4

306 25 2
                                    

Author's Note:

Happy reading po!

***
Kakatapos lang ng meeting ni Alabama, the game show was a hit! Sa loob ng tatlong linggo nakuha nito ang 45% na viewing share ng national T.V. Mamaya may party sila but hindi dapat magpakasaya agad dahil sigurado gumagawa na ng paraan ang kabilang network para mas tumaas ang ratings.

"Sir!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang di inaasahang bisita o buwisita kamo ika sa sarili ni Alabama sa sarili, sinara nito ang laptop at nagsalita

"Kim you can go" sabay sarado ng pinto ng assitant niya "anong masamang hangin at dinala dito ang asawa ng evil stepsister ko? Or should I say Mr. Ike Policarpio" sabay tingin ng matalim dito.

"Saan mo dinala ang anak ko!" Sambulat agad sa kanya na nagpa arko ng kilay niya.

"Wala kang pake kung saan impiyerno ko itatago ang anak ko, or should I say kung saan ko man gusto ilagak ang labi ng anak ko." Sabay balik sa ginagawa "busy ako so go out." Pag papaalis sa lalaki

"Anak ko din si Baby Angelo! Nanahimik ang anak natin sa libingan tapos ipinahukay mo at inilipat sa kung saang lupalop ang anak siya!"

"Isa siyang de Brosas ni hindi mo kinilala ang anak ko." Nag igting ang panga "kung kailan tunaw na ang laman at buto na lang siya saka ka mag-papaka ama? This is funny kung makahanap ka ng anak aakalain ng iba na buhay si Baby Angelo"

"Its my damn right! Matagal ng nanyari ang lahat can't you just forgive us all? Para matahimik na ang anak natin?"

Nanginig ang laman ni Alabama tumayo bigla ito at sinampal ng ubod ng lakas ang lalaki "HOW DARE TELL AT MY FACE NA WALA AKONG KONSIDERASYON! SIRA ULO PALA IKAW EH NAHAHAWA KA NA SA MAY TITILING AT ISIP BATANG ASAWA MO! TILL MY DEATH DADALHIN KO ANG GALIT SA PUSO KO!" Sabay duro sa dibdib "WALA KAYONG KARAPATAN PARA BISITAHIN ANG ANAK KO! HINDI SIYA MAMATAY KUNG DI DAHIL SA INYO! PINATAY NINYO ANG ANAK KO!"

"Alabama, hindi ko alam na ganon ang mangyayari. Mawawalan ako ng mana kung di ko papakasalan si Honda sabi ng Mama mo na siya na ang bahala sa inyo, at pag malamig na ang lahat kami na dapat ni Honda ang mag-papalaki sa bata. Para makapag simula kang muli!"

Pak!

"MGA HAYOP KAYO! MATAPOS NG LAHAT NG GINAWA NINYO SA AKIN, KUNG NABUHAY PALA SI ANGELO KUKUNIN NINYO SA AKIN ANG ANAK KO! DAHIL NAMATAY SIYA WALA NA SIYANG PAKINABANG SA INYO KAYA DI MO PINADALA ANG PANGALAN MO?!"

"Its not like that, ang daming nanyari kaya di ko naasikaso believe me! Masakit din sa akin ang pagka wala ni Angelo!"

"GET OUT TALAGA PALANG HINDI MO NA DAPAT MABISITA ANG ANAK KO! LUMAYAS KA KUNG AYAW MO MAMATAY AT DOON SA LIBINGAN DATI NI ANGELO MALIBING!"

Hindi na pumalag si Ike at umalis na rin, mabuti na lang at soundproof ang office niya kundi nagkakagulo na sa labas ng office niya.

"Mam Wala na po kayong schedule, mag-sstay pa po ba kayo?"

"No I will be leaving thank you Kim for being there for me through my hardships and success"

"Mam" huminga ng malalim "kahit siguro sa akin manyari iyan baka patay na sila lahat" sabay tayo "Angelo is here kaka dala lang ng funenarya" sabay bigay sa ern, pina cremate na kasi niya ang anak at dadalhin na sa kanyang condo.

Nagpapaka ama si Ike sa batang ni hindi man lang nagtagal ng ilang araw ang buhay, naiinis siya sa inaasal nito, ng asawa na si Honda, pati na rin ang ina na akala mo concern na concern kanya at sa anak, nagkaroon siya ng ideya na ipacremate ang labi ng anak, upang masiguro niya na hindi na mangingialam pa ang ina o sinuman sa kung ano ang gusto niya bilang ina, makasarili man at kung ipagdamot man niya ang "patay" puwes nasa kanya ang lahat ng rason.

