Halos nanlumo si Japh,sa tuwing iisipin n'yang kasama ni Ammar ang asawa nito.Kaya naman umiiyak ang puso n'ya at pinilit n'yang manahimik na.
"Japh??paano kung kasama nya ang asawa n'ya?kakaibiganin mo pa s'ya?"tanong ni Lian.
"Oo,naman bakit hindi?!
"Ako ang na sasaktan para sayo."Wika ni Lian at niyaya ang kaibigan na pumasok para di na masaktan pa.
Boung araw na hindi lumabas si Japh, ginawa n'yang busy ang sarili n'ya sa loob nang bahay,bagay napansin ni nanay Silya.
"Anak,may iniiwasan kaba sa labas?"tanong ng matanda.
'Wala po nanay,gusto ko lang na makasama si ate."Wika ng dalaga.
"Di mo naman,maitago sa akin Japh.Alam mo anak mas malaya ka kong harapin mo ang katotohanan,wag kang mag tago sa taong wala kang kasalanan."Wika nang matanda.
Napaisip ang dalaga,at naalala n'ya ang sinabi n'ya sa binata tungkol sa reality of life,kaya naging confident s'ya sa sarili at nakahanda nang harapin si Ammar kahit na may kasama pa ang binata.
"Japh,galing ako kanina sa farm,nais ka raw makausap nang mga tauhan natin."Wika ni Lian.
'Bakit raw,may problema ba?".Nag alalang tanong nang dalaga.
'Wala naman,seguro nais lang nila na magpasalamat sayo,dahil sa magandang takbo ng farm mo."Wika ni Lian.
Kinahapunan masayang pinag bigyan ni Japh,ang kahilingan nang kanyang mga tauhan at nakikipag halubilo ang dalaga sa mga ito.At natuwa ang mga naroon dahil kahit na mayaman ang dalaga walang kimi at arte sa katawan dahil nakikipag tagay ito ng lambanog.
"Hoooooh!!ang sarap pala nito?!"sigaw ni Japh at tinaas ang baso para makipag tost sa mga tauhan.
Samantala kasama ni Ammar ang ama na umuwi sa hacienda,at natuwa ang binata dahil tumigil na ang ama sa pangungulit sa kanya dahil sa nag karoon s'ya ng magandang buhay.
"Anak,napakaganda ang lugar na ito."Hangga ng ama sa lugar.
"Oo,nga pa!tahimik layo sa ano mang problema.
"Maiba nga pala ako,binalik ko ang ang resort na sinanla nang kompadre ko ,para bayad sa kahihiyan na ginawa natin."Wika nang matanda.
"Di ba sila nagalit pa?!"Tanong ng binata.
"Ang magulang n'ya,hindi kaso naawa ako sa anak nila dahil sikat ito binatigos nang mga kalaban n'ya."Wika nang matanda.
"Talaga lang,sikat?!ano sa pulitika ba s'ya artista or what?!"tanong nang binata.
"Carding??!..Tawag ni Benjamin sa driver at katiwala nila.
"Bakit senyorito?!Tanong nang matanda.
"Kunin mo nga ang news paper sa sasakyan.'Utos ni Benjamin.
"Kawawa naman s'ya dad,kung sikat s'ya paano n'ya natakasan mga batigos sa kanya."tanong nang binata.
"Senyorito,ito ba?!."Tanong ng matanda at binatong sa mesa ang hawak.
Agad na binuklat ni Benjamin ang peryudiko,at hinanap ang article nang pag batikos kay Japh.
"Ito iho tingnan mo!s'ya ang anak ng kumpari ko.Isa s'yang abugada pero mas pinili n'ya ang maging pintor at ngayon sikat na s'yang artist nang boung mundo."Wika nng ama at biglang nabitawan ni Ammar ang peryudiko at napaupo.
"Bakit ba anak?!"tanong ni Benjamin.
"Papa bakit di n'yo sinabi na s'ya pala ang mapangasawa ko!.Abot kamay ko na s'ya."Wika ni Ammar na nanghihinayang.
BINABASA MO ANG
HULA NI: BLOODYHEART
RomanceTeaser: Ayon sa isang lumang kasabihan ang hula ay hindi totoo at isang kathang isip lamang ito ng tao. Najaph Cee, (a woman with golden heart) ngunit pilit na nagtatago sa isang maliblib na lugar kung saan bihira ang mga tao at malayo sa po...