I remember is that I fought with vampires that night.
Narinig ko ang sigaw ni Eris noon. I felt that she was in danger so I went to the woods, at doon ko nakita ang mga kapwa ko bampira. Pinikit ko ang mata ko at sinubukang pakinggan ang nasa paligid, para tingnan kung may mga kasama ba ako o wala.
"Hindi pa ba nagigising ang bampirang anghel?" Natigil ako sa pag-alala nang marinig ang tinig ng isang lalaki. His voice was full of authority, at napagtanto kong hindi siya humihinga, meaning isa siyang vampire.
"Hindi pa po, mukhang matagal pa bago siya magising. Napuruhan siya ng ating mga alagad, ama." Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon! Kung hindi ako nagkakamali, si Rowsella iyon. Ang prinsesa ng mga bampira. At ano'ng sabi niya? Ama? Ibig sabihin ba noo'y ang kausap niya'y si King Zachaeus IV?! Ang hari ng Voltaire, land of vampires.
I heard a tiny chuckle from the king. "Why are we keeping her anyway, father?" Tanong ni Rowsella. She was annoyed, of course, simula't sapul, inggit na inggit na sa'kin ang babaeng 'yan.
I can feel the evil smirk of King Zachaeus with the way he spoke. "She's going to be a tool for the Bloodfest. We will use her angelic powers as protection, after that, I'll consume her because she has angel blood." Nanliit ang mata ko dahil sa mga katagang 'yon. Sa lahat ng vampire-angels, ako pa talaga ang napansin nila? Dinamay pa ako!
"Your father will be stronger, then."
"Bloodfest?" Tanong ni Rowsella.
Napakunot ang noo ko. The last bloodfest was recorded centuries ago. . . noong buhay pa si Phoenicia. Bakit biglang magkakabloodfest ulit? It will mean the sacrifice of both humans and vampires. Sabi nila'y magsasama-sama ang lahat ng bampira sa araw na iyon, at pagpatak ng eclipse, papatayin nila ang sinumang tao na kanilang makikita. It was noted that it almost marked the extinction of humans.
Kasabay ng bloodfest, marami ring mapapatay na bampira. All others will oppose vampires and probably kill vampires too. It is war and chaos. It is a work of evil, and the real demon itself.
"The demon is alive, Rowsella! Hell will be alive again, and death will conquer the world. We'll be with her glory," narinig ko pa. Her? Hindi ba't si Lucifer ang may gawa ng mga demonyo? Kailan pa siya naging babae? Na-reincarnate ba siya bilang babae? Pero. . . hindi maari iyon. I need to warn Headmaster Gaiael. We need to stop this war.
Nagulat naman ako nang biglang may sumakal sa'kin. Inuntog niya ako sa pader at tinakpan pa ang aking bibig. Pinanlakihan ko ng mata ang bampirang nakahawak sa'kin. Nakaposas na nga ako't lahat lahat, sasakalin niya pa ako? "Shh," wika niya sa'king isipan. He's using telepathy!
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...