Kotang kota na ang ina nito sa kanya pari na rin ang mag-asawa tuwing birthday ng anak nandodoon sa libingan kung makatangis ang mga ito akala mo kakamatay lang nito, tuwing death aniversarry si Honda pinu puno nang bulaklak ang puntod ng anak. If she knew talagang nilaladyan nito ng sandamukal para di na makita ang nitso ng anak, tuwing undas si Ike lagi na lang nangunguna sa kung ano ang dapat o tamang pag-lilinis, pag-aayos pati pintura ng puntod dapat yung gusto nito! Ano siya? Ayun parati na lang nagmumukhang "extra" o di kaya "anak, kami na bahala kay angelo" o di naman "Alabama na bawi lang ako sa anak natin!" Ang nakakainis yun kay Honda "Bilang asawa ng ama niya nandito ako para maging ikalawang ina ng batang to kahit patay na!" Nag-dradrama ang mga ito na akala mo soap opera ang buhay nila at baka need na need nila manalo sa Famas, emmy's, oscars o san man lintik na award giving body! She had enough and if its mean so be it! Wala siyang kebir kung ano sabihin ng iba!

***
Nasa harap na siya ng pintuan ng condo niya ng may nakita na nakatambay its no other than her evil stepsister "Alabama" ngiti sa kanya

Binuksan naman niya ang pinto at humarap dito "wala akong oras makipag plastikan"

"Alabama, nasaan si Baby Angelo?! Okay naman siya doon! Kawawa naman sila mama at ang asawa ko" sagot sa kanya nito

Napakapit siya sa paperbag kung saan nandoon ang ern ng anak "Sabihin mo sa kanila tama na ang pag-papanggap, tumigil ka na Honda sa pag tanga tangahan. Hindi ninyo na magagawa sa akin ang ginawa ninyo sa loob ng mahabang panahon. Panahon na para manindigan ako."

Papasok siya sa bahay ng bumuka ang bibig ni Honda "ano ba ang pinagmamalaki mo? Isa ka lang walang kuwentang host na sinuwerte, pasalamat ka nga at walang nakakaalam na disgrasyada ka sa anak ng mister ko, Kundi walang-"

Pak!

Napatigil ito ng biglang may sumampal its no other than Simon Irañon ang ama nito "kung ano ang meron kay Alabama pinag hirapan niya iyun anak! Now leave!"

"Papa! Bat parati ninyo na lang siya pinagtatanggol ako ang anak ninyo!" Iyak nito

"Dahil baliw ka! Parehas kayo ng Mama mo! Akala mo ba basta basta na lang ang ginawa ninyo porket nanahimik siya at ako!" Asik nito "umuwi ka na sa inyo kung ayaw mo ma eskandalo ka! Sabihin mo sa asawa mo wala siyang karapatan sa bata! Si Alabama lang ang magulang."

"Papa!"

"Kaya wag na kayo makialam sa gusto niya!" Padabog na umalis si Honda samantala humarap si Simon sa Stepdaughter "okay ka lang?"

"Opo tito" sabay pasok nito sa loob at sinundan ng lalaki, pumasok sila sa prayer room ng condo at inayos sa Altar ang ern ng anak "Angelo, matatahimik ka na."

"Okay ka lang talaga?"

"Tito kailan ba ako naging totoong okay? Kahit kailan hindi." Sabay pahid sa luha "sobra si mom. Sana buhay pa siya" hagulgol nito "hanggan sa huling hantungan nangugulo sila paano matatahimik ang anak ko kung parati siyang binubulabog ng mga ito."

"I know."

"Tito Simon salamat po sa pag-tulong na ma cremate ko siya."

"Para sa ikakatahimik mo" sabay yakap dito "biktima ka ng pamilya ko, at habang buhay ko yun pag-babayaran."

"Tito?"

"Nang agaw ako ng taong pamilyado, inagaw ko sa inyo ng papa mo ang ina mo. Sapat na yun para masabi na ako ang ugat ng pag-durusa mo"

"Tito wala po kayong kasalan kung meron man pinatawad ko na po kayo." Pagtatapat

"Pero ang papa mo hinding hindi ako mapapatawad pati na ng pamilya niya." Sabay tingin sa relo "sige iha at aalis na ako, baka malaman pa nila na tinulungan kita at ni Fuschia na mapacremate si Angelo."

"Sige po, pasabi po kay Fuschia pupunta ako sa graduation niya"

"Salamat"

***
Pa comment naman po para malaman ko po ang inyong opinyon sa story salamat po

Alabama's WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon