DAHIL SA NANG YARI WALANG MUKHA si Ammar naiharap sa kaibigan n'ya at natakot s'ya na nag katotoo ang sinabi ni Japh,at ni Faustina na ang pag kuha nang bagay na hindi sa kanya ay mag dudulot nang isang kahihiyan sa kanya,halos naging papel ang mukha ni Ammar at dali-dali s'yang lumabas nang mall at agad na sumakay sasakyan.
"Alam mo ba kong saan si Japh ngayon Lian??!"tanong nang bibata.
"Hindi dahil kanina pag alis ko sa bahay tulog pa s'ya bakit??!maang na tanong ni Lian,kahit alam n'ya na ang nang yari.
"Wala gusto ko lang s'ya makausap!"wika nang binata at inutusan si Lian na umuwi.
"Sir ano nangyari??!
"Totoo bang pag aari nang isang d'wende ang mga painting ni Japh??!tanong nang binata.
"Hoh,bakit n'yo naitanong?!"tanong nang binata.
"Kwan kasi!...wala!!"wika ni Ammar .
Di magawang ipaliwanag ni Ammar ang nangyari sa painting dahil ayaw n'yang tawagin na mag nanakaw nang tauhan n'ya kaya tumahimik s'ya at nag isip .Samantala si Japh,ay masaya dahil pasok ang painting n'ya sa excibit na gaganapin,at wala na s'yang ikabahala dahil safe na ang bagay na mahalaga sa kanya,at mag bilang s'ya nang araw para malaman nanalo s'ya oh,hindi.Wala s'yang balak mag tagal sa City kaya agad s'yang umuwi para maka pinta ulit. At di n'ya inaasahan na madatnan sa bahay si Ammar na tila tigre ang mukha.
"May utang ba ako sayo??!"tanong nang dalaga.
'Nasaan ang painting?!"tanong nang binata na tila nasiraan nang bait.
"Painting??!bakit marunong kaba mag guhit?!anong alam ko sa mga painting mo?!"wika nang dalaga.
"Wag kang pilosopa!!ibalik mo ang painting ko!"sigaw ni Ammar na biglang nilingon ni Japh.
"Mr Thau!!una sa lahat,wala sa akin ang painting mo!at kong may mga painting man ako yun ay pinag hirapan ko!di ako mag nanakaw nang obra nang iba para linlangin ang mga tao.At kong tinutumbok mo na ninakaw ko ang painting mo!na na painting ko rin,yun ay ako ang original na gumawa nun!kaya tigilan mo na ang pag emote dahil yun ay para sa akin!gets mo?!"wika nang dalaga.
"So ka konchaba mo ang kaibigan mo para makuha yun,at ipahiya ako!"galit na wika nang binata.
"Niligtas lang kita sa malaking kahihiyan Ammar!!kung bakit ko ginagawa yun ay di ko Alam!"wika nang dalaga.
"Kahihiyan oh,gusto mong sumikat sa boung mundo na ikaw ang pinakamagaling na pintor."wika nang binata.
"Di ko tatanggapin kong di ako deserving Mr Thau!kaya nililinaw ko lang na wala kang pag aari na ninakaw ko!kung may binawi man ako s'yo yun ay pag aari ko!"wika nang dalaga
Naging mainit ang pag tatalo nang dalawa nang dumating si Nanay Silya, bagay na kinausap n'ya si Ammar.
"Iho,imbis na awayin mo si Japh,dapat kang mag pasalamat."wika nang matanda.
"Pasalamat!!bakit may hiningi ba ako sa kanya?!
"Subra pa sa hingi iho!!"wika nang matanda at iniwanan si Ammar na umaapoy sa galit nang biglang nahimasmasan s'ya sa malamig na tubig .
"Yan ay bayad sa mga kasalanan mo sa akin!una sa pag talsik nang tae nang kalabaw!pangalawa ang pag buga nang kape sa mukha ko! At ang pangatlo ang pag nakaw nang pag aari ko!!"galit na wika ni Japh at inubos ang timba ng tubig ,para makontento,sinaklob ang timba sa ulo ni Ammar.
"Sana matoto kana!!"wika nang dalaga at pumasok sa kubo.
"Ahhhhhhh!!!malakas na sigaw nang binata!!at paulit-ulit na sinuntok ang puno nang saging na malapit lang sa kinatayuan n'ya.
BINABASA MO ANG
HULA NI: BLOODYHEART
RomanceTeaser: Ayon sa isang lumang kasabihan ang hula ay hindi totoo at isang kathang isip lamang ito ng tao. Najaph Cee, (a woman with golden heart) ngunit pilit na nagtatago sa isang maliblib na lugar kung saan bihira ang mga tao at malayo sa po...