Lucifuge Rofocale's POV
LUCIFER'S EXTRACTI feel uneasy. Hindi pa natatapos ang pinapagawa o training ay pumunta na agad ako sa isla ni Apollo para tingnan si Georgia. I prayed to all gods and angels that she's safe and sound... hell, a demon praying to the divine beings. This woman really does wonders to me. Aish.
Hindi ako lumipad, and I just teleported to his island. I couldn't waste any more time. Tumingin naman ako sa paligid,at napansing puro templo o buildings dito. Napatango naman ako at naglakad-lakad.
"Ano'ng ibig mong sabihing nawawala siya?" Napalingon ako nang makarinig ng malakas na sigaw. I'm sure boses iyon ni Apollo. Sinundan ko nalang kung saan nanggaling ang boses niya, at nakita kong kausap niya ang isa sa alagad niya.
"Bigla nalang po siyang naglaho habang nakasakay sa flying—" Apollo cut him off kung kaya't napatigil siya ang alagad sa pagsasalita. "Pero bakit naririnig ko ang boses niya?"
Sino bang tinutukoy nila?
"Imposible, hindi ko na po talaga siya na-track o natagpuang muli," nagtatakang sagot naman ng alagad. "Bakit niyo po ba siya pinapabantayan sa'kin?"
Apollo looked around, and I didn't know why I hid in the shadows. It's just something I can do as a demon, pero ba't ko ba siya tinataguan. Ugh, instincts.
"Sandali, naririnig ko talaga ang boses ni Georgia," wika ni Apollo at naglakad palayo. At the mention of Georgia's name, I stiffened. Siya ang nawawala?
I quietly followed Apollo and his slave's back, papunta sila roon sa lugar kung nasaan ang ibang Phoenicians. At nagulat nga kami nang makita si Georgia, it was really her appearance. Everything seemed like her, kung gayon ay bakit siya nawawala kung naririto naman pala siya?
Nagulat ako nang diretsong tumingin sa'kin si Georgia. Paano niya naman akong diretsong natitingnan? Isa lang akong shadow ngayon, and Georgia couldn't see beyond the illusions of the shadows. Wala iyon sa abilidad niya. Then, isa ba itong clone ni Georgia?
Georgia, sinubukan kong makipag-telepath sa kaniya but... she had no ability of telepathing. Hindi nga ito si Georgia. I muttered curses in my mind. Where the heavens is she?
I moved through the shadows and attacked her with dark energy waves. I smirked when she lost cast of her clone or illusion of Georgia and she have finally revealed herself, the waves proved effective.
'Di na ako nagtago gamit ang mga anino kaya't mukhang nagulat ang ibang Phoenicians. Ngunit ako naman ay nagulat nang makitang hindi ang alagad ni Phoenicia ang nagpanggap na Georgia. Instead, it was a lady with jet black hair and stormy eyes.
"Mnemosyne?" gulat na sambit ni Apollo. Mnemosyne? Hindi ba't siya ang Greek Titaness of Memories? Kung gayon, bakit siya narito bilang si Georgia? Don't tell me these bunch of Olympian freaks are on the opposition side?
"Sinira mo ang plano ko," mariing wika sa'kin ni Mnemosyne. Lumingon siya kay Apollo. "Permit me to do chaos in your land, Apollo," saad niya.
Mas lalo akong nagulat nang bigla siyang umangat sa ere, she scanned over the place na tila ba may hinahanap. Akmang aatakihin ko siya nang pigilan ako ni Apollo, pinana niya ang paa ko at pinanliitan ako ng mata na para bang sinasabing "huwag."
This Titaness just cloned Georgia! How could I possibly calm down, knowing she's nowhere to be found?
"Wala na si Georgia, she's now under my hands. Whoever's after her, must go after me. Show yourself," wika ni Mnemosyne sa ere habang nag-iikot. Nagkunot-noo naman ako, pinoprotektahan niya ba si Georgia?
BINABASA MO ANG
Phoenix Academy
FantasyPUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoenix Academy. Finally, makikilala niya na ang sarili niya. She'll be able to control her powers and liv...