Final Chapter

316 9 8
                                    

Author's Note:

Enjoy Reading po and please read my new story Undeserving look at my profile page po salamat

***

Nakatingin si Alabama sa tiyahin na naiyak matapos magsalita para sa kanyang kuya, madami ang dumalo, tunay nga na naging mabait na tao ang ama niya.

"Alabama kaw na" sabay tayo ni Alabama at lapit sa may hawak ng mike

"Everyone here knew how good my father was. Ang sakit sakit na "past tense" ang mga salita na maiiukol ko na lang sa ama ko" umiyak si Alabama "Dad ang daya mo, you told me nandoon ka kapag na nganak ako sa a-po  mo huhu dad" napapunas ng luha si Alabama "sabi mo nandoon ka kapag nanganak ako" sabay tingin sa ama "dad, I gave my all like you did, the care and the love. Para makasama pa kita ng mas matagal, huhu *sumigok* ang daya ninyo, pero bat ko pa ba idadalangin na magtagal ang buhay ninyo? Anong klase akong anak para ipagdasal na patagalin pa ang pag durusa ninyo" umiyak na muli si Jana at si Jobel naman akap akap ang asawa "dad, miss na miss na kita huhu, dad lagi kong sinasabi that I love you so much, sana hindi na lang huhu...... Sana hindi na lang huhu..... Hmm huhu..... Kasi dad kung pinaramdam ko na kaya kong mag isa na wala ka" tumingin sa lahat "at binali wala kita baka... Baka humanap ka ng sarili mong kaligayahan, sorry daddy I regretted to make you feel that I need your love too much, that you let yourself not to find happiness, sana dad naging masama akong anak, sakit ng ulo ninyo huhu. Sorry dad I took the oportunities that came for you to be happy, sabi nila "its a choice" for a "good reason" he was the best parent a child could ever have, wala akong maiipintas sa ama ko huhu, he was my hero, my guide in the dark, pero I was not like that to him I became so dependent of his love now I regret being a good daughter, daddy please wake up, dad please huhuhu" niyakap siya ng biyenan na naiyak din "dad I know you will be a good grandfather to my children, I will not wish to guide my child but be happy on where you at wag kayong mag alala gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting ina, gaya kung paano ninyo ako pinalaki bilang isang mabuting anak, gagawin ko lahat para tulad ng pag mamahal ng ama't ina parehas ninyo ibigay sa akin, doon pa lang po ay sapat na para masabi ko magiging mabuti akong ina, hindi ko dapat inisip na hindi kasi. Kayo ang perfect na example. Dad I love you and will always missed how you wake up so early just to call me, how you cook me cookies when I was a child at paano kayo nag suot ng costume ng ama ni ariel sa little mermaid para terno tayo nung halloween when I was seven, kung paano ninyo sinahan sa ballet lesson at nandoon para masahiin ang masakit kong paa. Daddy Its so painful to say goodbye pero ito ang tama at gusto ko matahimik na ang kaluluwa ninyo, dad salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat lahat." Niyakap na siya ng asawa at pinaupo.

***

"Daddy this is my son Jess Anthoni ang laki na laki na no, sayang talaga si Angelo but I know kasama na ninyo ang anghel natin, pinahaba ko lang pero Jestoni ang nickname niya, dad salamat sa lahat lahat" sabay ayos sa ern ng ama, nasa maliit na kapilya iyun sa loob ng bahay niya kasama ang anak niya, well di naman siya katoliko para sumunod sa polisiya nila na after a year itatapon kung saan ang abo or ilibing para lang iyun sa mga katoliko ang guidelines buti na lang kundi inaway na niya ang crematorium gaya ng isa na nag pa creamate ng una. Sino ba sila para sabihin ang dapat o hindi para sa minamahal nila.. At least hindi nag iintay ng undas ang anak at ama para makasama sila, at sino naman ang nagsabi mag mumulto, walang unfinished business ang ama, at di din siya gaya ng iba kinuha ang buto ng minamahal tapos lagi inuuple at pinapaarawan sabay lagay sa baul, kaw kaya ang ganonin lagi ibibilad sa init nang araw tapos buto mo lagi uupliin (parang sand paper o nail file kinakaskas sa buto) baka di lang pag tugtog ng piano gawin niya baka bigyan niya ng bangungot kaanak niya.

"Jestoni!" Sabay karga ng ama sa anak "nga pala tumawag ang mom mo nanganak na daw si Honda"

"Pupunta ba tayo?"

"Ikaw? Kung ako di na kailangan kaso kinakapatid mo pa rin yun" sabay hele sa anak nila na limang buwan

"Sige punta tayo"

***
"Wow kamukhang kamukha mo honda ah!" Sabay karga sa apo ni Simon, tuwang tuwa siya sa apo, ng mawala si Jestoni, pinangako niya sa sarili to have a quality time sa kanyang apo, mabuti na lamang at sa maynila na nganak si Honda kundi talagang pupunta siya sa Bulacan, okay naman ang anak, may grocery slash, kainan slash souvenir shop ito sa gas station ng asawa.

"Papa aki na si Isabel"

"Kakaanak mo lang anak hayaan mo na ako tagal kong inintay to!" At nag tawanan na sila

Tok tok!

Binuksan ng nurse ang pinto at iniluwa nito sila Alabama "anak oh tingnan mo si Isabel kamukha ng mama niya"

"Oo nga" Lumapit naman si Alabama pero si Cas hindi na, napansin naman ni Fuschia na suot nito ang omega watch na niregalo noon ng ina at napa ngiti di man sila truly maging okay ng ina nila ang maiigi ay unti unti nabawasan na ang layo ni Alabama sa kanilang ina.

"Alabama kamusta na? Balita ko may bago kang teleserye?" Tanong ni Marcus para mabawasan ang awkwardness sa atmosphere

"Oo, si Tristan at Romina ang mga bida" sagot naman niya at kinuha ni Mercedes ang apo sa pagka karga sa ina

"Ang laki mo na Jess Anthoni" ngumiti naman sa kanya ang apo "ang cute cute ng apo ko"

"Bat mo sila pinag pares?" Tanong ni Fuschia "alam mo naman selosa ang girlfriend ni Tristan" sabay ayos sa brooch na bigay ng ama ni Alabama

"Well break na sila, kinall of na ang wedding nila" sagot naman ni Alabama at bigay ng fruit basket kay Honda

"Ano?" Nagulat si Fuschia

"Well, ang nanyari kasi kasal pala ang girlfriend niya at inamin nito na kinasal siya sa isang barkada ngunit matagal na daw yun" paliwanag ni Alabama

"Pero nag sabit sabit ang kasinungalingan niya, nabisto ni Tristan sa iisang bahay lang nakatira ang dalawa." Strauss said

"Wag na natin pag usapan iyan" sabay palakpak ni Marcus, ang mahalaga ako ay sinagot na ni Ingrid!" Marcus said

"Congrats bro!" Sabay suntok ng mahina ni Strauss sa kapatid "pag igihan mo ha!"

"Oo naman!"

Medyo naninibago si Alabama para silang bumalik noong nag sisimula pa lang ang gap year niya, masarap isipin na dahil sa bumitaw na sa galit ang ama, ang pamilya ng ina ay tuluyan nang nakalaya sa kasalanan

Sa ama

Sa kanya

Pero....

Malayo layo pa ang panahon para masabi na mapapatawad na niya ang ina, madami kasing nanyari na dapat hindi naganap mabuti na lang okay na ang lahat at masaya na siya sa buhay na mayroon sila ng asawa.

Alabama's WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon