Author's Note:
Part 2 of 19
Enjoy reading!
***
"Mama!"
Nagpatuloy si Mercedes "ang layo ng zambales sa maynila! Gusto ko lumipat sa malapit na medical school pero ayaw mo! Ayaw mo! IKAW ANG MAY AYAW MAGPAKA INA AKO SA ANAK NATIN! HINDI MO ALAM ANG SAKIT NA NAKIKUSAP NA AKO SA IYO NOON NA LILIPAT AKO! SINABI KO SA IYO NA PARA MAKASAMA KO SI ALABAMA AYOKO NA MAG ARAL SA MAYNILA DAHIL NANDOON SA ZAMBALES ANG ANAK NATIN PERO DI KA PUMAYAG! PINAKIUSAPAN KO ANG SPONSOR NA DOON NA LANG PARA MAS MURA ANG TUITION FEE, NAGALIT KA PA SA AKIN NA PARANG ANG TANGA TANGA AT BOBO KO DAHIL SINASAYANG KO ANG PAGKAKATAON!" Humagulgol "HINDI MO ALAM ANG MGA FRUSTATIONS KO! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT NA HINDI KO MAN LANG ALAM KUNG ANO ANG GUSTO AT AYAW NANG ANAK NATIN! HINDI AKO ANG HINAHANAP NIYA PAG MAY SAKIT! HINDI NIYA ALAM KUNG PAANO SIYA MAKISAMA SA AKIN! NAIYAK NOON ISANG TAON ANG ANAK NATIN PAG KINAKARGA KO SIYA ANG SAKIT "AKO YUNG INA PERO NANGINGILALA SIYA!" MADAMING PAGKAKATAON! PAG GUSTO KO SIYA IPASYAL AYAW NIYA NA DI KASAMA ANG LOLO O LOLA NIYA PAG KAMI LANG AYAW NIYA KUNG MAPILIT KO PULOS SILA BUKANG BIBIG NANG ANAK KO! NAYAYAMOT AKO NAIINIS NANG TODO KAYA NASASAKTAN KO SIYA KASI DI KO ALAM KUNG PAANO SIYA PATAHANIN! PAANO SIYA PAGSABIHAN! NABUBULYAWAN KASI ESTRANGHERO KAMI PAREHAS SA ISAT ISA."
"Mercedes"
"Makitid ba ako Jestoni? Kung ang tali talino ko pero ang bobo bobo kong ina sa kanya, kaya naman ayoko na siya masaktan, ayoko na siya mapagalitan, inilayo ko ang sarili ko ang sakit, dahil ako mismo alam ko masama ako para sa kanya." Napa iling "hanggan sa nandodoon si Simon para damayan ako sa sakit na araw araw akong pinapatay, hindi ko sinasadya na bumitiw sa atin"
"Hindi ko alam"
"Hanggan sa nakilala ko si Honda, malambing na bata, una ayaw ko siya lapitan dahil takot ako ma magaya rin siya kay Alabama matakot sa akin." Napatawa nang pagak "biruin mo yung taong pinagtatabuyan ko at iniwasan ang siyang magtuturo sa akin *huk* maging ina, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang nagawa kong magpakaina naging mabuting ina sa batang di ko kadugo, naparamdam ko sa kanya paano magka anak." Napaiyak si Jestoni "doon na nagsimula na makagaanan ko nang loob si Simon, at unti unti nahulog na ang loob ko. Masisi mo ba ako Jestoni kung nagmahal ako nang iba?" Napahilamos ang lalaki "masisi mo ba ako na magpakasal sa taong "tanggap ako" at higit sa lahat "hindi kinokontrol at parang bata na pinasusunod sa gusto na parang ama ko?" Yes you wanted the best you gave me your all." Mas umiyak si Mercedes at hinimas ni Marcus ang likod nito "but never really cared about my feeling! Sarado utak mo! Na akala mo pagkatapos kong makapasa magiging okay na lahat, pinabayaan mo na mawala ang pagmamahal ko sa iyo, ayaw mo ako tumawag sa iyo dahil "magastos" ayaw mo ko magpadala nang card pag may okasyon sa iyo at sasabihin mo ipunin ko na lang at magiging basura! Ayaw mo umuwi ako sa Zambales dahil mahal pamasahe! Saan ako lulugar! Saan ako magpapakaina? Paano ko makakapalagayan nang loob ang magulang at kaanak mo?! Ang sakit non lahat nang effort ko pag uuwi ka binabale wala mo, lumaki laki si Alabama nakabuntot sa kanila. Di mo alam pinatay mo ko! PINATAY MO ANG PUSO KO! GINAWA MO AKONG WALANG PUSO!"
Hindi makaimik si Jestoni at tumayo "ginusto ko lang na di mo pagsisihan na binuhay mo ang bata, ayoko lang na sabihin mo na "naging sagabal kami sa pangarap mo" ayoko lang na "maramdaman mo na di mo na magagawa lahat nang gusto mo kung may anak na tayo!" Bumuhos ang luha ni Jestoni "OO ALAM KO LAHAT NANG PAGKUKULANG KO! OO NGA MAGANDA ANG TRABAHO KO SA NAGPA ARAL SA AKIN! PERO ALAM MO BA NANG DUMATING AKO DOON? NALAMAN KO NA MAIILIT NA ANG SINASAKANG LUPA NANG AMA KO! SINALYA NANG MAGALING KONG TIYAHIN PARA MAKAPAG ABROAD ANG ANAK NIYA NA NAKIPAG TANAN NAMAN SA KUNG KANINONG PUTA!"

BINABASA MO ANG
Alabama's Wall
General FictionAlabama was never a choice for her mother, at a young age nasaksihan niya ang kasal ng ina sa lalaking pinagpalit sa ama na nagpakakubang magtrabaho para maging doktor ang ina. Sa malayo nakatanaw sila ng ama, masakit na may iba na tinawag na "mommy...