CHAPTER 4:

470 19 0
                                    


 


Halos di huminga ang mag kaibigan nang hanggat di nakita ang lalaking bumaba nang sasakyan.Saka nalang sila nakahinga nang nakita ang matandang taga pag alaga nag Hacienda.

"Mang Carding kayo pala!"wika ni Lian at nag mano sa matanda na halos kasing idad nang tatay n'ya.

"Iho,kaya ako naparito para alukin ka nang trabaho."wika nang matanda.

"W'ag na po pag si sir Luis parin ang may -ari n'yan"wika ng binata.

"Bago na ang nag may-ari nang Hacienda Lian."wika nang matanda at napansin si Japh.

"Teka lang,ang ganda ng kasama mo nobya mo iho?!"wika nang matanda

"Hindi hoh!isang kaibigan lang "wika ng binata.

'"Hmmm,maganda s'ya!"wika nang matanda.

"Mang Carding,sino po ba ang may -ari ng hacienda kong hindi si sir Luis."tanong nang binata.

"Si Mr Ammar Thau,binili n'ya na kay Luis ang Hacienda,at ang sabi n'ya yayain ko raw mag trabaho sa kanya ang mga tao dito."wika nang matanda.

"Mamaya punta ako doon!baka sakali matanggap n'ya ako,di mas malapit ang trabaho ko,at araw-araw ko makita si nanay."wika nang binata.

Di na mag tagal pa ang matanda at mag paalam na sa dalawa, at umuwi dahil aalis sila nang amo.Para mamili nang mga alagaing hayop.

"Ano mang Carding?!papayag ba si Lian?!"tanong nang binata nang nakita nila si manang Silya.

"Magandang araw sir!"bati ng matanda.

"Hello Manang ako pala si Ammar,kayo po?"tanong nang binata.

"Mang Silya!"wika nang matanda at kinamayan ang binata.

"Kinagagalak kong makilala ka nanay Silya."wika nang binata.At nagulat ang matanda nang nakita nya ang kamay nang binata.

"Iho?ikaw ba'y may tinakbuhan?!"tanong nang matanda na kinagulat nang binata.

"Tumakbo ka sa magulong buhay,at umiiwas ka sa mga babae ngunit sa di mo inaasahan na ang babaeng inayawan mo ay nakita mo na ngunit di pa kayo nag kakilala nang maayus."wika nang matanda.

"Paano n'yo po nalaman?!"tanong nang binata.

"Yan ang nakaguhit sa palad mo."wika nang matanda ,at binitiwan ang kamay nang binata.

"Iho,nakita mo na s'ya!"wika ng maatanda at nag paalam sa binata na naguluhan.

Dahil sa sinabi ni Nanay Silya ,ay lutang sa hangin ang isip ni Ammar bagay na napansin ni Mang Carding,at di natiis na tinanong ang amo.

"Sir ano bang ginugulo nang isip n'yo?!"tanong nang mayanda.

"Si nanay Silya kasi,nahulaan nya ang dahilan kung bakit ako narito at alam n'ya rin kung sino ang iniiwasan ko."wika nang binata.

"Naku!sir si manang Silya,isang dakilang mang huhula yan!ang tanong ko, naniniwala kaba?"wika nang matanda.

"Opo!

"Kung ganon,kailangam mong hanapin ang babae na sinasabi n'ya."wika nang matanda.

"Mang Carding naman,para akong baliw nag hahanap sa butas nang karayum,isa pa kaya ako nag tago dito dahil sa mga babae na yan,sakit sila sa ulo."wika nang binata at binuhay ang makina nang sasakyan.
Boung araw na busy ang mag amo,kaya nawala sa isip nang binata pinag alala n'ya kanina lang.

"Paano sir,ok na ba ang mga hayop na binili natin?"tanong ni Mang Carding.

"Opo naman!malulusog naman sila."wika nang binata at nakaramdam nang pagod.

HULA NI: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon